chapter 26

12.6K 98 18
                                    

_boys next door_

‘wala bang news ngayon sa tv?’ –mayer (nakaupo sa sofa)

‘wala…naka off ang tv subukan mong i-on para malaman mo’ – Arvin (habang nakaharap sa kanyang laptop)

‘ Mayer, Arvin may pagkain ba?’ –elias (kakababa lang galing sa taas)

‘subukan mong pumunta sa kusina ‘ – Arvin

Nagkatinginan na lang si elias at si mayer dahil sa mood ni Arvin

‘nasan yung remote?’ –mayer

‘malay ko di ko naman yun dinadala eh’ –arvin

‘ang sungit mo ngayon ah may dalaw ka ba?’ –mayer

‘WALA!!! Trip ko lang.. bakit?’ –arvin

‘gutom na ako’ – elias (nakaupo sa sofa katabi ni mayer)

‘ako rin’ –mayer

‘akala niyo kayo lang’ –arvin

(sabay silang tumayo at nagtungo sa kusina. Si Arvin ay kinuha ang rice cooker at si mayer naman binuksan ang ref at elias naman binuksan lahat ng cabinet pero wala laman)

‘arvin pano tayo magsasaing eh walang bigas’ –mayer

‘eh di hangin ang isaing mo…’ –arvin

‘ulol.. nagwewelga na ang mga bulate sa tyan ko’ –mayer

‘mas lalo na ako nagwoworldwar sila’ –arvin

‘mga timang… magisip na nga lang kayo kung pano tayo makakakain’ –elias

‘eh kung tumulong ka kaya’ –mayer

‘oo nga.. kami ang nagsasaing ikaw ang kumakain… mahihirapan si jade na buhayin ka pagdating ng panahon’ –arvin

‘speaking of jade,, bat di natin sila imbitahan ni liza dito .. ang mga syota niyo ang magluluto’ *sabay batok kay mayer* “array….bakit eh halos maisuka na natin ang mga bituka natin sa luto ni Arvin”

‘gago… atleast ako nageeffort’-arvin

‘oo nga nageeffort na patayin kami’ –mayer

‘tama na nga yan.. di tayo makakapaghapunan niyan eh’ –elias

‘maggrocery tayo’ –mayer

‘anong gagawin natin dun?’ –arvin

The boys next doorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon