Chapter 1: Magkasalungat na Damdamin? (SAMPLE CHAPTER)

143K 1.2K 340
                                    

WARNING:

This is a girlXgirl story. Kung ayaw mo ng ganito di kita pipilitin magbasa. Hahaha..

Genre: Romance, Humor, Drama

Themes: Gender Confusion, Obsessive Little Step, Sister

Ito po yung Version 2 ng Strange Love. Di ako makatiis na di gawin eh. Hahaha.. But don't expect na everyday update dito tulad ng SL. Medyo busy na ko ngayon e. lol.

The Rules of Heart

Chapter 1: Magkasalungat na Damdamin?

"Avril, sabihin mo nga sa akin. San mo ba talagang gustong magpunta? Kanina mo pang sinasabing gusto mo kumain pero hanggang ngayon wala ka pa ding napipiling restaurant sa dinami-dami ng napasukan natin." Parang pagod na pagod nang reklamo sa kanya ng masugid nyang manliligaw na si Declan.

Oo masugid. Dahil magkababata sila nito at simula pa ng maliit na musmos pa lang sila ay palagi na itong buntot sa kanya. Lahat na yata halos ng bagay ginawa na nito para sa kanya pero hindi pa din nya ito sinasagot. At mas lalong hindi naman ito nagsasawa. Patience is a virtue yata ang motto nito dahil kahit ilang beses nya nang pinagngangalandakan na di pwede maging sila ay nasa tabi pa rin nya ito hanggang ngayon.

Because he is not just her suitor, but her one and only bestfriend as well. Kaya naman kahit alam nyang pinagnanasaan sya nito ay di pa rin nya ito tinatanggal sa buhay nya.

"Bakit ba puro ka reklamo? Pasalamat ka nga pumayag pa akong makipagdate sa'yo. Baka gusto mo maghanap na lang ako ng ibang lalaking sasamahan akong magshopping. Kaysa naman sa reklamador na tulad mo!" Pagsusungit nya.

"Date ang tawag mo dito? Eh ginawa mo lang akong alalay mo e! Andami-dami mo nang pinamili Avril! Kulang pa ba to sa'yo? Bumalik na tayo sa kotse!" Sagot naman nito na di pinansin ang katarayan nya. Immune na kasi ito. Sa tagal ng panahon na magkasama sila eh kaya na nitong pagtiisan ng ugali nya.

At tama nga naman ito dahil kanina pa silang naglalakad at buhat-buhat nito ang gatambak na shopping bags na pinamili nya. She's rich kaya kahit ang buong mall kaya nyang bilhin sa isang iglap lang.

Ewan ba nya. Kahit sa sarili nya hindi nya rin alam kung ano nga ba ang hinahanap nya. Nabili nya na lahat but she's still bored. Si Declan? Gwapo naman ito at maraming babaeng inggit dahil patay na patay ito sa kanya pero ewan ba nya kung bakit wala itong dating sa kanya. Siguro dahil nga childhood friend sila.

Marami na syang naging boyfriend. Pero walang nakatagal sa ugali nya dahil may pagkamaldita daw sya. Spoiled at mabilis magsawa. Kasalanan ba nya yun kung lahat ng bagay ay meron na sya kaya mataas ang tingin nya sa sarili nya? She's cute, rich and famous. Lahat ng tao gusto syang makasama. Pero para sa kanya boring ang mga ito. Napapasunod nya naman ang lahat e. Kahit ang mga lalaki kahit ano gagawin para lang makuha sya. Tulad nito ni Declan. Parang bulldog.

She wants to feel spark. Gusto nyang maramdaman na sa unang kita pa lang nya sa isang tao ay mararamdaman nya nang in love sya. But too bad, masyado na syang sanay makakita ng mga gwapo. Dahil mayaman sya choosy sya pagdating sa mga kaibigan. Lalong lalo na pagdating sa boyfriend.

Nang bigla na lamang ay nadako ang paningin nya sa isang coffee shop mula sa di kalayuan. Nasagap ng mata nya ang isang napakagandang babae na parang dyosa sa paningin nya. Mahaba ang straight na straight na buhok nito. Mapilantik ang mga pilik mata at nangungusap ang pares na mata nito nang mapatingin rin ito sa kanya. At bigla na lamang ay ngumiti ito sa kanya.

Doon parang biglang may kumabog sa dibdib nya. Ano yun?

Saka ito yumuko bilang pagbati sa kanila ni Declan pagkatapos ay nilinis na ang naiwang baso na naiwan ng customer sa table.

The Rules of Heart (Published Under Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon