A Lover's Regret [ONESHOT]

3.7K 115 108
                                    

Dedicated to... Ate Cha!! 

---------------

My 1st story. Short story lang hehehe.. Please support! lovelots!

Never expect much. I'm just a 13 year old highschooler kaya wag mong isiping maganda ang story na to. hahaha. Pero sana pagtiyagaan niyo na lang. Hope you'll like it. *crossfinger*

_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=_=

"Mahal kita."

Yan ang mga katagang sinabi mo sa akin noon. Napakasarap pakinggan. Nagiging isang napakagandang musika para sa aking pandinig. Sa tuwing babainggitin mo yan, bumibilis ang tibok ng puso ko. Ngunit isang bagay ang pinagsisisihan ko ngayon.

Yung ay ang HINDI ko naipadama sayo na. . .

MAHAL DIN KITA.

********

3 years ago..

Kasama ko ang mga kaibigan ko sa isang club. Natural lang ito sa akin, halos gabi-gabi ako dito kasi party girl ako. I love to drink, party all night, fight with brats and many more.  A wild party-gooer girl to be exact. Halos gabi-gabi na lang, present ako sa mga bar.

Ilang minuto lang, pumasok ang isang grupo ng mga kalalakihan at umupo sa mga stools ng counter malapit sa amin.

Noong gabing yun, Nakilala kita. Naghamon ang katabi ko na kausapin ang lalaking nakaupo katabi ko. At ikaw yun.

Nagkausap tayo, nagkwentuhan, nagkamabutihan at nagbigayan ng number. Nalaman ko rin na nagse-celebrate kayo sa pagkapanalo niyo sa basketball game niyo. Hindi ka mahilig mag-bar, uminom at kung ano pang bagay na ginagawa ko.

Opposite talaga tayo. Pero, I found you interesting. Simula noon, lagi mo na akong tinetext at isang araw, niyaya mo akong lumabas. Pumayag naman ako, friendly date lang naman ito eh.

Nung first date natin, napakasaya ko. Ikaw yung taong gentleman, mapagmahal, mabait, matalino, mayaman, masayahin, at kung ano pang ugaling makakapag-turn on sa babae.

Mga ilang linggo rin tayong ganun ang proseso. Magtetext, lalabas, kakain tayo, mamamasyal, magkukwentuhan at kung anu-ano pa.

Minsan nga, napapagkamalan tayong magnobyo't nobya eh kasi ang sweet daw natin. Syempre hindi na lang natin pinansin yun. Hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili kong nahuhulog sayo.

----

Niyaya mo akong kumain sa labas noong birthday mo. Ewan ko ba sayo kung bakit ako ang kasama mo eh dapat ang pamilya mo ang dapat mong kasama sa kaarawan mo. Noong araw din yun, dun ka nagtapat sakin.

Sabi mo na mahal mo ako nung una mo akong nakita at kung papayag ba akong magpaligaw sa'yo. Pumayag naman ako kasi may pagtingin naman ako sayo. Nang sabihin kong "Oo, papayag ako Xander", ramdam kong ang saya mo kasibigla ka na lang nagtatalon at sumisigaw. Napangiti naman ako .

Tatlong buwan mo rin akong niligawan noon. Araw-araw, may surprise ka saakin. Talagang pinapakita mo na karapat-dapat ka sa sagot ko. Kaya 'di nagtagal sinagot din kita.

A Lover's Regret [ONESHOT]Where stories live. Discover now