Chapter 6: The Visit

13 1 1
                                    

A/N: I'm so sorry for the late delay. May summer lessons kame next week. So sad, right?! DD: /pouts

Enjoy... 

~O~O~O~OO~O~O~O~O~O~O~O~ 

 Kyle's POV

Pagkatapos ng swimming, nalaman ko sa mga kaibigan ko na interested sila kay Christine. Gusto daw nila makipagkaibigan sa babaita. Sabik na sabik na nga silang maka-meet ule siya. Lalo na kung nag-request ako na pumunta sa bahay niya without her notice, kaya alam niyo naman ang mga babae, walang tigil. 

Sama noh? Sorry naman, eh kasi makukulit yung mga girl friends ko. "Girl" "friends" ah. Mga babaeng kaibigan ko. Ohhh. :P 

Eh ngayon ay Saturday, kaya wala rin akong takas sa mga pangungulit nila sa texts or calls. Umagang-umaga pinapapunta ako sa park ng 12:00 P.M. Since alam ko naman daw yung bahay niya, magbigay daw ako ng directions. Within 15 minutes, nakarating na ako. 

Ang gagara pa ng mga suot. Nakapantalon, naka-dress at make-up pa. Ano to, disco? Bahay lang ang pupuntahan eh... Na-excite ata sila masyado. Nakakahiya naman sa suot kong naka-tokong lang at T-shirt. 

Tinignan ko yung relo, 12:30 PM. 

"Tapos na ba kayo kumain ng lunch?" Napasilip ako sa kanila, nagli-lipstick pa rin.

"Yep."

Hinablot ko. "Ano ba Kylee! Dalian mo na at kelangan ko nang mag--"

"Shunga ka ba? Bahay lang yun, pre! Walang disco dun!" Nahablot niya yung lipstick pabalik. 

"Eh eto ang unang paghahanda sa aming friendship agreement kay Tine!" 

"Oo nga noh... Eh wait! Ba't tinatawag mo siyang Tiine ah?" 

"Masama?" She narrowed her eyes and grinned, "Oho... ano 'to? Jealouzzz?" Jealous?! Wew. 

"Ako?" Tinuro ko sarili ko, "Weh." 

"Oh oh! Ano iyan haaaa. Sali naman," Tinulak ko siya (hindi malakas). 

"Huwag ka naaaa. WAIT! Ano ba, pupunta ba kayo sa disco o ano!? Pwede bang palitan niyo yang mga... 'yan?" Tinuro ko yung mga 'dazzling' outfits nila. Masyadong makinang. At makulay. "At ano ba iyang mga hikaw niyo? Nakakahiya naman kay Christine na nakapangbahay lang ata noh." 

Napatitig sila sa akin, "Bakit... alam mong naka pambahay lang siya?" 

"Huh...? Ah. OI WALANG MASLISYA 'TO MGA SOSYALERANG BABAITA."

Habang nagde-debate pa sila, tinry kong tawagan si Tine. 

*Click* 

"Hello?" 

Magsasalita nalang ako nang... "Mayabang na unggoy ka naman!" 

"Hello--- Oi, tumahimik  ka ngang... bakla ka." Bigla nalang sumagi sa isip ko eh... /shrugs. 

"A-Ano----" Piningit ko. 

"Hello, Tine? Sorry ha. Andaming bakla dito hahahaha! Anyway, ARAY SHET. Ah sorry. Uhm..... ANO BA IYAN NALIMUTAN KO NA TULOY YUNG SASABIHIN KO. UHM..." 

"Uhm...?" Napatawa siya. 

"Papapuntahin ko sana yung mga bakla ay este mga babae kong mga kaibigan."

"Ah..? A-Ano meron? May nagawa ba akong mali--" 

"Ah wala wala. Hahaha. Gusto ko daw nila ma-meet at maging kaibigan or maging ka-batch nila sa pagiging bak---! ARAYY. Maging ka-batch sa....pagiging.... uh... ARGH basta!! Hahaha. Basta, pwede ba?" 

Boring and The HappyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon