Chapter 3: Mall Show

3.6K 70 2
                                    

Chapter 3: Mall Show

KATHRYN’s POV

Andito sa bahay ko si bes. Sabay na kaming pupuntang mall para manuod ng gig nila Daniel. Muntik na nga nanaman ako madulas sabihin yung deal e. Tsk!

“Oh bes, tapos ka na mag-ayos?”

“Yes bes, Tara na?” ako

4pm palang naman, mga 5 pa magsa-start yung gig nila, malapit lang naman yung mall eh. Okay na rin ang maaga, at least makakapagshopping kami ni best. Tagal na kaya nung last window shopping namin.

Sumakay na kami sa car ni bes, sira parin yung car ko eh.. Sana maayos na nila.

“Sa mall po, manong” sabi ni Juls sa driver nila. Habang nasa sasakyan, nagkwentuhan nalang kami ni bes, kami pa, di kaya kami nauubusan ng make-kwento. Simula umaga, hanggang gabi, nagdadaldalan kami. Di na namin namalayan na nandito na kami sa mall.

“Ma’am, andito na po tayo."

“Salamat, kuya” sabi ko.

"Kuya, text nalang kita pag magpapasundo na kami ah. Bye."

Bumaba na kami ng sasakyan ni bes, time check: 4:10, makakapagshopping pa kami ni bes. Yay!!! Haha, nandito kami sa ground floor. Grabe nga eh, may tarpaulin pa na Parking Five live. I wonder kung sino yung mga kabanda ni Dan—este babe. Siyempre kailangan ko nang masanay na tumawag sa kanyang babe,  baka madulas kasi ako.

Inaayos na yung mga instruments sa stage. Pero wala pa yung banda, Baka nagprapractice.  Or rehearsal, Or... Ewan.

Aish. Malay ko ba mga ginagawa nila. Naglakad-lakad muna kami ni best, tumingin kami ng shoes, damit, accessories, bags, wallets, pang make-up, wrist watch, etc…

“Ladies, and Gentlemen, the show will start in 5 minutes. Please grab a seat and relax while waiting.” rinig namin sa stereo ng mall.

My golly. Sa dami ng shops dito, nakalimutan tuloy namin ni bes na may gig pa pala kaming panonoorin. Buti nalang at may nag-announce. Nagpunta na kami sa ground floor sa may stage. Naghanap kami ng upuan. Grabe naman, ang daming manonood, sikat ba tong bandang to?

“Uhh. Excuse me po, Kayo ba si Kathryn Bernardo? Bestfriend nyo po ba siya?” turo nung security guard turo kay Julia Montes. Bakit kilala ako ng mga to? Di naman ako nagnakaw ah!

“Uhm, kami nga po, Bakit?”

“Ah, may VIP seats po kayo, dun po sa harap.”

Ah, bakit may VIP seats kami? Aysh, basta ewan ko, umupo nalang kami ni bes sa harap. Maya-maya naglabasan ang limang lalaki. Panghuli si Daniel. Tapos dun siya sa may bass guitar, Bassist huh! Nagwink saken si Danie—babe.

Tapos kumanta na sila ng Brighter Than Sunshine

Kamukha nga ni D---babe yung vocalist eh.

Tumingin ako sa likod ko, O_O  May tarpaulin na nakalagay, We Love You Daniel Padilla. Wow, ah!! Sikat? Grabe, may sumisigaw pa nga ng...

“Ang gwapo nila!!! Waaaaaa!!!” girl 1

“Pero pinakagwapo yung bassist” girl2

“Oo nga, pero, tingnan nyo lang... Sa ganda kong to?? Baka mamaya liligawan na ko ng bassist na yan!” girl 3

Talaga naman!!! Kapal ng mga to ah!! Gusto kong ipagsigawan sa mukha nila na “AKO KAYA YUNG GIRLFRIEND!!!” pero di ko ginawa, nakakahiya kaya!!! Ayoko mapahiya no!!

She's My "Pretend" Girlfriend [KATHNiEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon