Chapter 03 ~ Coincidence Right?

68 3 12
                                    

/ Dedicating this to Lola Gel. =) Kawaaaay LOLA koh. /

*Cloud's POV*

Nagising na lang ako sa clinic. Lumingon-lingon ako. Sa totoo lang, masakit pa talaga ang ulo ko. May nakita naman akong yelo at nilagay ko sa parteng masakit.

"Urrgh, Nurse Jane?" tapos lumapit naman siya sakin,"Uhhh Nurse Jane, nasaan po si Rain?" tanong ko sa nurse ng school.

Siya na ata ang pinakamagandang NURSE na nakita namin ni Rain. Di ako biased dito, totoo! Kaya nga nagtataka ako kung bakit umattend ng klase yun kung pede naman siyang magpacute kay nurse Jane.

"Wala eh, tayong dalawa lang," lalo pa siyang lumapit sa akin at kinukutuban nako sa kanya. >____< Napalunok na lang ako. Kinakabahan ako!

At hinaplos niya ang mukha ko. At ang gentle huh, Nurse Touch daw ang tawag dito sabi ni Rain. >//< Tapos hinaplos niya din yung leeg ko at nararamdaman kong pababa na nang pababa. Buti na lang nasa tino ako palagi at baka halayin na ko nang nurse na ito. May pangarap pa ko sa buhay! >o< . Kay Leona lang ako! (>.<)

"Nyihhh!! Sige po. Aalis na ko at kaya ko na po ito," at dali dali akong umalis sa kama at nilagay ko yung yelo sa isang face towel saka ko pinatong sa parteng may pasa.

"San ka pupunta? Sure ka ba na OK ka na?" tanong ni Nurse Jane na medyo disappointed at hindi nakachansing saken. XD De joke lang. Panget ako noh. Di nga ko mapansin-pansin ng Leona ko!

"Babalik na po sa klase. Sige po aalis nako," at nginitian ko na lang siya.

"Hooo,"sabay punas ng pawis. Buti na lang nakatakas ako sa tiyak na kapahamakan. -___-" Tanda ko pa nga noong una akong na-clinic nung bago akong transfer? Hagipan nang magka-strip show dun! Kahit medyo exxage. ^^v Anu kayang meron dun? at napaka-weird. -,-

Naglalakad na'ko papuntang room ko nang may biglang tumawag sakin.

"Mister Montreal?" tawag nang isang pamilyar na boses habang ako'y naglalakad malapit sa office ng Principal. Hmm, who's that dude?

"Po?" tapos nung paglingon ko abay si,"Sir Lopez? Ikaw nga yan!" Nagulat taalaga ako kase di ko inaasahang makita muli si Sir Lopez.

Si Sir Lopez na napakabait, siya ang nagturo sa akin nang World History last year na naging resulta sa pagkapanalo ko nang 2nd place sa National HistoQuiz Competion. Kaso ngayon, ECONOMICS. Ibang iba dun sa A.P. last year. -___- Di tuloy ako ang panlaban.

"Sir, anung ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanya tapos tinignan ko nang maigi yung short envelope na hawak ni Sir Lopez.

"Ahh! Eto ba? Tinray ko lang kung pede pa magtransfer yung anak ko kaso bawal na pala. I think I need to wait another half year para dito na rin siya pumasok. Great school, great facilities, great teachers, and great students like you," tapos napansin niya ata yung pasa ko,"Ohh! Anung nangyare sa mukha mo? Dont say na nakipagbasag ulo ka? Wag kang gagaya sakin noong Highschool pako!" lols. Cool kase si Sir since highschool daw pero napakatalino din niya. Secret niya? He's ( or was ) a bookworm like my brother.

"Sir naman eh! Naaksidente lang po, yung lang," alibi ko na lang kay Sir Lopez. Bumenta ka alibi.

"Ohhh, uhhh .. OK. Ganun pala eh. Ingat ingat na lang din pag may time," tapos tumawa siya at nakitawa na lang din ako.

Aalis na sana ako kahit gusto ko pang magtagal at makausap pa si Sir Lopez kaso gusto ko na din pumasok eh. At yun, biglang sulpot ni Misis Lopez at ang anak nilang si Katrina na parang kabute.

"Whoah! Tignan mo nga naman. Ang laki mo na talaga, Katrina," sabay pat ko sa balikat niya. Kaso bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinihit niya nang 360°! Na halos ika-injured nang braso ko! Pero joke lemeng, XP! Nasaktan lang talaga ako. -_____-

Made For Each OtherWhere stories live. Discover now