Para Sa'yo

112 4 0
                                    

Para Sa’yo 

Mas mainit pa sa disyerto

Ang init ng pagmamahal mo

Mas malalim pa sa karagatan

Kapangyarihan mo’t kaluwalhatian

Mas malawak pa sa kalawakan

Ang iyong labis na kabutihan

Mas mataas pa sa mga bundok

Pangako mo na samin ay alok

Mas sikat ka pa sa kahit na sinong artista

Kasi sa puso ko ikaw ang siyang nangunguna

Daig mo pa ang telenobelang sinusubaybayan

Kasi higit ka pang dapat tunghayan

Ako ay isang tumay na prinsesa sa paningin mo

Hanggang sa pagtanda at kumulubot ang balat ko

Kahit pa maubos na lahat ang mga ngipin ko

Ngingiti pa rin ako dahil sa pagmamahal mo

Mas matamis pa sa kendi’t tsokolate

Tamis ng yakap mo samin parati

Mas masarap pa sa sinigang at adobo

Ang inihain ng Panginoon para sa’yo

Parang baduy yata ‘tong tula na ito

Pero ganun talaga kung tunay na mahal mo

Wala kang pakialam sa sasabihin ng iba

Kasi mas importante kung ano ang tingin niya

Hindi man ito kasing ganda ng ibang tula

Hindi man ito tunay na kamangha-mangha

Ngunit ito talaga ang tunay na nadarama ko

Kaya ito ay alay ko para sa’yo

Untold Feelings (MY POEMS)Where stories live. Discover now