Chapter 3: Malapit na

34 0 0
                                    

Chapter Three: Malapit na

RIIIIIIIIIING! RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING! RIIIIIIIING!

Ginigising ako sa tawag ni Albert. Kinapkap ko phone ko sa gilid ng bed ko, half closed eyes ko. Bigat ng katawan ko, I feel really sick.

“nuuuuuuuuuuuuuuh”, I groaned as I answered the phone

“Haha, cute voice. Good morning! Gumising ka na! Malalate na tayo sa Art App!”, morning greeting ni Albert.

“Yeah. Okay… okay… sige.”

End call. Natulog ulit.

Ganyan ako. Magpapagising tapos matutulog lang ulit. Gigising one hour later, rushing to the bathroom, pero mabagal pa din kumilos then show up late sa first subject. Kahit 10am pa yang first subject na yan.

“6am na ako natulog eh!”, explain ko kay Albert habang nagyoyosi sa labas ng school.

“Bakit nanaman?!”

“Tinatapos ko pa yung sa Feasib namin, bukas pasahan nung Marketing Plan eh”, sabay hits sa Marlboro black na stick ng yosi

“Tanginang yan. Ikaw lang gumagawa?”

“Eh nasaken lahat ng file eh”

“Akala ko ba tinigil mo na? Bat nagyoyosi ka na ulit?”

“Nakakastress eh. Tsaka nagiging magastos nanaman! Paprint, sa event, sa luto, sa kung ano ano, bwiset”

“Ahhh.”

“Ititigil ko din ‘to. Bago mag 4th year. La na ako dahilan pa para magyosi”

“Tignan lang natin kung mapipigil mo yan”

…at wala na ako nasagot. Tapos na din kami magyosi kaya bumalik na kami sa school at pumasok na ako sa next class ko.

Albert, classmate ko sa Art App. BSHM din siya pero 2nd year. We became close kasi kami lang lagi pumapasok na irreg sa Art App, eh puro ABCOMM at MMA classmate naming dun. Since pareho kami ng department at pareho din na nagyoyosi, we became close. And he’s fun to be with! Lagi kami laughtrip. Comfortable pa ako kasama siya. I can joke about anything and say bad words. Kasundo ko siya sa maraming bagay.

. . . . . . . . .

Gaaaahd. Monday. Nagkaroon na din ako ng pasok sa Monday gawa sa Phil. Lit! Sched talaga namin on Friday ata or something, then resched ng 7:00am every Tuesday. Gosh! 7am?! Kahinaan ko ang ganon kaagang klase! Then changed the sched na every Monday na 1pm. Hay. It’s better than a 7am class! 9pm uwian ko every Tuesday eh. May balak ba ako patayin ng mga teacher ko?

Monday… 1pm class ko. Damn, malalate nanaman ako!

Need ko bumawi sa Phil Lit. Grabe lang. Twice lang ako nakapasok ng Prelim sa gulo ng sched at sa sunod sunod ng events: catering ng tatlong Christmas party tapos Feasibility, tapos mga Gawain din sa bahay. BUSY! So busy.

I entered room 107 kasi nakita ko mga itsura ng classmates ko sa loob ng room.

Umupo ako sa pinakalikod, sa walang tao, malayo sa kanilang lahat. Haha. Pinanindigan ko pagiging Anti-Social ko. Unlike sa classmates ko sa Art App na namamansin naman, classmates ko na mga IT sa Phil Lit, mag-ingay lang ata alam. They’re so noisy! Kahit may prof. Andaldal! Yeah, normal yun, yung nagdadaldalan students kahit may lecture. But damn, wala sila modo kasi mas malakas boses nila sa lecture ng prof namin! Pabalang pa sumagot! Ang sarap nila i-bully or tarayan. L

Pumasok na si Ms. Cayla, ending my thoughts about my noisy classmates.

She asked, “Okay class, who among you has not yet taken the preliminary exam?”’

I raised my hand.

“Maria, upo ka dito sa harap”

Close kami ni Ms. Cayla eh. Kilala ko na siya kahit di pa niya ko nagiging student. Tropa kasi sila ni Trina, yung chicks kong ka-council. Sila na pareho chicks.

Upo ako sa harap. Walang katabi. And I’m comfortable that way..

I answered the Preliminary Exam habang sila nag-iingay lang. Badtrip. Walang respeto. Nag-eexam ako eh. Sapakin ko isa isa mga 2nd year na ‘to eh.

Roughly 10-15mins later, I finished answering the exam and gave it to Ms. Cayla.

“Class may group reporting tayo di ba? Do you remember your groupmates?”, announced by Ms. Cayla.

“Ay patay groupings. Wala ako ka-group”, I thought.

“Maria, dun ka sa group ni Jonas”, sabi ni Ms. Cayla sakin.

“Aw. Okay”

Tumabi ako kay Jonas. Vacant yung seat sa tabi niya eh. Trip ko eh, ba’t ba.

Ms. Cayla then discussed yung gagawin na report. Literary works lang naman, then hahanapan ng video tapos irereport. Sisiw. And lucky me, mukhang matino si groupmates, I only have to download a video nung isang literary piece. Easy as apple pie ng Mcdo.

“Pasulat na lang ng number mo here sa planner ko”, I told Jonas.

Sinulat naman niya.

“Ate pasulat nung number mo din dito”, Sabi ko sa isang girl na kapartner ko daw sa report.

“Class! You all are required to watch ‘El Presidente’ and write a reaction paper about it”, announce ni Ms. Cayla.

“And you have to staple the movie ticket to your paper when you pass it to assure that you really did watch the movie”, she added.

“Ayyy takte gastos nanaman! Ayan tayo eh.”, I thought to myself

“Ano ba yan?”, I asked Jonas.

“Movie siya na showing ngayon”, he answered.

“Okay”, I answered back.

Class ended. Totoy wasn’t that bad pala noh. Ba’t kaya di na lang siya nagpa-adopt sa council, I heard gusto niya talaga makapasok sa council noon. I wondered. Anyway, I got other things pa ‘to think of.

ClueFullحيث تعيش القصص. اكتشف الآن