Interview (One Shot)

21.6K 719 166
                                    

Interview (One Shot)

All Rights Reserved © 2013

_____________________________________________________________________________

‘Foundation Day’

Isa sa mga boring na event dito sa school! Wala akong kasamang maglibot dahil nga sa Busy yung mga bestfriends ko sa booth nila na hindi ko alam.

Pumunta na lang ako sa isang Food Stand at doon nagpakabusy.

“Oh My Ghad! Ang wafu ni Zero!” Huh? Ano daw waffles? Tumingin tingin ako sa paligid para hanapin kung saan nakapwesto yung nagtitinda ng waffles.

“Hindi lang siya Wafu! Hot pa!” Wow? Bagong luto? Masarap yun ah!        

“Papunta ba siya sa pwesto natin?”  Aishh! Nasaan na ba yun? Gustong gusto ko na talagang kumain ng Waffles!

“Dito nga siya papunta Sis! Oh My!! Ang wafu niya talaga!”

“PUTAPETENG WAFFLES YAN!! SAAN BA YAN NAKAPWESTO!”  Hindi ko namalayan na napasigaw na pala ako. Ginugutom naman kasi ako sa paulit ulit nilang pagbanggit ng waffles!

“Eh? Anong sinasabi mo?” Napatingin naman ako sa nagsalita, Si Zero.

“Eh sabi kasi ng mga babaeng ito na ang waffles mo daw tapos ang hot pa!” Sabi ko sabay turo sa mga babaeng kanina pa nagbubulungan tungkol sa waffles. Nakita ko namang namula sila.

“Waffles ba yung sinabi nila o Wafu?” Napaisip naman ako,  Wafu naman kasi talaga yung pagkakarinig ko eh, Saka magkatunog naman diba?

“Yung pangalawa.” Sabi ko, Natawa naman si Zero samantalang yung mga babae namumula.

“Gwapo ang meaning nun.” Napanganga naman ako sa sinabi niya. Ano Daw? Gwapo? Kaya ba namumula itong mga babaeng ito?

“Aahh, Hahaha, Ang galing!” Sabi ko sabay kamot sa batok ko, Malay ko ba na yun pala meaning nun at hindi pagkain. Napatingin na naman ulit ako sa mga babae na masasama na ang tingin sakin. Jusko, Ibuking ko ba naman aba’y sinong hindi magagalit? Kung nakakamatay lang talaga ang tingin pero malas nila hindi!! Hahaha XD

“LILORIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE” Napatingin naman ako sa tumawag sakin. Sila Amber at Madelline.

“Oh? Bakit?”

“May itatanong sana kami sayo?” Eto na ang chance ko para makatakas sa mga matatalim na tingin sakin ng mga babaeng ito!

“Ah, Dun niyo na itanong sakin” Sabay turo ko sa kawalan at hinila sila.

“Lilorie!” Narinig kong tawag ni Zero pero hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad.

***

“Oh anong itatanong niyo?” Tanong ko sa kanila ng makalayo na kami.

Nagkatinginan lang sila sabay tanong “Pwedeng painterview?”

“Painterview?” Nagnod naman sila “Okay, Sige”

“Talaga?”

“Oo” Nakita ko namang ngumiti sila. Ngiti ng tagumpay..

“Tara na!” Sabi ni Amber sabay turo sa isang Booth. Binasa ko yun at ang nakasulat ay Interview Booth. Weird? Anong meron sa booth na yun?

Interview (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon