Walang "FOREVER"

2.9K 12 6
                                    

Paano mo masasabi na totoo ang FOREVER? Kung yung taong mismong nagsabi sayo na wag mo syang iiwan, e sya naman talaga ang tunay na mang-iiwan sayo. Nasasabi mo lang na magiging FOREVER kayo kase masaya pa kayo ngayon, sa una lang naman maganda ang relationship e. Sa totoo lang walang nagtatagal o kung magtagal man, maghihiwalay din sa huli. 

FOREVER- Ano ba talaga ang ibig sabihin nyan? Panghabang buhay,magtatagal kayo, o di nyo magagawang iwan ang isa't-isa? Hindi naman talaga totoo ang forever. Walang katotohanan yan, kung totoo man yan siguro sa mga palabas nalang sa tv natin makikita yan o di kaya noong unang panahon pa uso yan. Sa panahon ngayon kung mahina ka, talo ka. Kaya kung iwan ka man ng taong akala mo di ka kayang iwan dapat maging handa ka. Lalo na sa panahon ngayon, maraming nang iiwan ng walang dahilan, yung iba pa nga gumagawa ng dahilan para iwan natin sila ng hindi tayo nasasaktan. Yung mga paraan nilang akala nila di tayo masasaktan, pero sa totoo lang ayun ang sobrang sakit. Dahil di nila pinapaalam kung ano talaga ang gusto nilang mangyari. 

Bitter na kung bitter pero ito ang tunay na realidad ng buhay. Wala tayo sa fairy tale para magkaroon ng prince charming o prinsesa. Di totoo ang forever, kaya kung magmamahal kayo wag nyong isipin na kayo na talaga sa huli. Di nyo maiiwasan na isipin ang mga bagay na yun lalo na kung masaya kayo. Dapat ihanda nyo ang inyong sarili sa kung ano ang pwedeng mangyari. Dahil hindi naman lahat ng oras masaya kayo. Walang "FOREVER" Kaya dapat kung anong meron kayo ngayon enjoyin nyo lang, dahil di nyo alam kung hanggang kailan ang pagiging sweet nyo sa isa't isa. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Walang "FOREVER"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon