IIF Fanfic (Karl)

315 9 7
                                    

Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Karl pagkatapos aminin kay Vivien na sya yung nagsabi kay Panot tungkol sa kung anuman yung napapansin nya kay Lean at sa kaklase. Take note, hindi lang basta tinik, tinik ng whale shark ang natanggal sa kanya. With that, he sighed. Wala na syang inaalala. Nakapagsorry na din sya. Natuwa pa nga sya kay Vivien dahil hindi to nagalit sa kanya. Actually prepared na yung mukha nya para makatanggap ng sampal. Pero surprisingly, nakarelate pa sa kanya yung karibal sa pagiging Valedictorian.

Mahirap naman kasi talaga kapag pinepressure ka ng magulang mo. Maling-mali. Kung tutuusin taga-guide mo lang dapat sila diba. Hindi taga-dikta kung ano dapat mong gawin. In Karl's case he got used to it. Sabay na lang sa agos.

Dumaan sya sa comfort room pagkalagpas nya ng hall. Pinagmasdan ang sarili sa salamin. Yung titig na parang sinasabing 'you don't deserve this. Di ka dapat nagpapadikta sa kanila'. After nyang magmoment saglit sa banyo, lumabas na sya at natulog.

Naging ayos naman yung byahe nila pauwi.. Masaya yung retreat. But ofcourse kagaya pa din sya ng date. Kunware aloof. Dun sya sa may likod nakaupo. Nasa harapan naman nya sila Chester.

"Do you think it's a good idea to talk to him Chestie? Naging close din naman kami dati. Besides quote gagraduate unquote na tayo sa April 1," Janine ask while leaning on Chester's shoulder.

"Oo naman. Wala namang masama dun, atleast pag nagawa mo yun makakahinga ka na ng maluwag. Just do your part, kung di makipag-ayos si Jenica sayo, hayaan mo na lang,"

Pasimple lang nakikinig si Karl dun sa naguusap sa harap nya. Nagtakip pa sya kunwari ng bimpo sa mukha para di mahalatang umaandar pagkatsismoso nya. Well, more of curious sya sa topic nung dalawa. Ang batch flirt na si Jenica.

6:45:07 pm

SA TOWN

Papunta si Karl at ang pamilya nya sa isang sosyaling restau sa town. Napagpasyahan ng parents nyang dun kumain dahil kakatapos lang nila mag-away, parang date na din to.. 2nd reason.. Wala lang, naguubos lang sila ng pera. Hindi pa gutom si Karl. Mas matindi yung kirot ng sentido nya kesa sa kalam ng tyan. Wala pa kasi syang tulog dahil kakauwi lang nya galing retreat. Kaso masyado nga syang mabuting anak kaya eto, bumuntot sya sa parents nya.

After umorder ng pang-anim na taong pagkain yung mama nya kahit tatlo lang sila, nagpaalam uli yun saglit na magc-cr. Yung papa naman nya kukuha lang daw ng tissue. Naiwan sya sa table na pinagmamasdan yung pagkaing di nga siksik sa saturated fats, ubod naman ng sebo.

*ting!* tunog ng nagsinding light bulb yan. (Wag na kayong kumontra owkey? :>)

An idea struck him.

Agad syang tumayo at palabas na sana ng restau pero naglakad sya uli pabalik. Dinampot yung isang bowl ng macaroni salad na kakaiba ang ichura, pangmayaman kasi kaya medyo weird. Kumuha din sya ng kutsara and then gora na uli palabas. Trip lang nyang mamasyal sa town.

Lakad lang sya ng lakad hanggang makarating sya sa may center ng town. Sakto namang may dance contest. Trip nyang manuod kaya kahit siksikan yung mga tao at sinalubong sya ng variety ng amoy nakisiksik sya. Frustrated dancer kasi sya nung araw, nung kabataan days pa nya. Pero gaya nung narrator sa librong the little prince na pinatay ng grown ups yung pangarap maging artist, sinantabi din nya yung pagsasayaw. Wala e. Mabait syang anak.

"Wow that was a hot number from chikababes!" Nag-echo all over yung hiyaw nung MC. Kinagulat yun ni Karl kaya nalaglag yung kuchara nung kinakain nya. Tinapon na lang din nya yung Macsalad. Alangan namang kamayin nya yun sa harap ng napakadaming tao. May hiya pa naman sya. Tinapak tapakan nya yung nagkalat na mac sa lapag habang lumilinga sa audience.. Sa kapal ng tao, wala naman sigurong makakapansin na ang salutatorian ng Charleston e nagkakalat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IIF Fanfic (Karl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon