Anong Ikinamatay Mo?

52.1K 999 185
                                    

Anong Ikinamatay Mo?

"Kayo po ba yung magpapainterview?" Tanong ko sa mga tao dun sa isang lumang bahay. Marami sila at masaya silang nagkukwentuhan.

"So ikaw yung reporter?" Tanong ng isang lalaki na lumapit sa akin. Tumango lang ako.

"Upo ka." Aya niya sakin nung nakarating na kami sa sala nila. Nakaform sila ng circle dun sa malawak na sala. Nakaupo lang sila sa sahig. Dun niya ako pina-uupo sa sahig.

"Ah, wag na po, dito nalang ho ako. Andito lang naman po ako para icover ang grupo niyo." Sabi ko.

"Kay layo ng tinahak mo, makapunta lang dito so bakit di ka nalang sumali? Maging part ka ng ikocover mo." Sabi nung lalaki.

Nagdadalawang isip ako pero sa bandang huli, pumayag narin ako.

Umupo na ako dun sa sahig.

Balita ko, isa silang grupo na nagkukwento ng mga kakatwa at nakakakilabot na storya na hindi naman kapani paniwala everytime na may mga gatherings sila. Hindi talaga ako naniniwala sa kanila pero wala akong magagawa, kailangan ko kasi ng something new na report this summer.

Kinuha ko na ang voice recorder ko at in-on na yun at inilagay sa gitna namin.

"So, san tayo magsisimula?" Tanong ng parang leader nila. Walang sumagot kaya siya nalang ang na-una.

"Namatay ako dahil sa sakit sa puso. Balita ko na kapag namatay ka daw, may susundo sayong mga mahal mo sa buhay na pumanaw na. Sa kaso ko, nakita ko ang asawa ko at ito siya." Kwento ng leader nila at pagkatapos pinakilala niya ang nasa tabi niya na asawa niya daw.

"Namatay ang asawa ko tatlong taon bago ako namatay." Dugtong niya.

Very strange right? Pinaguusapan nila ang kamatayan nila. Tss! Mga baliw!

Maya maya pa, may sumunod na naman na nagkwento.

"Namatay ako dahil sa stomach cancer. Hindi ko nga sukat akalain na ganun kabilis kumalat ang sakit ko. Grabe ang paghihirap ko."

Inaantok ako dahil sa mga pinagsasasabi nila. Makatulog na nga lang.

Pero di rin ako nakatulog nang ang sumunod na nagkwento ay may pinakapangit na boses. As in, napaangat ako ng tingin nung marinig ko ang boses niya.

"Isang gabi, mga sampung buwan na ang nakalilipas, naisipan namin ng boyfriend ko na mamasyal sa isang bundok gamit ang motorbike niya. Nasa likod ako ng boyfriend ko kaya nagtaka ako ng bigla siyang yumuko tapos nakita ko nalang na parang may manipis na kumikislap na bagay na papalapit sakin, isa iyong road sign na nasira at nakahorizontal. Kitang kita ko na napakamatulis nun at maya maya pa TSUUUG! Humiwalay ang ulo ko sa katawan ko. Nahulog iyon sa semento. Huminto sa pagdadrive ang boyfriend ko at kitang kita ko pa bago ko ipikit ang mga mata ko ang napakaputlang mukha ng boyfriend ko na sinasakluluhan ako." Mahabang kwento ng babaeng may napakapangit na boses.

Napako ang tingin ko sa leeg niya. May parang pulang linya yun. Tumingin ako sa paligid ko at kitang kita ko na maputlang maputla sila.

Maya maya pa, may nagkwento na naman, isa iyong estudyanteng babae.

"Parati nalang akong nabubully sa eskwelahan kaya nagbigti ako sa C.R ng school namin gamit ang alambri. Nung malagutan na ako ng hininga, nahulog daw ang katawan ko at nabagok ang ulo ko sa inidoro kaya may mga sabi sabi parin hanggang ngayon na andun padin daw sa inidoro ang mga dugo na nanggaling sa ulo ko." Nakangiti niyang kwento. Napatingin ako sa leeg niya at napatigagal ako sa nakita ko, may itim na linya sa leeg niya. di kaya mga...

Bigla akong nakaramdam ng malamig na hangin sa likod ko kaya napalingon ako pero wala akong nakita. Nabalik naman ang atensyon ko ng may sumunod na naman na nagkwento.

"Isa akong surfer, nalunod daw ako pero ang totoo, may biglang humila sa paa ko, tiningnan ko kung sino at natigagal ako sa nakita ko, mga kamay ng mga bata. Marami na kasing mga batang nalulunod dun." 

Nagsimula na akong lamigin at naririnig ko na rin na may tumatawa sa loob ng kabahayan. Tinakpan ko ang tainga ko pero hindi parin iyon mawala wala.

Nabigla ako ng may biglang humawak sa binti ko kaya agad akong lumayo sa kanila. Iyak ako ng iyak. Tumayo ako para buksan ang pintuan ng sala para makalabas na ako pero nakalock iyon. Ayoko na dito!

Biglang nawala ang kanina ay tumatawa kaya napalingon ako sa kanila. Nakatingin lahat sila sakin. Nagsalita ang leader nila.

"Tapos na kami, ikaw na naman ang magkwento." Utos niya na nakangiti. Nakakakilabot ang ngiting yun.

"P-pero H-hind--"

"BILISAN MO! YAN ANG PATAKARAN NAMIN DITO!" Galit na sigaw ng leader nila.

"H-hindi! Buhay pa ako!" Sigaw ko ng may biglang sumulpot sa likod ko, sabog ang ulo nito at nakaluwa ang mata.

"Walang lugar ang mga buhay dito." Nakangiting sabi niya.

Nagsitayuan ang mga tao na kanina ay nakaupo ng pabilog at paisa isang lumapit sakin.

"Bakit ka andito?"

"Bakit ka nakapasok dito?"

"Imposible."

"Ikwento mo kung anong ikinamatay mo."

Tinakpan ko ng mga kamay ko ang mga tainga ko.

Hindi! Hindi! Hindi pa ak--

"Namatay ako, kanina lang. Sa isang banggaan." Sabi ng babae na nakatalikod. Humarap ito sa amin at natigagal ako sa nakita ko. Ako ang babaeng yun!

"Hindi...HINDI!"

 

(A/N: Wag niyo pong kalimutang magCOMMENT at iVOTE to, THANKS! ;) )

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KANGINIG-NGINIG part 1! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon