Chapter 13

6.1K 140 0
                                    

AKIRI'S POV.

Dylan? Maganda naman ako, sexy, mayaman, matalino. Ano pa'ng hahanapin mo?

Ba't di mo man lang ako nagustuhan?

Yan nalang ang mga nasasabi ko sa isip ko.

Andito ako sa Bar. Umiinom ano pa ba? Tss.

Haaaay, gusto ko'ng sumayaw. Naiisipan ko lang kaya naman....



Pumunta ako sa Dance floor at nagsayaw.



DYLAN'S POV.

Andito ako sa isang Bar, sinundan ko si Akiri.. Nag-aalala ako sakanya. Ako ang dahilan kung ba't siya naglalasing,



Pinagmamasdan ko lang siya sa malayo, WHAT THE?? HARD DRINKS pa talaga ang naisipan niyang inumin? ENGOT! -_______-"



Nagulat ako nung pumunta siya sa Dance floor at sumayaw.

Sexy dance ang ginagawa niya. Shit. Grabeee. Na-naaakit ako sa babaeng 'to.

Alam niyo naman, lalaki ako.



Sumasayaw siya ng biglang my lumapit sakanyang lalaking mukhang bakulaw.

At hinawakan siya sa 'waist.



Shocks. Na-chachansingan na siya eh. Tumayo nako at lumapit sa Lalaki.

*BOOOOGSH*

"Don't you ever touch my girl again!"-Sabi ko at hinila si Akiri sa labas.

Sinakay ko siya sa Motor ko at drinive siya sa isang Park.

~

Nagsuka lang siya habang ako naka sandal sa Motor.

~

AKIRI'S POV.

Kakatapos ko lang mag suka. Eww. Ako yung tipo na kahit lasing alam ko ginagawa ko..

Tinignan ko lang si Dylan.. Nagulat nalang ako ng bigla siya'ng sumigaw..

"ANO BA NANGYAYARE SAYO HA?!?!"

"......."

"WALA KA NA BANG MATINONG GAGAWIN?!"

"......."

"ANG ENGOT ENGOT MO! DKO NA ALAM KUNG MATALINO KA BA TALAGA ANO BA NANG---"

Di ko na siya pinatapos at nag salita nako...



"ANONG PROBLEMA KO?! IKAW!! IKAW ANG PROBLEMA KO! PANO KASE ANG GALING MO MAGPA HULOG! LETCHE! KASALANAN KO BA?! KASALANAN KO BANG NAHULOG AKO SA KATULAD MO?! KUNG ALAM KO LANG NA GANITO ANG MANGYAYARE EDI SANA DI NALANG AKO PUMAYAG SA PUNYETANG DEAL NA 'YAN! OH ANO?! ALAM MO NA PROBLEMA KO?! MAHAL KITA MAHAL KITA MAHAL KITA!!!!!!"-Sabi ko at..
Tinawagan ko na ang Driver ko...

Di na nakapag salita si Dylan..

Alam niya na ang nararamdaman ko...

Iniwan ko siya du'ng nakatunganga!


----------

AN: Love nga naman.

Ms. Snob meets the Casanova (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon