KSLNBA- Alamat ng Saging

8.3K 292 94
                                    

Copyright © ajeomma

Ang kwentong ito ay bahagi ng Synthesis One-shot Compilation published under Barubal Publication. 16 different stories from different authors ang nilalaman ng book. For more info's, visit them sa kanilang facebook account. Just type Barubal Publication. Paki-like na rin for more updates. MAraming salamat.. ^__^



Hatinggabi, tanging mumunting bituing animo nagsasayaw sa langit ang nagpapaligsahan sa pagkislap. Habang ang malaki at bilog na buwan ay nagkakanlong sa madilim na ulap. Tila nahihiyang masaksihan ang pagsasalo ng dalawang nilalang na nagtatalik sa kanyang harapan.

"Ma-hal na ma-hal k-kita, Miranda.", malambing na bulong ng binata habang ipinadarama ang init ng kanyang pag-ibig.

"Mah-hal na mah-hal din kit-ta, Aging. Ooh..!", sagot ng dalagang sumasalubong sa bawat ulos ng kasintahan sa kanyang kaselanan.

Umiindayog ang kanilang mga hubad na katawan sa saliw ng musikang tanging sila lamang ang nakakarinig.

Ang mahinay at marahang paggalaw ay naging mabilis!

Ang nakakakiliting tunog ng nag-uumpugang katawan ay nakikipagsabayan sa paghuni ng mga pang-gabing ibon at pagkokak ng mga palakang bukid!

Ang nakaliliyong ungol at pagdaing na hindi mawari kung dumaranas ba ng paghihirap at sakit ang pumupuno ng ingay sa gabing tahimik.

"Aaaah........."

Habol ang paghinga ng binatang si Aging nang umalis sa pagkakadagan sa katawan ng kasintahang si Miranda.

Nailatag nito ang hubad na likod sa damuhang nasasapnan lamang ng isang lumang banig.

Umunan sa braso niya ang nakangiting dalaga at iniyakap ang braso sa kanyang bewang. Bakas sa maganda nitong mukha ang kasiyahan sa katatapos lang na pakikipagtalik sa kanya.

Masuyo niyang hinaplos ang mukha ng kasintahan.

"Salamat at minahal mo ang isang hamak na magsasakang tulad ko, Miranda.", madamdamin niyang sabi.

Sandaling natigilan ang babae. Nakadama ng habag para sa lalaking ang tingin sa kanya ay kasing taas ng langit.

"Huwag mong hamakin ang iyong sarili, Aging. Pinakamamahal kita. Aanhin ko ang karangyaan kung wala ka naman sa piling ko. Ang maging kabiyak ng iyong puso at maging ina ng iyong mga anak ay kayamanan na para sa akin. Ikaw ang kailangan ko upang lumigaya.", matapat nitong pahayag.

"Miranda...", puno ng pagmamahal na sambit ni Aging sa pangalan ng dalaga. Ang mga katagang narinig niya mula sa bibig nito ay kahalintulad ng mainit na palad na humahaplos sa naghihirap n'yang kalooban. Ang agam-agam na mawawala ito sa kanya ay sandali niyang nakalimutan.

"Aging...", namumungay ang mga matang tawag ng dalaga sa pangalan ng binatang handa niyang ipaglaban sa mga magulang maangkin lamang.

Muling naglapat ang kanilang mga labi at muling ipinadama na pag-aari nila ang isa't-isa.

-----------

"Aging anak, huwag mo sanang kalilimutan na si Miranda ay anak nila Senyor Elarde at Senyora Martha. Siya ang nag-iisang tagapagmana ng napakalawak na lupain at mga ari-arian ng kanyang mga magulang. Ang isang kahig, isang tuka na gaya natin ay walang karapatan ni ang tumapak man lamang sa makintab nilang sahig. Ang katulad nila ay mga tala sa langit na tinitingala lamang at hindi maaaring angkinin. Mabibigo ka lang anak. Hindi bumababa ang langit upang hagkan ang lupa. Si Miranda ay isang panaginip lang. Kailangang gumising ka at tanggapin ang katotohanang kailan man ay hindi mapagsasama ang tubig at ang langis. Masasaktan ka lang anak, at iyon ang labis kong ikinababahala.", mahabang paliwanag ni Aling Belen sa nag-iisang alaalang naiwan sa kanya ng yumaong kabiyak.

KSLNBA- Alamat ng Saging- PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon