CHAPTER_(3)_

163 6 0
                                    

Leizl's POV:

"Teehehehe"

From here, kitang-kita ko si Alex na nakatayo sa labas ng coffee shop kung saan kami magmi-meet. Sneaking's fun din pala ano? Actually, kanina pa ako dito. Nauna lang sya sa'kin ng konti at gusto ko syang pag-intayin. Hmm. . . .Tingnan natin kung san nya mapapanindigang lalake sya. :P

Inikot nito ang cellphone. Oopz! Mukhang naiinip na sya, for sure, tatawag na yan. So, abang-abang naman ako kung magri-ring 'yung phone ko.

Ay? ! (;'д')?

Binalik sa bulsa? (-m-) Nu ba 'yan. .

Oh, sya! Points nya yun! One-Zero. Hahayy. . . Siguro, need ko nang lapitan sya para mas may makuha akong hint. Much better to get your self closer to the target, for you to know how to capture them, 'ika nga diba?

Inayos ko muna ang sarili sa salamin ng kotse and then i start the engine.

I sighed.

Okay Alex. . .

I'm comin' . . .

Alexandras' POV:

What took her so long?! Thirty minutes have passed and she's still not here. (= . ='')

Yeah, yeah, yeah! Today's the day na makikipag-date ako. A FVCKING DATE WITH A GIRL ! ! At ang tagal tagal nya! For sheezz, kanina pa akong 9:30am dito and it's now 10:09am.

Inikot ko ang cellphone sa kamay saka sinubukan ko syang kontakin.

Darn it ! Hindi ko sya pwedeng tawagan kasi baka mabuking pa ako. (-_-) Besides, . .real man can wait. Kaya naman, binulsa ko na cellphone ko.

Amusement Park~

Kung san san kami naglakad ni Leizl. Panay hawak naman sya sa braso ko. Bilang "gentleman", inalalayan ko naman syang mabuti. Parang gusto ko nang maglaho sa mundo. Buti nakakayanan to ng mga tomboy ano? Sabagay, T-boom sila. Waaah! ! (T.T) Saklap pala talaga ng pinasok ko. Pero para san ba ang 1 day na sakripisyo kung mapatunayan ko naman kahit papanu na boy ako? Advantage din to sa situation ko ano?

TwT

"Hey, Alex. I want that bear. Please. " puppy eyes si Leizl. Yeah, cute naman kaso hindi cute yung request nya. Pagba-basketball-in ba ako? Malala pa, kelangan kong ma-beat yung mga lalakeng naglalaro, makuha ko lang yung malaking teddy bear na grand price.

I sighed.

Marunong naman akong mag basketball eh, naglalaro kami ni kuya nyan dati at natatalo ko din naman sya minsan. But i'm not sure kung kaya ko pang gawin yun ngayon.

Mukhang napasubo na ata ako a?

Huli na nang ma- realize ko na nakapila na pala ako kasama ang susunod na batch ng mga players.

"Makinig kayo, simple lang ang ating mechanics. Kailangan nyo lang maka 6 points ng una para makuha nyo yung big-teddy-price namin. Bawat shoot ay katumbas lamang ng 1 point, kahit pang-Michael Jordan na pag-shoot pa yan. Bibigyan namin bawat pair ng players ng 30 minutes. Kaya ngayon palang, mamili na kayo ng isang kakampi. Pag nanalo team nyo, kayong dalawa ang maglalaban sa big teddy bear at special price namin. Yes, mga kaibigan! May special price po tayo kaya galingan nyo! Maliwanag? May mga katanungan po ba tayo??" ang mabilis na paliwanag at bibong anunsyo ng mamang nagbabantay ng booth na yun.

Wala namang sumagot sa tanong nya. "Wala na? Okay, maganda yan! Maghanda na kayong lahat at kayo na ang susunod! Gambatte ! " \(^o^)/

(=_____=#) patay na ako.

Nagulat naman ako nang may umakbay sakin. Pagkatingala , isang pamilyar na mukha na ngiting ngiti ang nakita ko.

"Hey, classmate! xD Partner tayo a?"

He is a "SHE"'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon