SECRETLY MARRIED (forgottenglimmer)

6.9K 67 18
                                    

SECRETLY MARRIED (COMPLETED)

AuthorForgottenglimmer

Genre: Humor, Teen Fiction

Ito yong pinaka-una kong nabasa sa wattpad. Nong 4th year High school pa kasi ako, nagkataon na na-engaged din ako sa isang lalaking stranger :( (Yeah, mahirap man paniwalaan pero di pa kasal ha! ^_^) kaya nong marinig ko sa mga kaklase ko ang web site na WATTPAD, sinubukan kong bisitahin ang site na Wattpad gamit ang Cell phone ko. And TADA! naka-connect ako. PERO hindi ako pwede mag vote at mag comment sa ano mang story. dyan nagsimula ang pagiging Silent Reader ko :D

When I clicked 'WHAT's HOT", itong SECRETLY MARRIED ang nangunguna.

Nong nabasa ko yong title palang, parang naka-relate ako kasi yong sitwasyon kong Arranged Marriage din.

At WOW ! hindi ko pinagsisihan ang mga gabing hindi ako natulog sapagkat binabasa ko ang story na to. yong mga oras na hindi ako kumakain dahil mas pinili kong magbasa pa at mas lalo nong nagkukulong talaga ako sa kwarto ko habang nagbabasa nito. HAHA Yeah! kasi simula palang na-adik ako sa story na to. Super nakaka-kilig. Para akong sirang plakang nagsisigaw mag-isa pag kinikilig ako kay KENT at Phoebe. Tapos pag Lowbat na ang Cellphone ko, mag cha-charge muna ako tapos lalabas muna ng kwarto ko then babalik naman pag full charge na. AHEHEHE

Kung tambay ka sa WATTPAD, Alam na alam mo ang story na to. Ganda noh? Super GANDA AT SUPER NAKAKA-KILIG.  at SUPER THUMBS UP ako sa nagsulat nito.

Isang Mala- Fairy tale na love story ni Kent at Phoebe . 

Isang Arranged Marriage ang nangyari sa buhay nila. Ang akala nila, walang pag-ibig na mabubuo kay KENT at PHOEBE. Ang raming kontrabida ang humadlang sa dalawa pati buong Campus kalaban rin ni Phoebe .  Sino ba naman kasi ang hindi magnanasa sa napaka-gwapong si KEN TOMAS? 

Ang raming selosan ang nagdaan sa buhay ni KENT at PHOEBE. Mga Virus kasi, humahadlang pa sa pinlano ni Kupido sa dalawang tao! XD

Pero sa huli? DESTINY WINS! kahit sinong VIRUSES o BACTERIA  pa ang humadlang sa Pag-ibig, CUPID always win.

Kaya kung baguhan ka pa sa WATTPAD tulad ko noon, basahin mo ang SECRETLY MARRIED. At super duper triple kikiligin ka. Ang galing ni Miss Author (forgottenglimmer) the way na mag-sulat sya ng story kasi, para akong nanunuod ng movie. The way na i-describe nya yong mga settings ay talagang nai-imagine ko ang mga pangyayari.

AGAIN, SECRETLY MARRIED by forgottenglimmer . (Paulit-ulit? 'di kasi naka-kasawa ulit-ulitin e! HAHA)

Keep Calm and Read this Stories on WATTPAD (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon