The Haunted Diary (One-shot)

283 9 5
                                    

The Haunted Diary, Copyright  © 2013 by TheBitchyDuo

 **The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to any person (living or dead), organizations or events are purely coincidental and not intended by the author/s.

____

Drew's POV

Dahan-dahan kong isinaksak yung earphones sa tenga ko nang hindi nakikita ng teacher sa harap. Siguro naman hindi niya ako mapapansin dahil nasa tabi ako nang bintana at nasa pandulong row. Bukod kasi sa boring ang klase niya na halos makatulog kaming lahat, eh di siya maganda. Tumingin-tingin ako sa paligid. Naghahanap ng pwedeng *ehem* makadate mamayang uwian. Ano pa bang aasahan niyo sa katulad ko? Lalaki ako eh. At sakto nga, may isang babaeng nasa may field. Nakatayo siya at diretsong nakatingin sakin. Hindi siya kalayuan kaya naaninag ko pa din yung mukha niya. Si-- si Nikka. Napaiwas ako ng tingin. Lintek! Bakit nag-init yung mukha ko? Ano nanaman bang kabaklaan tong nangyayari sa akin.

'Takte! Tumigil ka nga dyan!' Saisip ko saka ko kinabog ng mahina yung dibdib ko. Si Nikka yung, sabihin na nating, ultimate crush ko dito sa campus. Bah! Sa ganda nun at bait. Kaso madalang siyang magsalita dahil hindi pa plantsado yung Tagalog niya dahil galing siyang States. Tumingin uli ako sa field pero wala na siya. Ang tanging makikita mo na lang ay isang itim na bagay nasa damuhan. Tumingin din ako sa buong field, pero wala na talaga siya. Ang bilis naman niya nakaalis. Pero, yung bagay na nasa damuhan.. Hindi naalis yung tingin ko dun buong klase.

*kring.kring*

Tumunog na yung bell, labasan na. Agad akong tumayo, kinuha ang gamit ko at lumabas na sa room. Agad akong pumunta sa field kung san nakatayo si Nikka kanina. Na-curious kasi ako sa kung anong bagay yung itim na 'yon.

Nang makarating ako dun, nakita ko kung ano yun, isang notebook. Nalaglag kaya niya? Binuklat ko yung notebook at bumungad sakin ang napakalaking..'DIARY'. Sa taas ng word na 'diary' ay may nakalagay -c-u-n-h-c-i-h-a-k- -i-o-a- C. At sa baba, ganito naman -OMIT-OMIT- -OMIT-OMIT- -OMIT- OMIT- -Repeat-OMIT-OMIT- -

Takte! Ano naman yun? Anong ibig sabihin nun? Secret Code ba yun? Lintek. Inilagay ko nalang yung notebook sa loob ng bag ko. Diary 'yun at wala akong planong basahin dahil gusto kong bigyan ng privacy si Nikka. Kung kay Nikka nga 'to. Papauwi na ako sa bahay dahil hindi ko naman na nakita si Nikka sa school saka wala akong nakitang pwedeng maka-date. Syempre, dahil mayaman kami, nakakotse ako pero may driver nga lang. Ilang taon palang naman kasi ako, 17. 

Habang nasa biyahe, tumitingin lang ako sa labas at may bagay na pumukaw ng atensyon ko. Ah hindi, hindi siya bagay, tao.

"Manong, pahinto po dito." Sabi ko sa driver saka niya hininto yung kotse sa gilid ng daan. Agad akong lumabas ng kotse at hinabol yung taong nakita ko.

"Nikka!" Tawag ko sa kanya pero hindi man lang siya tumingin sakin at tuloy-tuloy pa din siya sa paglalakad.

"Nikka! Yung diary mo!" Tinawag ko uli siya pero hindi man lang siya tumigil. Lumiko pa nga siya sa isang eskinita. Pero sapat na yung pagliko niya para makita ko yung mukha niya.. at kitang-kita kong ngumiti siya sakin. Sumunod rin ako at lumiko sa eskinita pero wala na siya. Ano bang problema ng baabeng 'yun? Alam kong nakita niya ako pero hindi pa din tumigil.

Naglakad ako hanggang sa kabilang dulo ng eskinita pero ang bumungad sakin ay isang daan papunta sa isang masukal na gubat. Napaangat ako ng kilay. Ngayon ko lang kasi nalaman na may ganito pala dito. Pero dahil malapit na dumilim, bumalik na ako. 

**** 

Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko. Hindi talaga ako makatulog. Napatayo ako at kukuha sana ng tubig sa kusina nang naalala ko yung diary. Alam kong hindi ko dapat basahin 'yun pero nagtataka talaga ako sa diary na 'yun. Saka baka pag nabasa ko eh makilala ko kung sino yung may-ari at pwede ko maisuli bukas.

The Haunted Diary (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon