SA 1

10K 142 6
                                    

Chapter 1: Jollibee Date

There’s this unexplainable feeling when you just can’t shout in the world how you really feel. The world is cruel. No one will understand you but yourself. I was asking myself, tama ba ito? Ito ba talaga ako? Is this even reality?

“Kath. Kumain ka na naman ohh, please? Nangangayayat ka na.” pangngungulit sa akin ni Miles, isa sa mga kaibigan ko. May hawak silang supot ng favorite kong tapsilog. It’s already 1pm pero hindi pa din ako kumakain ng almusal.

Nagkatinginan lang kami ni Julia at tumingin sa kawalan. Wala akong ganang kumain. Ilang days na akong hindi nakakakain ng maayos.

“Kath, marami pa naman lalaki diyan eh tsaka ang bata-bata mo pa para mainlove.” sabi naman ni Quen, ang natatangi kong lalaking kaibigan. Binigyan niya ako ng panyo pero di ko nalang pinansin.

“Oo nga, Kath.” sabi ni Aria, I don’t call her as my friend. Part lang siya ng circle of friends namin. And I’m disgusted by her stinking attitude.

  

“Alam mo, huwag mo gagayahin yang bestfriend mo. Hindi katulad ng isa diyan. Books before boys muna daw kasi.” sarkastikong sabi ni Quen kay Julia habang nakatingin sa akin. He was taking it more like as a joke, hindi kami natawa. Si Aria lang, actually. Well more like a chuckle. Sa pagkasabi niya ‘nun ay tinignan ko si Quen ng masama at tumayo.

“Quen, kung wala ka pang ibang sasabihin tungkol sa akin, aalis na ako.” sinipa ko yung nakaharang na monoblock chair at naglakad na papaalis sa kanila.

I sighed. Bakit? porket maraming crush, marami na agad na lalaki? I mean seriously, wala nga akong crush eh. Ni isa. Palibhasa kasi hindi ko siya gusto. Palibhasa ay hindi siya napapabilang sa mga taong gusto ko so that’s why he’s acting like that. May gusto kasi sa akin si Quen, dati pa since grade school. Nakakainis nga eh. Pinipilit nila ako sa taong hindi ko naman gusto. Ayaw nila sa mga crush ko dahil nandito naman si Quen. Like seriously? Sino ba ang naghahandle ng buhay ko?

Mabuti pa sina Julia at Miles. More likely, they are my best-est friends. Si Aria naman kasi, ayun isa pa yun na nakakabwiset. Kaya bagay sila ni Quen eh. Parehong choosy, maarte at laging angal sa mga gusto ko at sa gusto ng ibang tao.

  

Hay buhay, parang life. Well, nandito ako ngayon sa park. Nagpapakaisa at naglalabas ng bigat sa pakiramdam. I don’t even care about anything and anyone. I just wanna be alone.

“Kath.” napatingala ako sa nagsalita. Gusto kong sumigaw when I saw Daniel’s face shining in front of me. This guy, I love him. What a nice introduction, right? Well I’m serious. Minahal ko siya pero huli nalang, nilalandi pala ako. And he’s the reason kung bakit ako ganito.

 

“D-Dj?” Dj means Daniel John. That’s what everybody calls him.

 

“Yeah. Ako nga.” tumabi siya sa akin sabay tumingin sa akin at kumunot ang noo.

KathNiel:  She AssumedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon