Calvin Klein Go

3.4K 42 12
                                    

Calvin Klein Go. CK. ICL Koala Leader.

Isa sa mga reasons kung bakit nasali sa listahan na 'to si CK ay dahil kyut siya.

Dejoke.

Syempre, yung pagiging caring niya. Alalang alala ko pa kung gaano siya kaalaga kay Elle. Yung mga panahong gulong gulo si Elle sa nangyari sa kanya. Yung mga panahong hirap na hirap na siya sa buhay niya na kahit buhay niya ay naatim niyang pagtangkaan. He had Chanel at her worst. Tanda ko pa kung gaano siya ka understanding at ka considerate. Kung gaano kahaba ang pasensya niya. He's perfect. minus his childish acts.

Siya yung 'kuya figure' ko. Basta. Feeling ko ang saya saya niya kasama. Hay, kung sana totoo lang siya. Nakakainggit si Chloe kasi may kuya siyang ganiyan pero sabi ko sa sarili ko, may kuya nga siyang ganiyan pero fictional character lang naman siya. Panalo parin ako. Lol, patulan ba naman ang F.C?

Isa pa sa mga gusto ko ay yung palaging nakangiting si CK. Yung mapapatanong ka nalang sa sarilio na Namomroblema rin kaya siya? Laging nakangiti, e. Iniimagine ko palang ang hitsura niya, humaharumentado na ang sistema ko. Hay, yung kamay niyang nakapwesto sa gilid ng mukha niya na nakapeace sign. Parang ganito, ^__^v

Ang Calvin Klein na makulit at mahilig sa icecream. At kahit ilang timba ata ang ibigay sakanya, kaya niyang ubusin 'yun. Takaw.

Nalulungkot ako sa kanila ni Elle dahil kahit mahal na mahal nila ang isa't isa, tadhana na mismo ang pumigil. Tadhana na mismo ang nagsabing hindi sila para sa isa't isa. But then, nandiyan pa naman si Manager. Back to square one ka nalang, CK-oppa. Haha! Kawawa. Lol. Joke lang.

__

Calvin Klein Go also known as CK in Three Words Eight Letters Say It, Im yours 1&2 by Girlinlove :') 

Favorite Watty CharactersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon