continuation . . .

121K 768 62
                                    

Continuation:

ANGELIE's POV    

 

 

Wala naman talaga akong planong bilhin yung napkin pinadala ko lang para subukan siya.

Anyway, saan ko pa ba siya pwedeng ipahiya? I mean—saan ko pa ba siya pwedeng subukan?

Napaisip ako at naalala ko yung shop na minsan pinuntahan namin ni Regiene.

"Dalian mo!" sigaw ko kay Jonas

"What?" inis niyang sabi

That's a strike but I'll let that pass

Hinawakan ko na lang kamay niya tapos hinila

"Here bitbitin mo" binigay ko sa kanya yung isang pair ng bra at panty. Sinamaan niya muna ako ng tingin bago yun tinggap.

“Girl ang gwapo niya” rining kong sabi ng isang saleslady

"Pero ang sama ng girlfriend niya ah pwede naman sanang siya yung magdala"

"Di bale na ang gwapo niya parin and ang sweet pa ay hindi nagrereklamo”

"Pero parang ina-alipin na siya. Kung ako yung guy makikipag break na'ko sa babaeng yan"

Hindi ko na sila pinansin at nag focus na lang sa pamimili ng damit. Nung may nakita na naman akong ipapabitbit kay Jonas kinuha ko agad kaso pagtingin ko sa likod wala na siya .

"Nakita mo si Jonas??"

"Diba nakasunod yun sayo?"

"Oo nga pero nawala"

"Na inip na siguro kaya yun umalis" 

"Ewan ko sayo wala kang kwentang kausap"  umalis ako sa harap niya para hanapin si Jonas kaso hindi palang ako nagkakalahati sa paglibot ng buong lugar ay napagod na’ko kaya naisipan ko na lang umuwi.

Tumalikod ako para balikan kung saan ko iniwan si Rej ng madaan ako sa sa may cashier at nakita ko si Jonas na may kausap na babae. Tinignan ko sila at natawa pa'ko nung nakita ko siyang hawak hawak parin yung pinabitbit ko sa kanya. 

 

"Miss may hinahanap po kayo?“ nilapitan ako ng saleslady kaya napatingin din sina Jonas sa’kin.

  

"H—ha? Uhm wala." tatalikod na sana ako ng bigla magsalita si Jonas

“Gel”

“Ano kasi . . . uuwi na kami pero kung gusto mong magpaiwan okay lang” sa pangalawang beses na pagtalikod ko yung girl naman yung nagsalita.

"So is this your girlfriend ?" medyo sungit niyang tanong

"Kelan pa bumaba ang standard mo sa babae?" she continued “In the first place ano bang nagustuhan mo sa kanya ? "

Napabuntong hininga ako para pigilan yung galit ko kaso hindi ko na kaya at susugurin ko na sana siya ng bigla akong akbayan ni Jonas.
 

"Everything, I like everything about her and everyday I'm still trying to figure it out. When I figure out more reasons, I'll let you know"

 At hindi maipinta and mukha ng babae sa sobrang inis niya.

 

“I can’t accept this! She doesn’t deserve you!” Lumapit sa'kin yung girl at sasampalin niya sana ako ng hinawakan ni Jonas yung kamay niya.

"Lay a finger on her and I’ll beat you up until you will be forever erase in the world history . And this  . . ."  galing sa wrist, nilipat ni Jonas yung pagkakahawak niya sa collar ng shirt nung girl at itinaas siya ng konti  "—will be nothing compared to what I will do to you if you dare to touch whatever is mine. " 

"Loser"  maiyak-iyal na sabi nung girl bago sa tumakbo palayo.

Napatingin ako kay Jonas.

"What ?" he asked

"Wa—wala " I looked away 

Kuryent . Para akong na kuryente.

Gosh parang nag vibrate yung buo kung katawan! 

"You want to know something? " he then suddenly said.

I look up  "Anong something?"

He faced me, leaned closer and whispered  "You're blushing" 

Agad akong napahawak sa pisngi ko.

Ang init ng mukha ko nag b-blush nga ata ako!

IN LOVE SI GANGSTER KAY SUPLADA ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon