Chapter 2: The Flashback

3.9K 49 1
                                    

"sir!" bati ni manang sa amo niya, pero para lang siyang hangin dahil dinaanan lang siya ni elmo kasama ang babae. Pinag-buksan niya nalang ito ng pinto.

"ya, si lauren nga pala. Dito na rin sya titira kaya ma'am na rin ang tawag mo sa kanya." Sambit ni elmo. Tumango lang ito.

"uhm, sir.. si janin-"

"manang, nakapagluto ka na ba?" tanong ni elmo. Tumango si manang.

"sige. Iwan nyo na po muna kami." Umalis na sya at nagtungo sa kwarto ng alaga.

Hay, ang ama mo talaga. Tsk! Tsk! Nakita nya ito na himbing na natutulog habang yakap ang litrato ng ama.

Inayos nalang niya ang kumot dahil nalalaglag ito.

**KINABUKASAN

Tahimik lang si janina sa nakikita. Naghaharutan kasi ang ama nya at ang babaeng kagabi lang niya nakita. Medyo nailing siya ng balak ng maghalikan. Napa tingin nalang sya sa kanyang pagkain at sumubo na.

"hon, kelan ba kasal natin?"

"kung kelan mo gusto. Kung pwede nga lang ngayon na eh." Rinig niyang sambit ng dalawa.

"ehem." Sambit niya. Napa tingin ang dalawa sa kanya. "kukunin ko lang po 'yong iced tea." At saka umalis sa hapag.

Sumandal siya sa bar counter at doon pumikit, kasabay na rin ng pag agos ng kanyang luha.

"ayan ka nanaman. 'di yan makakaganda sayo." Napaayos siya ng kanyang sarili. Punanasan ang luha at saka umayos ng tayo.

"tita saab..."

"Shhh.." niyakap niya ang kanyang tita ng mahigpit

"tita, ayaw ko na po dito." She said between her sobs

Niyakap ni saab ang kanyang pamangkin ng mas mahigpit pa.

"you can do this."

"are you sure, tita?" tumango si saab at hinawi ang luha ng bata.

"100% sure."

**flashback

"yiee. Eh if i know naman matagal mo na syang gustong sagutin!" pang-aasar ni Joshua sa kaibigan.

"tigil nga bakla!" saway ni Julie

"heh! Baling araw, hmm.. yieee! Papa elmo ftw!"

Napapangiti na lang rin si Julie dahil kinikilig rin naman sya

"woi! Haha! Eeehh!" kinikilig nyang sambit.

"ako ba yung pinag-uusapan nyo?" sabay silang napa tingin sa likod at sabay rin silang napa simangot.

"hoy alden, wag ka ngang assuming dyan oh!" inis na sambit ni Joshua.

"weh!?"

"alden, tigilan mo na ako." Seryosong sambit ni Julie

"eh paano kung ayaw ko?" at saka nilapit ni alden ang mukha nya sa mukha ni Julie. Nag pupumiglas si Julie pero hindi nya magawa dahil kinulong sya nito sa pamamagitan ng dalawang braso.

"hoy alden!" maging si Joshua ay tinutulak na rin sya.

Akmang hahalikan na niya ito

"PUTANG IN/\! " isang malakas na suntok ang natanggap nya kaya napa upo siya.

"elmo!?" parang batang nagsumbong naman si Julie kay elmo.

"gag0 ka! Pinagkatiwalaan kita!" inis na sambit ni elmo kay alden.

"tsk!" asar na umalis si alden.

"iwan mo muna kami." Julie mouthed to Joshua, umalis naman ito

"are you okay? Nasaktan ka ba? Ano? May masakit ba?" alalang tanong ni elmo kay Julie.

Tumango lang ito. "salamat."

He pushed aside the hair covering her face. "i love you." At saka niyakap si Julie.

"i love you, too."

"a-ano?" shocked na tanong ni elmo

"sabi ko 'i love you, too'!" at saka napa talon si elmo sa tuwa

"so it means..." while smiling hanggang batok

"yes! Its a yes elmo!"

End of flashback**

Natatawang naiiling si elmo sa kanyang naalala. Hay, what a waste of time. Isip niya.

"hon, tapos ka na ba?" tanong ni lauren kay elmo. Kanina pa kasi ito sa c.r.

"huh? Oh yeah. Malapit na!" nag suot na ng damit si elmo at saka lumabas.

"so what do you wanna do?" he asked

"mall?" she requested. Napangiti si elmo.

"leggo!"

Tbc :))

Picture Perfect (JuliElmo)Where stories live. Discover now