The Past

119K 2.9K 1.2K
                                    

Kyle POV

Habang hawak ko ang kamay niya ay hindi ko maiwasang mapangiti. She's the most beautiful woman in my eyes. I didn't expect that she could be so important to me. I wanna marry her someday. I'm still a highschool student but I am rich. I can give her the world.

"Wooo! Magka-lampungan na naman kayong dalawa." Sigaw ni Lyndon Martinez nang makalapit sa amin.

Ka-team ko siya sa basketball sa SWU--school na pagmamay-ari ng pamilya ko. Eleven kaming magkakaibigan. Nagkakilala kami dahil sa iisang school lang kami pumasok mula elementary at mula noon, magkakasama na kami.

"Hindi ba kayo nagsasawa sa isa't isa?" Tanong naman ni Adrian Buenavista. Pinaka-malapit kong kaibigan. Bestfriend.

"Tch." Ang isa kong close na kaibigan na hindi madaldal--Lance Abellano.

"Kuuu! Naka-halik na ba, captain?!" Sigaw ni Luke Palermo--lampayatot. Hindi ko nga alam kung paano 'yan nakapasok sa team namin. Tch.

"Will you please shut up?" Suway ko sa kanila. Nakatingin ako kay Mandy, the woman of my dreams. She's sleeping like an angel, she's in my shoulder habang hawak ko ang kamay niya. "Kapag nagising si Mandy, buburahin ko isa-isa ang mga mukha niyo."

"Tungunnuuu! May eraser ka?" Sagot ni Luke. The fck. Sabay takbo at tumago sa likod ni Lance.

"Tch. Alis!" Sigaw ni Lance.

"Tumahimik na kayo." Saway ni Oliver. "Brad, sleeping beauty ba 'yan? Halikan mo na para magising." Ngumisi siya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ulol!" Sigaw ko. Tch. Puyat pa naman si Mandy. Hindi ko nga alam kung anong pinagkaka-abalahan niya. Basta ang alam ko, nag-aaral siyang mabuti para makamit daw niya ang pangarap niya.

Maya-maya pa ay gumalaw si Mandy. Damn, she's awake.

"Fck you all. Leave us alone." Sigaw ko sa mga gunggong.

Nagkanya-kanya sila ng ginagawa. Narito kami sa bleachers ng basketball court sa gym ng school. Kakatapos lang namin mag-practice kanina at pinuntahan ako ni Mandy para panoorin ako at hintayin na rin ako para sabay kaming umuuwi. I can drive. I already have student's license kaya na-ida-drive ko ang kotseng bigay ng Papa ko.

"K-Kyle?" Nagkukusot pa ng mata si Mandy. She's really beautiful.

I could still remember the first time I saw her reading a book. Nakaupo siya sa damuhan malapit sa field. She's alone and she looks so attractive. Hindi ako ang klase ng lalaki na madaling ma-attract sa babae, but to Mandy, it's new. After that time, hindi na siya mawala sa isip ko. That's why, due to my connection, nalaman ko ang lahat ng tungkol sa kaniya. She's in the other class. Section A. Nasa section B kasi kami ng ka-team ko. Matalino ako, pero kusa akong nagpalagay sa section B dahil doon ang mga tarantado at hindi grade conscious. Damn I don't want to be a geek or nerdy type na pawang nasa section A. Highschool life is the most exciting part being a student.  I want to be free. That's it. I can do what I want.

"Yes?" I smiled at her. She's the only one who can make me smile like this.

"Sorry, nakatulog na pala ako sa balikat mo. Nangalay ka ba?" Nag-aalalang tanong niya habang inaayos ang buhok niya. She's damn pretty with her messy hair.

"It's fine. Puyat ka ba? Are you okay?" Tanong ko.

Ngumiti siya. And damn, my heart melts. "Oo. Kasi, naghanap ako ng mga school ng college na may course na pwede kang maging fashion model. I really want to be a model someday." Kitang-kita ang kislap sa mga mata niya.

We are all in third year highschool at isang taon nalang, college na kami. Hindi ko na iniisip ang course na kukunin ko. Understood na 'yun. Since I'm carrying my father's surname, I need to be a businessman someday like him.

The Past (Kyle Shin-woo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon