[3]

21K 180 18
                                    

 Hello!

 Join my official Facebook group for updates:

-https://www.facebook.com/groups/SBPUOfficial/

Follow me on Instagram: @kuyasushi36 #kuyasushi

 Enjoy reading!

    ——-x


 Kabanata III



 Kasalukuyang nasa kwarto at ina-ayos ni Suzy ang mga gamit sa eskwela at baon ng kanyang anak habang hinihintay matapos ang kanyang anak na maligo. Natapos na rin nito pakainin ng almusal at ngayon, hinihintay nalang ito matapos maligo.

 Lumapit ang ina ni Suzy sa kanya at naupo sa kama. " Anak, Suzy, sigurado ka bang gagawin mo 'yon? Paano kung mapahamak ka sa ginagawa mo? Hindi naman sa hindi kita sinu-suportahan sa desisyon mo, pero wala bang ibang paraan? Kailangan ba ganoon talaga ang plano mo?" sabi ng kanyang ina na may halong pag-aalala sa tono ng pananalita nito. 

Itinabi muna ni Suzy ang bag ng kanyang anak at tinabihan ang kanyang ina. " Mama, matagal ko ng napag-isipan ito at sigurado na ako. "  

" Pero hindi mo gugustuhing magkaroon ng ganoong klaseng ama 'yang anak mo. " 

Huminga ng malalim si Suzy at sinabing, " Kaya nga gagawin ko 'to, 'Ma. Para baguhin sila dahil ayoko ngang magkaroon ng ganoong klaseng ama ang anak ko. Naniniwala ako na kapag nalaman nilang may anak sila, magbabago sila alang-alang kay JB."  

" Ipa-DNA testing mo nalang kasi. Walang namang masama kung susubukan mo." napakamot ng ulo si Suzy sa narinig mula sa kanyang ina. Ilang beses na nilang napag-usapan ito pero sadyang makulit at mapilit ang kanyang ina.  " Mama, ilang beses na ba nating napag-usapan 'to? Magkapatid sila at anak nila si JB, may posibilidad na parehas positive ang lumabas na resulta. Ako na bahala dito Mama. "  

" Eomma ! Where's my bathrobe? " biglang sigaw ng kanyang anak na mukhang tapos ng magtampisaw sa tubig.

 Iniwan na muna ni Suzy ang kanyang ina at nagtungo sa banyo para punasan ang anak na katatapos lang maligo. Matapos no'n, binihisan na niya ito ng uniporme at bumaba na sa garahe para maghanda sa pagpasok nila.

 Habang nasa byahe, hindi mapigilan ng anak nito ang magtanong ng kung anu-ano tungkol sa MGA ama nito. Sinasagot naman iyon ni Suzy, pero ang ilan sa mga ito, ay pawang kasinungalingan lang. Hindi naman niya masisisi ang anak sa pagtatanong tungkol sa kanyang mga ama dahil hindi maitatanggi ang katotohanang may karapatan pa rin ang anak niya na malaman ang bawat impormasyong alam niya tungkol sa mga ito pero ang paniniwala ni Suzy ay lingid sa kagustuhan ng kanyang anak. Ayaw niya munang magbigay ng kahit kaunting nalalaman niya rito dahil ayaw niyang paasahin ang kanyang anak. Gusto nito, sabihin sa anak ang lahat kapag maayos na ang lahat.

 "JB, can you stop for now, please? "  biglang umupo sa kandungan ni Suzy ang anak nito at pinaglaruan ang kamay nito.  " When can I meet my Appas? Can I go to your office afer class?" 

" No. Not now. Not tomorrow. I'll tell you when. "  

" But Eomma! " pagpo-protestang bata sa kanya. Kanina pa nito pinipilit si Suzy tungkol sa kanyang mga ama at gustong gusto na nito ito makilala na, pero si Suzy, pilit ring itinatanggi ang hiling ng kanyang anak.  

" I already said no, JB. No buts. "  

" Your so unfair, Umma. " nagtatampong saad nito.

 Isinandal nalang ni Suzy ang ulo ng kanyang anak sa kanya at hinagod ang likod. Nakaramdam ito ng biglang awa sa anak niya. Natatakot lang naman ito na makilala ng anak niya ang mga ama nito na ganoon pa ang ugali. Ayaw kasi dumating ni Suzy yung panahon na itakwil ng magkapatid ang anak nila sa kadahilanang hindi nila ito matatanggap. Sa kadahilanang hindi nila ito paniniwalaan na anak nila ito at pagdudahan kung sila nga ba talaga ang ama nito. Hindi handa si Suzy kung sakaling dumating ang pagkakataong iyon. Ang pagtanggap lang ng magkapatid ang nais niya at alam niyang hindi ito magiging madali para sa kanila pero umaasa pa rin si Suzy para doon.

Seducing the Maniacs [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon