Moment Six

46 2 6
                                    

Moment Six

Jay's POV

Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Yellow. Ayan na naman yung itsura nya. Yakap yakap yung unan at nakatingin lang sa bintana.

Umupo ako sa may kama nya.

"Yellow, are you okay? Hindi ka na lumalabas ng silid mo. Yung pagkain mo hindi mo masyadong ginagalaw. Nag-aalala na kami sayo."

"Okay lang po ako Mommy. Pwede po bang iwanan nyo muna ako? Gusto ko po kasi mapag-isa."

"Yellow naman. Lumabas ka naman dito. Sobrang pinag-aalala mo kami."

"I said I'm fine, Mom. Get out!" Nagulat ako sa biglang pagtataas nya ng boses sa akin. "I'm sorry, Mom. Stress lang po ako."

Tumango ako. " Naiintindihan ko. If you need anything nasa garden lang kami." Sabi ko at lumabas na ng silid nya.

Nakita ko sila Orange, Lemon, Green at Violet na nakatayo sa labas ng kwarto ni Yellow. Alam kong nag-aalala rin sila.

Tumawa ako ng malakas para naman hindi maspoil yung bonding namin sa may garden.

"Tara na. Baka naiinip na yung daddy nyo dun."

"Mom, okay ka lang ba?" -Violet

"Yes Baby, I am."  

"Mommy, narinig po namin ang mga sinabi ni Ate Yellow. Yung pagsigaw nya sa inyo." -Orange

"Mom, malakas si Ate at matalino. Sigurado akong malalampasan nya din to!" -Lemon

"Oo nga, Mom. Kaya wag na tayong magdrama dito. Ayaw ni Yellow yun. Tara na!" -Green

Naging selfish ata ako? Nalimutan kong nandito pa pala sila. Si Yellow na lang ang palaging iniintindi ko. Pero masaya ako kasi naiintindihan nila ang kalagayan ng kapatid nila. Masaya ako kahit hindi sila saken, at iba iba ang mga magulang nila. Nagkasundo pa rin sila. :)

Someone's POV

Ang hirap namang makapasok dito. Alam ko na kung bakit ang hirap nilang hanapin. Sino ba naman kasing mag-iisip na may nakatira pala sa lugar na ganito? Yung akala mo gubat pero cover lang yung mga puno sa labas. Inaasahan ko na ito kina Jay at Hae. Magaling talaga silang magtago.

Nagtago ako sa may halamanan nila sa garden. Nakita ko kasi si Hae na nakaupo dun sa may parang picnic table nila. Hindi ko inaasahan na ganito na pala itsura nya ngayon. Gwapo at matipuno.

Ang unang lumabas ng bahay ay sigurado akong si Jay yun. Maganda, sexy at parang medyo bata kung umasta pero malakas yang babaeng yan.

May apat na sumunod sa kanya. Teka! Apat? Ang alam ko lima sila dito. Si Robert Green Santos, anak ng  mga Rodriguez na napaslang noong 8 years old pa lang sya. Sina Orange Mich at Lemon Michelle Santos, yung kambal na anak ng mag-asawang Jang. At si Ria Violet Santos, anak naman ng mga Roxas yun. Nasan na ang anak ng mag-asawang Montoho? Ang mag-asawang kalaban ng pamilya ni Hae? Hindi kaya, pinatay nila din sya? Pero ang alam ko nagtatago sa pangalang Miayellow Santos yung anak nila.

Pinapanood ko lang sila.

Mukhang walang ideya ang mga bata kung ano bang klase ang mga tunay nilang magulang at yung tumatayong magulang nila ngayon. Wala silang ideya kung papaano sila nawalay at naulila. Kawawa naman sila. Talagang napakasama ng mag-asawang to. Hindi manlang nila ipakilala ang kanilang tunay na mga magulang.

Si Maria Jay Yoshida-Lee a.k.a. Jay Santos ay anak ng pinuno ng mga Yakuza sa Japan. Malakas ang pangdinig nya kaya mabilis nyang nalalaman ang hakbang na gagawin ng kalaban nya. Matalas din ang pakiramdam. Matalino at malakas! Mukhang hindi kasi ang amo ng mukha nya pero hindi pa nila nakikita ang kabilang side nya.

Si Kenneth Hae Lee a.k.a. Hae Santos ay anak naman ng pinuno ng isa sa mga malalakas na grupo ng gangsters sa Korea. May lakas sya ng limang katao. Nakakatakot ang mga tingin nya. At wala pa ding nakakatalo sa kanya.

Kaya siguro ipinagkasundo na ikasal itong dalawang to dahil parehas na malakas ang kanilang pamilya. Ang mga anak nilang iyon ay anak din ng mga yakuza at gangsters na nasawi sa labanan nila. Dahil sa pagkakaalam ko, naniniwala sila na hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang. Kaya siguro pinapanatili nila na buhay pa ang mga batang iyon.

Tumayo si Hae at pumasok sa loob. Patuloy ko lang din silang pinagmamasdan.

Bakit parang normal na pamilya lang sila kung titignan mo? Hindi pa siguro alam ng mga batang yun ang kaya nilang gawin.

May kumuhit sa akin pero hindi ko pinansin. Siguro may kung anong sanga lang at dumali sa balikat ko.

"Pare, mali ka ata ng ipinasok."

Nanlaki ang mga mata ko at pakiramdam ko nagkastiff neck ako. Hindi ako makalingon sa likod ko. Alam kong si Hae yun!

"Daddy? Ano tama ba ako? May tao dyan?" Tanong ni Jay kay Hae.

"Oo. May naliligaw ata." Sagot naman ni Hae. Patay na ako neto!

"Mga anak, pumasok muna kayo sa loob. Wag kayong lalabas ng bahay ha? May aasikasuhin lang kami ng Daddy nyo." Sabi ni Jay dun sa mga bata.

Itinayo ako ni Hae sa pamamagitan ng pagtaas ng damit ko mula sa likod ko. Medyo nasasakal nga ako sa pagkakahila nya.

Lumapit samin si Jay. Yung mukha nya biglang nagbago, naging matapang at nakakatakot. Kung nakakamatay lang ang mga tingin nitong mag-asawa, kanina pa ako duguan dito!

"Daddy, this is not the right place to settle things with this guy. Kita mo yung mark nya sa leeg? Yang Hornet. Alam mo kung kaninong simbolo yan."

"Alam ko. Dalhin natin sya sa Papa mo. Let him handle this one."

Andito ang Papa ni Jay? O______O

Imposible. May inatasan ako na magbantay sa kanya sa Japan. Ano na kayang nangyari dun?

Nagpupumiglas ako pero wala ding nangyayari. Masyadong malakas ang grip sakin ni Hae. Isinakay nila ako sa kotse at masama ang mga tingin nila sakin. Yung driver nila, sabi na nga ba. Myembro din sya ng mga yakuza. Yung singsing nya ang simbolo nila. Pinagigitnaan ako nina Jay at Hae.

Sabi ko na nga ba, mali ako ng kakalabanin. *Grin*

AN(OP VERSION):

WOAH! Nagiging intense na ata. HAHAHA! XD

AN(PEP VERSION):

Sino na namang abno yan? -.-

Moment Of Color [ I fell in love with yellow. Book 2. Revised. ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon