Breakfast And Murder

936 24 92
                                    

Level: Easy not super Easy.


Pagkatapos ng mahabang gabi na pagresolba ng kaso sa pagpatay ng isang kinikilalang politiko, kumain ako at ang tito ko, isang pulis, ng agahan sa malapit na restaurant. Humikab ako at napatingin sa labas. Napansin ko ang isang galit na lalaki na lumapit sa saradong jewelry shop. Pinagsisipa niya ang nakasaradong pintoan at biglang napatigil.

May kutob ako na hindi maganda ang nangyayari kaya lumingon ako sa tito ko ngunit abala siya sa pakikipag-usap sa kaniyang mobile phone. Binalik ko ang tingin sa saradong shop at hindi ko na nakita pa ang lalaki.

Maya't maya dumating naman ang isang babae na nagmamadaling lumakad habang kinukuha ang susi sa bag. Lumapit ito sa nakasaradong jewelry shop, inikot ang closed sign at ginamit ang susi para buksan ang pinto. Ilang saglit pa isang malakas na sigaw ang narinig.

Napatayo ako bigla saka tumakbo sa shop. Ikinagulat din iyun ng aking tito at sya'y sumunod sa akin.

Pagkarating sa shop, nakita namin ang tumitiling babae na nakaupo sa semento. Takot na takot siya. Nang mapansin niya ang aming presensya ay gumapang siya papalapit sa akin, hinawakan ang suot kong pantalon at nagmakaawa habang tumutulo ang mga luha. "Tulungan niyo ako. Ang asawa ko. Pakiusap tulungan niyo siya."

Tumingin ako sa shop. Bukas na ang pinto pati ang ilaw. Nakita ko ang isang lalaki na nakadapa sa sahig. Duguan at walang malay. Unang pumasok ang tito ko saka kinuha ang pulso ng duguang lalaki. "He's dead." wika niya saka siya tumawag sa istasyon ng pulis at ng ambulansya.

Nagulat kami ng biglang isang boses ang aming narinig, "Wag kang tumawag sa mga pulis." Isang lalaki ang lumitaw. Siya ang lalaki na kaninang nakita ko. "H-hindi ko siya pinatay. Hindi ko siya pinatay."

***

Humikab ako ng mahaba at nagpangalumbaba habang pinapanood ko sa malayo ang tito ko na nakikipag-usap sa inspector. Bumuntong-hininga ako. Umaasa ako na makakasali sa pinag-uusapan nila pero isa lamang akong estudyante at hindi parte ng pagiimbestiga nila. And the inspector never likes me.

Bumuntong-hininga nanaman ako. Pinanood ko ang pagdaan ng bangkay ng biktima sa aking harapan. Balot na balot ito ng puting kumot at pansin ko ang pagbuo ng mantsa ng dugo sa tela. Ikinamatay niya ay ang isang malakas na hampas sa may ulo. Maililigtas sana siya kung nadala siya agad sa ospital ngunit walang balak ang suspek na gawin iyun at hinayaan na lamang maubusan ng dugo at mawalan ng hininga ang biktima.

Tumingin naman ako kay Mrs. Grace Velorana, asawa ng biktima. Wala siyang tigil sa pag-iyak kaya naman hindi makakuha ng maayos na statement ang pulis na kumakausap sa kaniya. Sa pagkakarinig ko, siya at ang asawa niya ay ang may-ari ng jewelry shop. Ayon sa kaniyang kuwento, lumabas ng gabi ang biktima. Mga alas-dyes ng gabi. Naghihinala siya na makikipagkita ito sa ibang babae. Plano niyang itong sundan pero hindi na niya itinuloy. Umasa siya na makakauwi ang asawa ngunit lumipas na ang hatinggabi hanggang sa siya'y nakaidlip ay hindi ito dumating. Sa sobrang pag-aalala niya, tumungo siya sa jewelry shop ng maaga, umaasa na makikita roon ang kaniyang asawa. At iyun nga tumumbad na sa kaniya ang bangkay nito.

Lumingon naman ako sa isa pang witness, si Ben Ramini. Sa hindi inaasahan, ay stepbrother ni Mrs. Velorana, si Mr. Ramini. Ang kuwento niya makikipagkita siya ng 8:30pm sa biktima dahil nangako ang biktima na babayaran na ang mga inutang nito sa kaniya pero hindi dumating sa kanilang tagpuan si Mr. Velorana. Sumunod na araw, maaga siyang pumunta sa jewelry shop. Alam niyang laging maaga kung pumasok ang biktima at umaalis bago ang dapithapon. Pagkadating niya at dahil narin sa galit nagsimula siyang magdabog sa harap ng saradong pintoan ng jewelry shop ngunit walang sumasagot. Kaya sinubukan niya tawagann ito sa mobile phone. Nakarinig siya ng ingay sa loob at napansing hindi pala naka-lock ang front door. Pumasok siya na hindi binubuksan ang ilaw. Dahil sa hindi pa niya binababa ang kaniyang tawag, nakita niya ang tumutunog na mobile phone ni Mr. Velorana sa sahig. Lumapit siya para kunin ang mobile phone ngunit may isang bagay na nagbigay ng pansin sa kaniya. Gamit ang liwanag mula sa mobile phone, nakita niya ang duguan at wala ng buhay nasi Mr. Velorana.

Sinubukan niyang makalabas ng shop mula sa likod pero nakapadlock ito at nang sinubukan niya ang pinto sa harap nakita niya ang paparating na si Mrs. Velorana. Kaya naman nagtago siya agad-agad sa ilalim ng mesa sa takot na mapagbintangan siya.

Napakagat ako sa labi. Wala ni isa ang magpapatunay sa mga statement nila. Nahihirapan ako sagutin ang kaso na ito dahil sa kulang ang impormasyon ko. Kailangan ko magtanong-tanong. Tumayo ako at nag-unat-unat. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalulutas ang misteryong ito.

Binaling ko muli ang ang aking tingin sa aking tito at sa inspector. Napansin ko ang hawak-hawak ng inspector, isang baril na nakalagay sa ziplock. Iyun marahil ang ginamit na murder weapon ng suspek.

"Baril iyan ng asawa ko." wika ni Grace. "Lagi lang niya iyan itinatago sa bahay. marahil dala-dala niya iyan pag-alis niya. Naalala ko rin na nakatanggap siya ng tawag sa telepono at... at nag-iba ang itsura niya na tila may pinag-aalala saka siya umalis."

"Marahil ang tawag na iyun ay galing kay Mr. Ramini."

"Ben, bakit mo siya pinatay?" galit na sinabi ni Grace kay Ben.

"Hindi ko siya pinatay. Pero mabuti narin at namatay na yang walang kwenta mong asawa," angil ni Ben.

"Nagkakamali ka tungkol sa kaniya." iyak ni Grace.

"Tsk. Pinagtatanggol mo nanaman siya. Tuluyan ka ng nabulag dahil sa pagmamahal mo sa taong iyun. Kung nandito lang si papa siguradong sasang-ayon siya sa akin. Oh.. Teka bigla akong may naalala, noong nakaraang linggo binantaan mo siyang patayin."

Nakita ko ang pagbago ng mukha ni Grace. Mula sa pagkagulat hanggang sa pagkunot ng kaniyang noo at paglabas ng kaniyang pangil.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Ben, "Akala ko nga ipuputok mo ang hawak mong baril sa gagong iyun. Hindi kaya naggising ka na sa katotohanan at talagang pakana mo ang lahat ng ito. Umaarteng inosente sa pagkamatay niya."

Katulad ng bilis ng kidlat, kinuha ni Grace ang ballpen sa mesa at saka sinaksak sa mukha ni Ben. Buti nalang at mabilis ang tito ko at napigilan ang kamay ni Grace. Inilayo muna siya sa kaniyang kapatid. At si Ben, hindi parin maalis sa mukha niya ang pagkatakot. Hula ko muntik na siyang napaihi sa kaniyang pantalon.

"Ka-kailangan ko tumawag sa tatay ko." nanginginig na sabi ni Ben.

Ngunit hindi na kinailangan na tawagin pa si Ruben Ramini pagkat dumating na ang kaniyang sasakyan at bumaba at pumasok sa shop. Naglaro ang kaniyang tingin sa loob, sa drawing at dugo sa sahig, sa nakaplastic na baril at sa kaniyang dalawang anak. Una siyang lumapit sa umiiyak niyang babaeng anak at niyakap ito. "Pa, may pumatay sa asawa ko at pinaghihinalaan kami ng mga pulis. Sa tingin ko si Ben ang pumatay sa kaniya." wika ni Grace.

Tumingin si Ruben sa anak naman niyang lalaki. "Hindi ko siya pinatay!" sigaw naman ni Ben.

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ni Ruben saka humarap sa inspector at simple kaming sinabihan. "Ako ang pumatay sa kaniya. Nakipagkita ako sa kaniya kaninang hatinggabi at binaril ko siya sa may ulo. Walang kinalaman ang mga anak ko sa pangyayaring ito."

Nagulat ako sa sinabi niya. Pinagloloko ba niya kami? Ayaw ko sa mga tao na inaako ang krimen na hindi naman nila ginawa.

"Pakiusap inspector, dalhin niyo na ako sa presinto."

Lumingon ako sa tito ko. Meron siyang binulong sa inspector saka tumingin sa akin na nakangiti. Nabigla nalamang ako ng mag-utos ang inspector na hulihin ang kriminal na nasa aming harapan.


Sino ang kriminal? Patunayan ang sagot.


Clue: Time


Whodunnit? (Riddle Special): Four Corpse PuzzleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon