Rant #1 What is Wattpad for me? (04/21/13)

165 2 0
  • Dedicated to Wattpaders
                                    

Dedicated sa lahat ng wattpaders.

Wattpad... Ano nga ba ang wattpad para sa akin? 

Ang wattpad kasi ginawa yan para sa mga READERS na gustong magbasa.. Hindi para sa mga READERS na gustong manira.. Ang gara kasi ee.. Uso na ngayon ang mga bashers! Nakakalungkot lang kasi hindi na ito yung wattpad na dati kong nakilala.. Kasi puno na siya ng mga bashers, demanders, at kung anu-ano pa.. Ayan nga pala, isa pa yang mga reader na wagas kung makapagdemand. Alam kong ilang beses nang nasabi ng iba ito pero HELLER!!!! Hindi naman trabaho ang paguupdate araw-araw dito sa wattpad. Tapos hindi kagad naiisip ng mga author ang mga kasunod na Update! Pinag-iisipan din kasi ng mga author ang mga kasunod na update para sa story nila kaya please! Sana chill lang kayo.. Kaya gumawa ng story ang author ay para mashare sainyo ang imagination nila at para maimprove ang skills nila. Hindi yung lalaitin niyo na lang yung stories nila at siraan niyo yung personalidad nila! Hindi niyo nga sila kilala ng Personal at hindi din kayo close ng author na yun! Hindi niyo alam may problema sila tapos nakikisali pa kayo,, Pero atleast hindi nakikilevel ang ating mga minamahal na author sa mga bashers na yan... 

Ginawa din ang wattpad para sa mga WRITERS na may hilig magsulat.. May mga demands nga ang mga author/writer naten pero pagbigyan niyo na naman! Yan lang ang tanging reward nila para sa sarili nila..  Hindi niyo naman siguro binabayadan ang mga author dito sa wattpad diba? Katulad nga ng sinabi ko kanina, kaya sila nandito sa wattpad ay para mashare nila ang imagination nila at para maimprove ang skills nila.. Sa tingin niyo ba magkakaroon ng wattpad kung wala ang mga author naten ngayon? magiging maganda ba ang wattpad kung wala sila ngayon? Diba hindi. Kasi para sa akin hindi ee xD Baka nga wala ako sa wattpad ngayon kung di lang dahil sa ating mga authors ee.. Matagal na siguro akong umalis dito. HAHAHAHA! Alam niyo ba sa bawal comment at vote ng mga readers ay laking tuwa na naming mga writers yun. (Ewan ko kung lahat ng writers ganun.. Ako kasi ganun ee xD) Achievement na kasi yun ee... Tapos kapag dumami ang reads ng story. Grabe lang mga dre/pre! Ang saya saya! Kulang nalang ay magpaparty ako dahil dun xD Pero hindi ako yung author na sisiraan ang iba para lang tumaas ako! Tinutulungan ko pa nga ang ibang nanghihingi ng tulong para mabasa ang mga story nila ee.. 

And last but not the least ay ginawa ang wattpad para sa STORIES!!!! Pangit man o maganda ay pwedeng ipost dito! Sana naman hindi masyadong laitin yung mga hindi pa ganoon kagandang story kasi masakit kaya yun. =( Naiimprove naman kasi yun ee!. At sana naman hindi masyadong puriin ang mga magagandang story yung tipong mahal na mahal mo yung story or yung idol na idol mo yung writer. Kasi nakasulat yun sa bible.! Na masama ang mas pinapahalagahan mo pa yung iba kesa kay God? Bad yun.. Kaya wag ganun aa.. 

At pinapaalalahanan ko lang kayo unahin niyo si God bago ang ibang bagay, Si God ang writer/author ng buhay niyo noh! =) Kaya nga ang ganda ng buhay naten ee. Ang ganda ng twist! =) Kaya sana wag naten siyang kalimutan =)

Tapos yun na nga. Wattpad.. sana naman hindi niyo abusuhin ang mga writer naten..

Kelangan naten ang isa't-isa.. Hindi kompleto ang wattpad kung walang WRITER and READER.. =) Sana maintindihan niyo na dapat hindi tayo naninira ng ibang tao okay? 

Ako kasi mahal ko talaga ang wattpad.. Halos naging hobby ko na siya. Mas malaki pa ata ang time na binibigay ko sa wattpad kesa sa ibang bagay,, Pero balak ko yung baguhin kasi nga hindi tama. =) 

#SuperGirlThis.

Anong sabi ni SuperGirlThis?Where stories live. Discover now