Chapter 5: The Four Spices (SAMPLE CHAPTER)

33.5K 483 24
                                    

Super short update.

Nga po pala guys, hindi naman po talaga super maldita si Avril dito. Malayo sya kay Avah Chen ng AVAH MALDITA. Yung pagiging maldita at mataray nya eh pacute. Kumbaga light lang naman ang katarayan nya at isa lang yun sa mga elements ng kwento. Baka kasi may magsabi bigla na ginaya ko to dun. Justify lang rin in advance. Hehehe..

THE RULES OF HEART

®lady_phoenix16

CHAPTER 5: The Four Spices

"Dyosa, dyosa!" Halos mabingi si Avril sa pagsisigaw ng tatlo niyang sossy friends na sina Ashley, Vanessa at Bonnie.

"Ano ba?! Para kayong mga asong kalye ha? Magsisigaw ba raw dito sa hallway?!" Inis na tanong nya. Kagagaling nya lang sa admin.

"But goddess Avril, we heard na kumuha ka na daw ng transfer credentials? You're gonna leave us na? OMG!" Maarteng tanong ni Ashley. Ang pinakamaarte sa kanila.

"So?" Walang pakialam na tanong nya. Dire-diretso pa rin sa paglalakad habang habol sya ng mga ito.

"It means, lilipat ka ng school? Paano na ang four spices kapag nawala ang pinakaleader naming mga dyosa? Paano na kami Avril? Hindi na magiging sikat ang Four Spices without you!" Oa naman na sabi ni Vanessa.

"Oo nga naman Avril! Wag ka ng umalis dito! Mamimiss ka namin! We're friends naman di'ba?" Pagsipsip pa ni Bonnie. Dun tumaas ang kilay nya.

"Alam nyo kung ano ang problema nyo? Nakiki-back ride kayo sa kasikatan ko. Ngayong aalis na ako para kayong mga asong ulol na hahabol-habol. Nung mga time na nagsastruggle ako para sumikat sa showbiz anong ginawa nyo? Di'ba pinagtawanan nyo lang ako? Ang sabi nyo ang cheap-cheap. Pagkatapos ngayon magmamakaawa kayo na wag akong umalis para lang umangat ulit ang grupo natin? Dream on, girls!" Nakangising sabi nya na diretsahan kung magsalita.

"Ikaw naman Avril. Hindi ka naman mabiro! Syempre nakasuporta kami sa'yo! Magkakaibigan tayo di'ba? Di hamak naman na mas maganda rito sa CLIC University kaysa dun sa PHOENIX UNIVERSITY." Ang sabi ni Ashley na di pinansin ang pagtataray nya.

"I don't care. And my decision is final at wag nyo nang ipagpilitan na pigilan ako kung ayaw nyong ibitin ko kayo ng patiwarik. Besides, pupunta ako roon just to follow my heart." Biglang napangiti na sabi nya. Kapag talaga naiisip nya si Sydney ay gumagaan ang mood nya kahit gaano pa syang kabadtrip.

Nagkatinginan ang tatlo nang makita ang reaksyon ng mukha nya.

"You're in love?!" Sabay-sabay na tanong ng mga ito. Hindi makapaniwala na ang isang Avril Wesley ay mahuhulog rin sa isang lalaki sa wakas. Marami na kasing naging boyfriend si Avril pero madalas pinaglalaruan lang nito o di kaya naman ginagawang alalay. Kung minsan tatlo-tatlo pa ang nagiging boyfriend nito ng sabay-sabay at para lang itong nagpapalit ng damit pagdating sa pakikipagrelasyon pagkatapos sasabihin nitong lilipat ito ng school just to follow her heart? Isa iyong HIMALA!

"Yep. I think I'm in love." Magaan ang ngiti na sabi nito na parang kilig na kilig pa habang iniisip ang iniirog nito. "KAYA, Wag na wag kayong susunod don! Mabulok na lang kayo rito sa CLIC University dahil ayaw kong malaman nya na may history ako ng pagiging maldita at baka hindi nya lang ako magustuhan! Dapat maging mabait at sweet lang ako palagi sa paningin nya kaya wag kayong sisira sa plano ko dahil kung hindi ipakukulam ko talaga kayo!" Pagbabanta pa ng babae sa kanila.

"You mean, hindi pa kayo nung lalaki na yun pero lilipat ka na ng school para sa kanya? Ikaw ang maghahabol?!" Halos lumuwa ang eyeballs sa gulat na pagtatanong ni Bonnie.

Parang lumikot naman ang mata ni Avril saka nahihiyang sumagot.

"Yeah. Hindi pa kami. But you know me girls, I always get whatever I want kaya hindi rin magtatagal magiging kami rin. Saka wag nga kayong maraming tanong, nakakairita na ah!" Inis na sabi nya. Nanahimik naman ang tatlo. "So, paano? kung gusto nyo akong makita bumisita na lang kayo sa bahay pero wag na wag kayong pupunta sa school dahil baka makita lang kayo ng mahal ko! Sige na, sayonara girls!" Tuluyan nang pagpapaalam ni Avril saka umalis na palayo sa kanila. Yun na rin pala ang huling pasok nito.

Nagkatinginan ang tatlo.

Sa hirap paibigin ni Avril, ano kayang klaseng lalaki ang nakabihag sa puso nito?

- TO BE CONTINUED...

Paano kayang magrereact ng mga friends ni Avril kung malaman nila na sa babae pala nainlove ang friend nila at hindi sa lalaki? Hahaha...

UPNEXT:

More stalker scenes. Hehehe.. Mag-aaral na sa iisang school sina Avril at Sydney, magiging close na kaya sila?

The Rules of Heart (Published Under Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon