Whodunnit? (Riddle Special): The Four Corpse Puzzle

894 13 17
                                    

Pagkalabas sa silid na may istatwa ng ahas, pumasok si Matthew at ako sa madilim na silid. Ilaw lamang mula sa mga kandila na nakakabit sa candle stick ang naging gabay para kami makakita. Kung ako ang papipiliin, mas gusto ko ang puting silid kaysa sa silid na pinasukan namin ngayon.

Nasa loob kami ng maliit na chapel, may mga bangko na walang taong nakaupo, sa gilid ng daanan ay ang mga nalantang bulaklak at mula sa stage kung saan ang mesa ng pari ay ang apat na nakasaradong kabaong. Isang eksena sa lamay.

Lumapit ako sa mga nakasarang kabaong samantalang umupo naman sa pinakaharap na upuan si Matthew.

"Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya.

"Yeah, I'm alright," sagot niya. "Akala ko mawawalan na ako ng kamay kanina."

"Sa susunod, huwag ka magmadali, bata."

"Stop calling me a kid." Simangot ni Matthew sabay higa niya sa bangko. "I'm tired and my head hurts. Sa tingin mo, may ibinigay sila sa atin?"

Tumango ako. Posibleng may ginawa sa amin bago kami ikinulong sa larong ito. Nararamdaman ko parin ang sakit ng ulo ko ngunit hindi na ito kasing sakit kanina.

Narinig ko nagmura si Matthew. "Hindi ko maalala ang mga nangyari." Nagmura muli siya. "Kapag nakita ko siya, ipapatikim ko sa kaniya ang galit ko."

Sumang-ayon ako sa mga sinabi niya. Ang larong ito ay hindi biro. Halos muntikan ng mamatay si Matthew kung hindi ko agad naisip ang sagot sa palaisipan. Sino man nag-isip nito ay balak kaming patayin o marahil ako lang at nadamay lamang si Matthew. Pero anong dahilan at ginagawa niya ito?

Isa-isa ko nilapitan ang mga kabaong na hindi sila binubuksan. Alam ko na meron itong laman. Hindi ko alam kung ano ang nasa loob at ayaw ko iyun malaman. Kumuha ako ng kandila at umikot sa buong silid naghahanap ng labasan ngunit wala ako makitang ibang pintoan o labasan maliban sa pinto kung saan kami pumasok kanina na ngayon ay hindi mabuksan.

Naghintay ako sa boses na magbibigay sa amin ng palaisipan subalit ni isa wala akong nadinig.

Bumangon si Matthew at nagtanong, "Nakahanap ka na ng labasan?"

Umiling ako. "At mukha yatang nanahimik ang taong nagdala sa atin dito."

"Kung ganun tayo ang maghahanap ng riddle sa kuwartong ito," wika ni Matthew sabay lumapit sa kabaong. Pipigilan ko sana siya sa gagawin niya pero nabuksan na niya ang isa sa kabaong. Sumigaw si Matthew at napaupo sa sahig.

Lumapit ako. Tama ang hinala ko. Mayroon laman ang kabaong. Isang nabubulok at inuuod na bangkay. Kumalat ang mabahong amoy sa paligid.

Narinig ko sumuka si Matthew.

Takip ang aking ilong, tiningnan ko ang bangkay. Wala ang ulo nito at mula sa paa nito ay natagpuan ko ang isang video tape. Kinuha ko ang video tape at sinarado ang kabaong.

Lumapit ako kay Matthew. "Ayos ka lang?"

"No," sagot ni Matthew. "Pagkatapos ko makita iyun, No." Umupo siya sa upuan at tumingin sa hawak ko. "May nakita ka?"

"Yup. Ang unang clue."

"Ibig bang sabihin niyan meron pa tayo makikitang clue sa iba pang kabaong?"

Tumango ako. Binuksan ko ang natitirang mga kabaong at nahanap ko ang dalawang video tape at isang video camera.

Pinagtatakahan ko ang katawan ng apat na bangkay lahat silang apat ay may nawawalang katawan. Ang unang bangkay ay walang ulo. Ang pangalawa ay walang kaliwang kamay at kanang paa. Ang pangatlo ay wala ang gitnang bahagi ng katawan at ang pang-apat ay wala ang kanang kamay at kaliwang paa.

Pinanood ko mag-isa ang tape. Buti nalang hindi ko sinali si Matthew sa panonood dahil mas malala ito sa bangkay na nakita niya. Naglalaman ang video kung paano brutal na pinatay ang apat at ginawa ang video na parang pelikula.

Ayon sa video, mayroong apat na tao ninakawan ang isang bangko at nagtago sa malayong lugar. Ngunit isa sa kanila ay isang serial killer. Pinatay ng serial killer ang tatlong magnanakaw saka sinunog ang mga katawan pati ang bahay na pinagtataguan nila. Dumating ang mga pulis. Hindi na nila nabawi ang pera ngunit nabawi naman nila ang apat na nasunog na katawan ng magnanakaw. At makikita sa huling video na sumakay ng eroplano ang serial killer dala ang ninakaw na pera.

Ikinuwento ko ang aking napanood kay Matthew. "Paano nangyari iyun? Meron ba pumatay sa serial killer at sinunog din siya?"

"Pero buhay siya at dala niya ang pera," wika ko. "Kung ang apat na bangkay na ito ay ang tauhan sa kuwento , alam ko na ang sagot sa palaisipang ito."




Whodunnit? (Riddle Special): Four Corpse PuzzleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon