One Peso Load

342K 6.6K 3.6K
                                    

Makapag-group message nga!

Compose Message:

-       - 

Grabe ang init!

Shet lang ha? Ang ganda ko! HAHAHAHA

 

-text2 sa walang ginagawa.

Hoy! Ang ganda ko!

 

GM.

ps. Ang ganda ko talaga.

-       - 

S – e – n – d –  i – n – g . . . . . . . . . .

Ang tagal mag-send. 

Sa bagay, 99 persons ang pagse-sendan ko kaya malamang medyo matagal.

Tama kayo. 99 lang ang laman ng phonebook ko. Hahahaha. Bawal lumampas sa 99. 

Malas kasi ang 100. HAHAHAHAHA.

Joke. Wala pa kasi pang-100 kaya kulang pa.

MESSAGES SENT!

Ayun! Nakasend din. 

Kahapon eh pinaloadan ako ng 100php  ng daddy ko, Nilinis ko kasi yung kuko niya. Ginamit ko pa yung mga precious and super alagang gamit ko sa paglilinis ng kuko ko ha? Hindi naman sana niya ako babayaran kaya lang eh naputol yung nail cutter ko habang pinuputol ko yung kuko niya sa paa. Ang tigas kasi ng kuko niya. 

Kaya malamang eh babayaran niya. Alangan ako magbayad di ba? Galing pa naman ng Paris yung pink na nail cutter ko. 

Kaya ayun, binayaran ako ni Daddy ng load 100 since sabi niya eh load naman daw ang madalas kong hingin.  Naka-plan kasi si Papa kaya ang dami-dami niyang load.  Samantalang ako? Eto, asa lang sa pasaload na galing sa kanya.  Niloloadan naman ako ng boyfriend ko kaya lang syempre ayoko namang palagian, siyempre, parehas kami student, ayoko namang maubos ang allowance niya ng dahil saken. 

Ah oo nga, matawagan nga si Daddy, nasa Manila siya ngayon, gusto ko ng pasalubong! 

--Calling Daddy—

 

Your account balance is not sufficient to avail this call. Please reload your number and dial again.

 

Ano daw?!?!

One Peso Load (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon