Christina POV

6.3K 66 10
                                    

Lahat ginawa ko para sa Pamilya ko, Ginawa ko ang lahat para mahalin ako ni Arthur pero hindi niya magawang mahalin ako.. 

Hindi ko na alam ang nangyayari sa aming dalawa, Nagsasama kami dahil ayaw naming masira ang pangalan namin. Ginagawa niya ang lahat para kay Myrna pero para sa akin, Wala pa siyang nagagawa.

Tinulungan niya si Myrna noong tinakwil siya ng magulang nito. Naging matalik kong kaibigan si Myrna dahil ang sabi niya, Tutulungan niya ako para mapalapit kaming lalo ni Arthur pero hindi pala ito totoo. Pumasok siya bilang Yaya ni Zeke, Pati ang Anak ko Ninakaw niya! Ang sakit marinig mismo sa Anak mo na Mas MAHAL niya si Myrna kaysa sa NAGLUWAL sa kaniya. 

Si Zeke ang kayamanan ko kaya ayokong makuha siya kahit sino mang tao na lolokohin at sasaktan niya.. Nakita kong naglalapit ang anak ni Myrna sa Anak ko at hindi ako makakapayag dito. 

Birthday ni Zeke noon at inutos ko kay Althea na gumawa ng Video na kunwari ay galit siya at hindi niya kaibigan ito. Naalala ko ang oras na iyon kung kailangan sinisimulan ko ng sirain ang Buhay nila. 

"Althea? Ano ang regalo mo kay Zeke?"

"Wala pa po!"

"Gusto mo bang supresahin si Zeke?"

"Opo! Opo!"

"Sige, Kunwari ayaw mo siyang maging kaibigan at sabihin mong ginagamit mo lang siya tapos ipapanood natin ito, Syempre! Pagkatapos kapag napanood na niya ito, Pupunta ka sa kaniya at dadalhan mo siya ng Cake. Gusto mo ba?"

"Opo!" 

"Zeke? Hindi kita gustong maging kaibigan! Ayoko sayo! Ginamit lang kita dahil sabi daw ni Mama marami ka daw laruan! Ayoko sayo!"

"Ganun po ba?"

"Ang galing mo naman Althea!"

Pinakita ko ito kay Zeke at sinabing sa kaniya na niloloko lang siya nito at ginagamit,Galit na Galit ang Anak ko pero tama lang ito bago pa mas lalong lumalim ang pagkakaibigan nila. Akala ko sa loob ng Pitong taon tahimik na kami pero nagkamali ako.

Nalaman kong balak maghiganti si Zeke kaya ang ginawa ko inipit ko si Althea sa mga UTANG at BARAYAN sa Hospital para hindi siya makatangi sa gusto kong gawin niya.

Kailangan ko itong gawin dahil alam kong hindi magiging matagumpay ang Plano ni Zeke, Kailangan kong gawin ito para protektahan siya, Para hindi na siya masaktan lalo. 

Nalaman kong dumating na sa Bansa si Alexander at hinahanap si Myrna.. Masyadong pabida na si Myrna kaya ginawa ko ang lahat para hindi sila magkita at sinira ko rin si Myrna kay Alexander pero ngayon? Tignan mo naman.. Napapalapit na silang dalawa, Mabuti din sa akin ito para malaman ni Arthur na ako lang ang NAGMAMAHAL sa kaniya. 

Gagawin ko ang lahat para mawala sa buhay namin si Myrna at ang ANAK niya. Hindi ako makakapayag sa pag-iibigan ni Zeke at Althea. 

NEXT CHAPTER :ZEKE POINT OF VIEW

Desire the Climax (Editing Process)Where stories live. Discover now