Chapter 23* We are All Shocked

111 2 1
                                    

Andito lang kami ngayon habang hinihintay si Bret. Bat kaya antagal ng lalaking yun?

Ms. Cole?? Asan na ba ang sundo mo? Gumagabi na! ~sabi nya

Hmm.  Di nagtetext eh! Siguro natraffic lang yun o di kaya may binili sandali. ~yan nalang ang nirason ko. Di ko talaga alam kong asan ang Bret na yun. Makakatikim talaga yun sakin.

Ms. Cole, Nabobored ka na?? ~tanong nya naman sakin habang nagsiswing parin..

Hmm. Slight! ~sabi ko

Hali ka nga dito. Psst.. Dito ka nga sa tabi ko! ~sabi nya naman. Anu na naman ba ang pakulo ng lalaking tu? Tumabi lang din ako sa kanya. Buti nalang mataas ang upuan ng swing at nagkasya pa kami. Magkatabi kami ngayon sa iisang swing

Ms. Cole, May knock knock ako. ~sabi nya habang nakatingin sa langit

Tss’ Ang baduy mo talaga kahit kelan. Okay! Pagbibigyan kita.

Bibigay din naman pala eh! Okay Knock knock??? ~sabi nya na parang natatawa

Whose there?? ~ako

Mahal mo! ~sabi nya.. mahal nya? (sigh) ewan

Okay. Mahal mo who?? ~sagot ko naman

Bigla nalang syang kumanta. Natatawa nga ako eh! Sintunado nga tung isang tu pero ang cute. Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakanta

 Di kita iiwan, Di pababayaan!! Sa akin ay hindi ka iiyak na kahit minsan. ~yan yung kanta na narinig ko mula sa kanya.. Ang walley naman! Asan ang MAHAL MO na sinasabi nya??

Huh?? Teka lang.. Di mo naman nabanggit ang MAHAL MO eh! Asan na yung MAHAL MO?? ~nalilito kong tanong sa kanya

KATABI KO! ~sabi nya naman habang seryosong nakatingin sakin

Ikaw talaga.. Palagi nalang talaga ako nagkaka allergy sayo! ~sabi ko naman sa kanya habang natatawa

Huh?? Allergy?? Bakit naman?? ~parang walang ka clue2x nyang tanong

Nagkakaalergy ako sa mga pick up lines mo! ~sabi ko naman.. sa totoo lang, parang kumakawala na nga itong puso ko sa sobrang kilig eh! Anu ba tu! Maghinustili ka Jewel, maghinustili ka!~nasabi ko sa isipan ko.

Ahahaha! Gusto ko ngang nagkakaalergy ka eh! Ancute mo kaya pag namumula! ~sabi nya ng nakangiti

Ewan! ~sabi ko sa kanya pero infareness, di nga ako nabored. Hehehe

Nang di kalayuan, parang may nakikita na akong tao na papalapit samin. Parang si Bret pero parang hindi.. Asan na ang blonde nyang buhok?? Di nakikita pag nasa dilim?? Impossible………………. Pero papalapit sya ng papalapit samin

Yan na ba ang sundo mo?? ~tanong ni Ivan sakin

Hmm. Ewan! Parang ganun na nga. ~sabi ko naman at tumayo na. Kumaway kaway din naman sya malapit samin. Tiningnan ko naman ang paligid ko, wala namang tao. Parang kami naman yung kinakawayan nya eh!

COLE ! ~sigaw nya at ngumiti naman sya.

Nang makalapit na sya samin.. Silang dalawa ni Ivan ay nabigla.

Bret? - - Ivan?? ~sabay sabi nila habang turo2x ang isat-isa

Teka lang?? Magkakilala kayo?? ~parang litong lito na ako sa mga pangyayari

FALL FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon