Chapter 6: Revealed Feelings (Part 1) ♥

49 1 0
                                    

Chapter 6: Revealed Feelings (Part 1) ♥ 

##################

Sandra's POV

1 week after...

Isang linggo na simula ng umalis si Xavier. Hindi pa rin siya bumabalik, hinihintay ko pa rin siya...

Mag isa ako ngayon sa bahay, umalis ang mga kuya ko. Yung isa nasa UK for some business matter. Yung kuya kong chef, nasa Paris. Kakaalis lang kahapon. Si mama naman kasama ni lola, may sakit daw kasi, kaya babantayan niya muna. Siguro 2 weeks siya dun, for vacation purpose na din. Hay, iniwan nila ako kung kelan kailangan ko sila. 

Lumabas ako ng kwarto ko at naupo sa sala. Sa lamesa sa gilid ng sofa, nakita ko ang family picture namin.. 10 years.. 10 year ago na ang family picture namin na hawak hawak ko. 

Nakangiti kaming lahat sa picture na to...

|flashback|

Christmas Eve... 

"Oh ready na ba yung camera David?" tanong ni papa kay kuya.

"Naset ko na siya. Ayan na!!" 

Tumakbo si kuya David sa pwesto niya sa tabi ni kuya Nikko. 

"SAY CHEESE!!" sigaw ko sa kanila.

1... 2... 3.. click!

|end of flashback|

Sana pwedeng ibalik yung nakaraan...

Sana andito pa si papa. Sana buo pa yung pamilya namin, sana masaya pa rin kami tulad noon. Sana kaya kong buo-in yung pamilya ko, sana kaya ko. Kaso hindi ko kaya, kaya wala akong magawa. Wala akong magawa sa pag alis ng lalaking importante sa buhay ko. Si Papa, miss na miss ko na siya. Simula nang iwan niya kami, sampung taon na ang nakakaraan, di na niya nagawang dalawin kami. Sana maisip niyang bisitahin kami. Hindi ko maitatanggi na nagalit ako sa kanya sa pag iwan niya kay mama noon. Pero siya pa din ang papa ko. Gusto ko ulit maramdaman ang pag aaruga niya. Gusto kong marinig boses niya. Malapit ng magpasko, kahit makita ko lang siya, yun na ang pinakamagandang regalong matatanggap ko....

Simula ng ipagpalit kami ni papa sa ibang pamilya, simula ng masaktan si mama sa ginawa niya, natakot na kong magmahal. Nakita ko kung pano nasaktan si mama, halos gabi gabi nag iiyak siya. Masakit sa loob ko, dahil ang taong pinaka ayaw kong makitang umiyak ay ang mama ko. Dahil sa nangyari noon, naapektuhan ang pamilya namin. Hindi na ito kasing saya tulad noon..

Bumalik ako sa kwarto ko at tuluyan na kong umiyak... Kaya takot akong magmahal eh. Kasi alam ko balang araw, iiwan lang ako ng lalaking mamahalin ko. 

Sana bumalik na ang dalawang lalaking pinakaimportante sa buhay ko..

*kriiiiinnnnggg* *kriiiiinnnnggg*

Napabalikwas ako sa tulog ko ng may tumawag. Si Ashley pala, sinagot ko naman "Bes? Okay ka lang ba dyan? Diba mag isa ka lang ngayon sa bahay niyo? Gusto mo ba samahan kita dyan?" 

"Okay lang ako bes, kaya ko sarili ko. Wag kana mag alala." Okay nga lang ba ako? 

"Eh kung magmall nalang tayo, tutal nagyaya si Dean kanina. Gusto mo ba?" 

Mall. Dun ko siya unang nakita. Sinabi niyang maganda ako... hayy.. Ayoko, maalala ko lang siya.

Napabuntong hininga ako "Ayoko bes, kayo nalang." 

Bad Girl turns to an Angel? ♥ (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon