Timing is Everything!

88 4 2
                                    

       Have you ever Fall in love with the person in a wrong time? okay let me re-phrase it. RIGHT PERSON in a WRONG TIME.  

    Yung handa ka na magmahal muli, yung handa ka nang mahalin ulit, kaya lang wrong timing KAYO.

     Bakit kaya laging ganun, laging sa "Maling tao", "Maling pagkakataon", "Maling lugar" pero yung alam mo ng mali itinutuloy parin natin, bakit? kasi umaasa parin tayo na baka maging TAMA ang lahat, wala lang talaga sa timing.

      Ang Love daw parang ARAW. Ang tagal mo'ng hinintay na sumikat, yung kahit gaano kasakit sa mata ang tumitig dito hindi ka parin bumibitiw. Gusto mo eh, ginusto mo. Kahit Alam mo'ng masasaktan ka lang sa harapan niya, kinakaya mo. Mahal mo eh, minahal mo.  Pero alam mo yung mas masakit? Tulad ng ARAW mapapagod rin tayo at kailangan ng magpahinga.

      Minsan mas magandang wala ka nalang alam sa nararamdaman mo, yung tipong maging  MANHID ka nalang. Para hindi ka na masaktan pa, lalo na kung wala ka namang KARAPATAN. Mahirap din minsan na ipagsiksikan mo ang sarili mo kung wala naman ng lugar para sayo, at mas lalong mahirap yung ipaglaban mo pa ang isang taong siya na mismo sumuko na. Ang sakit lang isipin na sa hinaba-haba ng pinagdaanan niyo, susuko din ang isa sa inyo. May mga panahon, masasabi natin sa sarili natin na sana wala na lang KATAPUSAN at mga panahon na sana di nalang NASIMULAN.

    Sometimes, Falling in love with the Most Unexpected Person on the Most Unexpected Time.

" I wasn't planning on loving you, but I'm happy that I did. " Sometimes, You have to Accept what can never be.We don't need any Explanation. Sadyang may mga taong Dumadaan lang sa buhay natin para pakiligin tayo hindi para mahalin. May mga bagay na kahit naiintindihan mo ang dahilan, hindi mo pa rin maiiwasan na masaktan. Sabi nila "Forget about all the reasons why something may not work. You only need to find one good reason why it will." Minsan, kailangan ituro sayo ng mundo ang tama sa paraang masasaktan ka, para tigilan mo ang MALI at malaman mo ang pinagkaiba sa DAPAT at HINDI.  

Minahal ka din naman siguro ng taong akala mo ay hindi ka minahal, kaya lang sa paraang alam niya at hindi sa paraang gusto at inaasahan mo. 

Okay lang magmahal pero 'wag naman sa point na ikaw lang yung nagmamahal, napaka-SELFISH kung ganun. OO lahat may hangganan tanggapin natin yun', pero ang sakit-sakit lang isipin na sa dinami-dami ng binalewala mo dahil siya ang pinili mo sa huli mababalewala ka din naman pala.

Sa LOVE hindi dapat tayo nagsisisi, why? its because its our lesson in life. Hindi natin matututunan ang halaga ng isang bagay kung hindi natin maiintindihan ang worth it nito right? Parang pag-ibig din yan kung hindi tayo sumugal hindi tayo matututo at siguro may mga kapalaran na pinagtatagpo lang talaga ngunit Hindi naka-TADHANA sa isa't-isa.

    May mga TRUE LOVE TALAGA NA WORTH IT PAKAWALAN kaysa IPAGLABAN.

      Ngayon masasabi kong NAGMAHAL AKO NG TOTOO. Maybe it's wrong timing but I know TIMING IS EVERYTHING <3

The REALIZATION (Article)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon