Madam Bertud

65 2 1
                                    

"Magandang tanghali mga kapamilya!! Nandito nanaman tayo sa isang edisyon ng Advice Ganda at ako po si Madam Bertud na nagsasabing walang genius genius,walang logic logic pagdating sa pag-ibig. Tulak ng bibig,kabig ng dibdib. Ang mahalaga'y may puhunan!!" panimulang bati ni Vice ng magsimula na ang segment na advice ganda sa showtime. Araw-araw ko to inaabangan kasi sobrang natatawa talaga ako. Bukod pa dyan may mga aral din namang mapupulot sa mga advice na binibigay ni Vice. Bakit kaya ganon no? Kahit anong advice ang ibigay natin sa ibang tao eh hindi naman natin to ma-apply sa sarili natin hy kung may madam bertud lang sana ako sa buhay ko. Nagpatuloy na ako sa panonood habang kumakain. Mabuti holiday ngayon at walang pasok kaya nandito kami sa bahay ng kaibigan ko. Nakikitambay hahahaha

(Play Song)
Madam Bertud
Madam Bertud
Ako naman po please ay iyong payuhan
Sa pag-ibig o kasaysayan
At ng ang buhay ko naman ay gumaan
Madam Bertud
Madam Bertud
Ako naman po ay iyong pakinggan
Si madam bertud
Si madam bertud
Siya ay may taglay na kagandahan
Madam bertud!!...
(end of song)

Sumabay kami ng mga kaibigan ko sa pagkanta ng theme song ng madam bertud. Nakaka-LSS kasi eh hahahaha napansin ko naman na ang tatahimik nila habang nanonood ng tv kaya nanahimik nalang din ako.

"Magandang tanghali po sainyong lahat. Huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa dahil overtime na kaya Kuya Kim ipakilala mo na sa amin ang makakausap natin ngayong tanghali" Natatawang sabi ni Vice habang hinihingal dahil na rin siguro sa pagsayaw-sayaw niya kanina hahaha ano nga bang tawag sa sayaw na yun? Yung parang pangkabayo hahahaha ay basta.

"Nandito siya ngayon Vice sa loob ng studio. Eto na siya" Kasabay ng pagsabi ni Kuya Kim eh ang pagtayo ng isang lalaki.


Waaaaaaait totoo ba to? Wala ni isa sa aming magkakaibigan ang makapagsalita. Lahat kami nakatulala sa tv. Nangyayari ba talaga to? Bumaba na yung lalaki sa stage dala-dala ang kanyang mic. Kahit sa tv ang gwapo niya talaga!! Shemay Parang pati si Vice nabighani ng kagwapuhan niya. Titig na titig sa kanya eh.

"Magandang tanghali sayo. Anong iyong pangalan?" Tanong sa kanya ni Vice habang nagbeautiful eyes. Ano ba yan Vice!! Akin yan eh! Huwag mo namang agawin please

"Uhm.. hello po. My name is Shan Zerrie Solmerano but you can call me Shan for short" Pormal na pagpapakilala niya kay Vice. Hala talaga!! Ang gwapo promise! Walang keme! Peksman! Juskooo talaga!!

"Ohh.. Ano bang pinagkakaabalahan ni Shan sa buhay?" Tanong ni Vice sakanya. Hay nako Vice ako nalang tanungin mo!! Lahat alam ko tungkol dyan! Kahit schedule ng kulay ng brief niyan alam ko.

"Isa po akong teacher sa University sa probinsya namin" In fact,dyan din ako nag-aaral!! Waaaaah kinikilig ako! Bugbog sarado nanaman sakin tong mga kaibigan ko hahahaha sorry. Di ko mapigilan eh.

"Enebe.. weg mo na ako i-po. Babe neleng ehe" Hala! Nagpabebe na si Vice!! Nako naman! Hindi sumagot si Shan at nag-smile lang sa sinabi ni Vice sakanya. Bwahahahaha nasa akin ang huling halakhak :D

"Ah okay. Mukhang serious type si shan eh no hahaha Ano bang problema ni Shan?" Buti nga sayo :p bleh hahahahaha

"Eh kasi po meron pong isang estudyante na sobrang obssess sakin to the point na pati schedule ng kulay ng brief ko eh alam niya" Napatigil ako sa sinabi niya. Teka? Ako ba yung tinutukoy niya?

"Hahahaha grabe naman yan. Oh sige ipagpatuloy mo" Comment naman ni Vice sa sinabi ni shan.

"Simula pa lang po second year high school siya hanggang ngayong second year college na siya eh palagi pa rin siyang nakabuntot sakin. Nakakairita kasi yung feeling na lahat ng galaw mo alam niya. Yung parang palaging may nakasunod na mata sayo. Tapos sa lahat pa na social media alam niya ang account ko. Akala niya pa magkakagusto ako sa kanya. Asa naman siya" Parang feeling ko anytime babagsak na yung luha ko. Tinatap na nga ng mga kaibigan ko yung likod ko kasi alam na alam naman namin na ako yung tinutukoy ni sir shan.

Madam bertud (One Shot)Where stories live. Discover now