Epilogue

7.4K 165 6
                                    

E P I L O G U E

FIVE YEARS LATER

Ilang taon na ang nakalipas, ilang taon ng paghihirap, kamalasan, at kalungkutan. Matapos masira ang Academy ay inayos ito muli ng mga manggagawa, naging normal na ang lahat. Natanggal na sa aking isip ang mga nangyari noong nakaraang taon, namatay si Rico, ang lalaking kumidnap sa tatay ni Ace, naging maayos ang pamilya ni Ace, ligtas ang aking mga kaibigan, lalong-lalo na si Bailey.

Sa akin, walang nagbago, heto pa 'rin ako, halos ako pa 'rin ang babaeng nawawala sa isang Academy na puno ng pantasya. Masaya akong kasama ang aking mga kaibigan, walang nabawasan, kaya ito'y nadagdagan, pagkatapos ng gera, madami akong nakilalang tao. Nakakatuwa dahil sila ang dahilan kung bakit ko nakakalimutan ang aking mga problema.

Nandito ako ngayon, sa may harap ng gate ng Academy, kasama sila, naghahanda para sa muling pag-bukas ng Academy. Kahit wala na ang gera, patulo'y pa 'rin silang magtuturo sa mga ispesyal na tao, ispesyal sa kani-kanilang paraan.

Bukas ang Academy para sa 'yo, kahit hindi ka ispesyal, dahil lahat ng tao ay may kapangyarihan, kaya nating mag-isip, gumalaw, at magsalita. Kahit sa tingin mo'y mababa ang tingin nila sa 'yo, patunayan mo na hindi yan totoo, marami akong natutunan sa Academy na ito, dahil itong lugar na ito, ang nag-paunlad ng buhay ko.

Akala nila'y isang buhay pantasya lang ang buhay ko, ngunit maraming pagsubok at marami akong pinagdaanan. Itinala ko ang buhay ko para sa mga taong nakapalibot sa 'kin. Binigyan ko sila ng pansin, pero nakalimutan ko na ang aking sarili. At sa dulo'y 'di ko sila maligtas. Sa totoo nga lamang, ipinahamak ko pa sila.

Hindi man ngayon, may haharapin kang malaking pagsubok sa buhay mo, hindi mo alam kung ano ang gagawin mo, sundin mo ang sinasabi ng puso mo, sundin mo ang iyong ninanais. 'Wag kang maniniwala sa sinasabi ng iba, dahil opinyon nila ay hindi mahalaga.

Bukas ang pinto ng Academy para sa 'yo.


Welcome to Mystic Academy: The School for The Gifted


... dahil lahat tayo'y biniyayaan.


***
@Argamentum

Mystic Academy: The School For The GiftedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon