CHAPTER 3: Ang Cute mo Ms. Tour Guide :)

30 1 0
                                    

Naiilang ako sobra!!!! Alam nyo yung feeling na may kasama kang napaka-gwapong nilalang habang naglalakad kayo dito sa campus tapos pinag-chi-chismisan ka ng libo-libong babae dito. Alam nyo ba yung feeling na yun?!?! Parang natatae na ako eh -_-' Kakatense! Kakainis! Kakailang! Sige lahat na lang ng emotion sumapi na sa akin. Sht talaga eh. >,< Kapag minamalas ka nga naman. Tapos itong si DJ naman akala mo may sakit eh panay kindat ng kindat sa halos lahat ng babaeng nakatingin sa kanya. Alam nyo ba, punong-puno na ng mga babaeng nakalatag sa daan ang nahimatay dahil sa kanya eh. Di to' Joke ha or hyperbole. Ganun talaga sya ka-gwapo. Akalain nyo yun! Wow! Meh ano ba sa lalaking to?!?!?! Kakatakot naman. May lason ata yung mga kindat nya, kasi lahat ng babae dito patay na patay na sa kanya. Jusmeyo! -_-' Panay ang salita ko dito, kasi nga diba tinu- tour ko siya tapos heto lang xa... Pa'cute ng pa cute sa mga malalanding babae! Sht to ah! Super duper pa naman ang effort ko dito tapos xa parang wala lang?!??!

"Hey Mr. Padilla, nakikinig ka ba?!?!?!?! Sabihin mo lang kung ayaw mo ng i-tour kita dito ha kasi honestly, you're freaking wasting my time! Itigil na natin to at makipagharutan ka na lang dyan sa mga mukhang palaka na mga babae na yan!" reklamo ko. Nakakahighblood eh. Todo effort na aketch dito, eh natuyo na ata ang lalamunan ko kakasalita at kaka-explain sa knya tapos siya parang superstar lang na rumarampa dito sa campus?!?!?!?! Aba pa-wave-wave pa at pa smile-smile ang loko!! Sarap talaga hampasin ng tubo eh.

"Chillax Ms. Nga-nga este........ ahh... ano nga ulit pangalan mo?" tanong nya sa akin.

"Kath. Kathryn." sagot ko sabay simangot sa kanya.

"Ganda sana ng pangalan mo eh ang sungit mo naman. Dapat nga nakasmile ka nga kasi kasama mo ako eh. Alam mo bang inggit na inggit yang mga babaeng yan sayo kasi sa kina-dami-dami ng pwedeng maging tour guide ko, ikaw pa napili nila." Sabi nya sabay *SMILE* eeeeeeeeekkkkk! Ngumiti siya sa akin. Naks naman. KTB! Kilig to the bones ba kamo? Hindi no! KILABOT TO THE BONES yun!!!

"Alam mo Mr. Padila kung ano ang pinakabawal dito sa school? BAWAL DITO ANG SOBRANG YABANG! Makakalbo ata ako sayo eh sa sobrang hangin mo!"

Nag-shrug lang siya na parang balewala lang yung sinabi ko. "Sabi mo eh. Pero nature ko na talaga to eh. Ikaw na lang mag- adapt sa akin." Sabi nya. Kakabaliw!!!!! Kaloka siya! SUKDULAN NG YABANG!

Patuloy lang kami sa paglilibot. Ipinakita ko sa kanya yung mga facilities dito sa campus. Ipinakilala ko rin siya sa Faculty and staffs. Anak ng bayawak oh! Believe it or not, pati yung mga teachers ay biglang nagkaroon ng mga whoremones! Ayun! Linande na rin siya =.= Ano na bang nangyayari sa mundo?!?! Hoy readers sagutin nyo ako! Ganun ba talaga ka-gwapo si DANIEL PADILLA?!?!

After 27323627463763 years, sa wakas! Natapos na rin ang pagto-tour ko sa kanya. Hay salamat makaka-alis na rin ako dito sa tabi ni Mr. Mahangin. Messy na yung hair ko oh. Sobrang hangin kasi talaga. Di keri ng powers ko.

"So, ito na yung back gate. Purpose neto? Ito yung daanan kung gusto mong mag-cutting pero ingat-ingat lang sa mga asong ulol sa labas *SIGH* sa wakas tapos na ako sa tour ko. Sige alis na ako" Paalis na ako ng bigla nya akong tinawag.

"Wait nga lang miss NGA-NGA este.... ahhh.... ummmm.. ano nga ulit pangalan mo?" tanong nya sa akin sabay kamot sa batok nya.

Aba! Sira Ulo ba siya? Kinalimutan agad ang pangalan ko?! Walangjo! "KATH." sagot ko sabay *Rolling eyes* DUH!

"Ummm, tara! Meryenda tayo. My treat since tinour mo ako dito sa campus kahit naka-simangot ka." yaya nya sa akin na nakangiti. 

Para naman din mabayaran nya yung effort ko eh nagpalibre na lang rin ako. Basta libre wala akong inaatrasan, wala na ako paki-alam kung kanino galing. Galing man dito sa napakayabang na si DJ. libre eh, matatanggihan ko pa ba? Binilhan nya ako ng ice cream. Hoy madlang people, take note! Nahimatay yung babae na nagtitinda ng ice cream dahil kay DJ. hala! Sige lahat na lang. Lahat na lang nahihimatay sa sobrang gwapo nya -_-'*YUUUUMMMM!* Ang Sharrap! Ang sharrap, sharrap ng ice cream! Nagulat ako ng biglang tumawa ang lokong si DJ. Tiningnan ko lang siya ng masama. Ano na naman kaya ang problema neto?! Sa sobrang pogi nya nabaliw na ata eh!

"Ang sungit-sungit mo pero hang kumakain ka ng ice cream eh talo mo pa ang bata. hahahaha. Ang CUTE MO MS. TOUR GUIDE." Sabi nya sabay flash ng killer smile.

___END OF CHAPTER_______________

KATHNIEL TRIBUTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon