Chapter 2

490 16 9
                                    

THIRD PERSON'S POV:

"Siya si Irene! Irene! Ang pinakasikat na female star sa buong Seoul. Siya si Irene! Sobrang daming advertisement ni Irene sa school na 'to! Hindi niyo ba talaga ako mapapagbigyan?" Sigaw ng isang lalaki na nagpapanggap na tatay ni Irene sa office habang kausap ang principal ng school na papasukan ni Irene.

"Ako man nahihirapan ding magdesisyon, Masyadong marami ang nagproprotestang mga magulang dahil sa special treatment namin kay Irene." Sagot ng prinsipal na kasalukuyang nakaupo sa principal's desk niya sa tatay ni Irene.

"Pero diba napagusapan na natin ang tungkol sa bagay na 'to? Sabi mo bibigyan niyo ng special treatment si Irene dahil sa misteryosong pagkatao niya!" Nagtitimping sagot naman ng tatay ni Irene. pero sa totoo lang, kinakabahan ang lalaki dahil sa mga posibleng mangyari sa sinabi ng principal.

"Ang mga magulang ng estudyante sa school na 'to ay masyado kaming pine-pressure dahil sa pecularities ni Irene, kaya sana ay mapagbigyan niyo kami."

 

"Sabi ko namang hindi siya pwedeng maki-share ng kwarto sa babae!!!" Nagwawala ng sabi ng lalaki, Ang gusto kasing mangyari ng principal ay maki-share si Irene ng dorm isa sa mga babaeng estudyante. Paano kung mahuli si Irene na lalaki siya? Malaking gulo ang mangyayari!

"Bakit naman? Meron bang malalang rason kung bakit bawal maki-share ng room si Irene sa babae?" Tanong ng babae sa gilid ng principal na kanina pa hindi umiimik, Lalong kinabahan ang lalaki sa sinabi nito. Kaya naman hindi siya mapakali, buti na lang kinalma siya ng kasama niya.

HYUN WOO'S POV:

"Anong sabi mo tito? Ako, makikishare ng dorm sa isang babae?" Inis na tanong niya sa tito niya, Ano ba ang gusto nitong mangyari? Mahuli siya?!

"Masyadong malala ang sitwasyon, Wala ng ibang choice!" Nanginginig na sabi ng tito niya na nakabalot ng twalya at may tela sa noo. Tsk! Parang baliw si tito!

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko tito, kaya ayokong pumayag nung una eh! Ayoko na! Itigil na natin 'to!"

"Alam mo ba ang sinasabi mo Hyunwoo? Ngayon ka pa ba susuko, Ginagawa lang natin 'to para makaipon ng pera para sa orihinal na balak natin! konti na lang okay? konting commercial na lang at ang kompanya natin ay lalago na! Kapag nangyari yun, Pwede ka nang sumikat bilang Hyunwoo! Tutulungan kita at sisiguraduhin kong magtatagumpay tayo!" Sabi nito na nanginginig pa rin.

Napakurap siya sa sinabi nito, at napakagat rin siya ng labi at tinanggal ang wig na suot niya. "Nakakainis na to!" Naiinis na talaga siya, ayaw niya naman talagang gawin 'to, ginawa niya lang 'to para sa pinangako ng tito niya!

 

"Yung totoo, hindi ka naman makakapagaral sa Daehan Art School kung wala si Irene diba? Sabi mo gusto mo yung school na yun, at sabi mo rin pangarap mong makapag-aral sa school na yan. Pangarap mo! Kapag sumuko ka ngayon, parang sinuko mo na din yung pangarap mong sumikat bilang Hyunwoo! Lahat yan!" Napaisip siya sa sinabi nito, oo... pangarap niyang mag-aral sa school na yun at pangarap din niyang sumikat pero hindi sa ganitong paraan!

Ma boy (Korean drama fan fiction - Hiatus)Where stories live. Discover now