Chapter 8 and Chapter 9

447 8 3
                                    

Chapter 8

Ilang araw na rin ang nakalipas nang nagkita kami ni Joshua. Busy daw kasi siya eh. Pero siyempre hindi pa rin niya ako nakakalimutang tawagan at itext.

Ilang araw na rin ang nakalipas nang nairita ako sa pagtitig sakin ni Shin. Taeng Shin yan, binigyan niya ako ng sleepless nights dahil sakanyang nangangain na stare. Grr.

Pero may nagbago eh. Simula nang makita ako ni Shin na kasama si Joshiie ko, parang bumait ata?

Duh hindi naman ako manhid para hindi mahalata ang pagbabago ng animal na yun. Haha.

Tulad ngayon..

“Yang, pwede makisabay sa lunch? J” Gumamit siya ng salitang ‘pwede’ at nagtatanong na siya ah. Hindi yung basta-basta nalang siya uupo sa tabi ko.

“Sure!” 

“Ano ba yan Shaaa.Bakit ka pumayag?” Bulong ko kay Sha. Katabi ko kasi siya and as usual nasa canteen nanaman kami. Kung ano ang kinakain namin? Wag niyo ng tanungin kasi hindi ko din alam.

“Ano ka ba! Ayus lang yan.” Bumalik naman ang tingin niya kay Shin. Tss. Sumbong kita kay kuya eh! =_=++

Natapos ang araw na mabait sakin si Shin. Tae ka Shin,nakakairita ang kabaitan mo.

Habang naglalakad ako sa may hallway, parang nakita ko si Joshua na may kasamang babae.

Pero naisip ko na busy siya kaya imposibleng siya yun. Hindi niya nga ako mapuntahan tapos may kasama pa siyang iba. Dun haler! Ako kaya girlfriend niya kaya hindi siya yun. Namalik mata lang siguro ako.

Yeah,namalikmata lang ako.Duh. Loyal yun sakin eh! :p

Papunta ako sa cr kasi naiihi na ako eh. Ang dami kong ininom na tubig. Water loving kasi ako eh. Parang Hydrophilic head lang. Lol.

“Uy Girl,anyare sainyo ni Papa Logan?” Nasa loob pa ako ng cubicle tapos narinig ko na may magchichismisan. Wahaha. Dito lang muna ako. Chismosa din ako eh. Pero wait, si Logan? Logan Shin?

“Eeeh.Friend, kakasagot ko pa lang sakanya kahapong 4:30 pm tapos after 10 minutes break na daw kami. Grabe ang heart break na natamo ko. Grabe as in nawasak ang heart ko.” Grabe alam talaga ang exact time kung kelan nagging sila. Si Logan Shin yun malamang. Psh.

“Pero honeybaby, may nasagap akong chismis na hindi na daw nahuhuling nakikipaglandian si Papa Logan Shiniiiie.” Di ba? Sabi na si Shin ang pinaguusapan nila. Pero oo nga naman, hindi ko na din siya nakikita dun sa may iskinita. Baka naghohotel na. Ew.

“Eeeeeeh. Grabe nakakaiyak naman. Pangarap ko pa naman sanang ibigay sakanya ang V card ko.” Ew girl. Kadiri ka. Yan kaagad ang iniisip niya. Mabuti pa kami ni Joshiie ko. :>

“Teka,may lipstick k aba diyan? Naiwan ko sakin eh.”

“Eto oh.”

“Salamat. Tara na. Hanap nalang tayo ng bagong Fafa diyan.” At ayun umalis na sila.

Pero weh? Si Logan Shin? Hindi na nambababae? Himala!

Oh well! Pakialam ko naman dun! :p

Chapter 9

“Shaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!Watcha doin?” Amboreng -.- Wala si prof kaya ako nakatingala sa kisame.Joke.

“Nagbabasa.Psh” Aba. Bad mood si ateng? Anyare?

“Oh?Bat ganyan ka sumagot?”

“Wala lang. Gutom na kasi ako eh. Tara,canteen tayo?”

“Sure!HAHA”  Yan ang gusto ko kay Sha eh.

Ang Dakilang BitterWhere stories live. Discover now