chapter 15

65 20 2
                                    

ENZO POV:

"oh bat malungkot ka?" tanong sa akin ni ashral ng makaupo kami sa table namin. nandito kasi kami sa canteen para mag lunch

"oo nga, kanina ka pa malungkot" si uziel "may problema ba?" uziel ulit

"ang totoo ko kasing mga magulang hina,...." hindi ko natapos yong sasabihin ko kasi biglang nanlaki ang mata ni uziel. grabi naman tong makka react.

"oh my, ampon ka? kailan mo pa nalaman?" sunod sunod na tanong niya.magsasalita na ulit siya pero sinuway agad siya ni ashral.

"cupcake grabi ka naman! e shut up mo muna kaya yang bibig mo" si ashral natawa naman ako sa reaction ulit ni uziel.

"matagal ko ng alam, hindi kasi naglilihim sina inay tungkol sa akin. yon nga ang problema ko kasalukuyan akong hinahanap ng totoo kong magulang, asa naman silang mahahanap ako at saka yong pinapakita nilang picture 4 years old pa lang non ako kaya malabo kung makikilala pa nila ako."malungkot ko paring sabi.

"so anong plano mo kung sakaling mahanap ka nila, sasama ka ba sa kanila?"tanong sa akin ni ashral.

"hindi, masaya na ako sa tinuturing kong magulang at saka bakit pa ako sasama. pinabigay nga nila ako so ano naman ang dahilan nila bakit pa nila ako hinahanap matapos nila ako ipamigay kukunin na lang nila ako?" sagot ko

"sure ka? mga magulang mo pa rin sila" uziel

"oo, hindi naman sila ang bumuhay sa akin, di ko rin naman sila nakilala at wala rin akong balak na kilalanin sila at saka hindi ko iiwan sina inay . mahal na mahal ko sila at masaya na ako sa piling nila"

"kung yon ang plano mo, wag mong kakalimutang nandito kami mga kaibigan mo para sa iyo okey" nginitian ko na lang sila.

ASHRAL POV:

"naku naman kawawa pala si enzo noh" sabi sa aki ni uziel pagkatapos mag kwento ni enzo e kumain na kami kasi malapit na next class namin..

"oo, pero kita naman natin kung gaano siya kamahal ng pamilya niya. kung ako lang din ang nasa kalagayan niya hindi ko rin iiwan ang pamilya ko ngayon" sabi ko.

"ako rin naman noh. ikaw kaya ang ipamigay tapos kukunin ka lang ng basta basta" uziel.

"tara na nga baka ma late pa tayo, ang mabuti tulungan na lang natin siya." sabi ko tapos pumasok na kami.

******************fast forward***********************

"cupcake nagugutum ako" uziel

"ako rin tara bili na tayo"aya ko sa kanya.

"ah pwede magpa bili na lang ako sayo, kasi pupunta ba ako ng library para sa assignment ko, hihintayin na lang kita please! "sabi niya na naka pout pa.

"okey sige"tapos umalis na ako.

"excuse me"sabi ko kasi parang ayaw akong padaanin ng apat na to, gutom na kasi ako"

"ah oh! ikaw pala, girls look whose here"sabi niya tapos lumingon yong mga kasama niya.

"oh ang mang-aagaw!"sabay sabay pa sila. huh ako mang-aagaw? 

"so kumusta? masaya at masarap bang maging boyfriend ang prince ng campus?" si lance ba ang tinutukoy nila?duhh! like i care.

"hindi ko boyfriend yon kaya pwede padaanin niyo ko"umiling sila sabay sabing "NO!" .lalagpasan ko na lang sila ng biglang natapon yong juice sa damit ko.

"oh sorry dear!"sabi niya sabay punas ng damit ko. kainis sorry daw?eh sinadya niya yon eh.

"girl bakit ka nag sosorry eh kulang pa nga" sabi ng isa sa mga kasama niya.

"oo nga naman noh. ito pa!"sabay buhos ulit ng juice. ha ganon ah! akala nila sila lang yong marunung?

kinuha ko agad yong hawak ng juice ng kasama niya sabay buhus sa pagmumukha niya.

"how dare you!!?" galit niya sabi. nakarining na ako ng mga kanyaw sa paligid. buti nga, alam ko kasing siya ang katawatawa sa amin dahil nanghilamos ng juice. ikaw kayang buhusan ng juice sa mukha. will siya naman ang nauna sa amin.

aakmang sasampalin niya ako pero biglang may nagsalita sa likod ko.

"sige ituloy mo, dahil ako mismo ang magpapaalis sa inyo dito sa school" sabi ng pamilyar na boses. pagtingin ko si lance naglalakad papalapit sa amin.

"lance k-kasi..."nanginginig nilang sabi pero di sila pinatapos ni lance. hinila niya ako tapos lumingon sa tatlo.

"sa guidance na lang kayo magpaliwanag at kapag nakita ko pa dito ang pagmumukha niyo alam nyo na ang mangyayari"sabi niya bago tuluyan kami makaalis.

"san tayo pupunta?" tanong ko ng nasa kotse niya ako. grabi di ko man lang namalayan ang pagpasok ko rito.

"sa mall, bibili tayo ng pang palit mo jan sa damit mong natapunan ng juice"sagot niya.

5 minutes lang ang biyahe sa mall kaya nakarating na agad kami ng wala pang 3 minutes. will ang bilis kasi niya magpatakbo.

"dito ka lang, ako ng bibili baka pagtawanan ka nila sa loob"tumango na lang ako.

"lance kailan mo ba talaga ako titigilan ha?" tanong ko ng matapos na ako magbihis sa kotse niya. simula na kasing lumipat siya sa school namain para hindi na normal yong mga tao kapag pumapasok ako. iba kasi noon kaysa ngayon. noon tuwing sa klasi ko lang naririnig yong pangalan ko pero ngayon ako na ang bukambibig ng lahat.

"not unless hindi mo ako sasagutin"deretsong sagot niya.

"ano?"

"pumayag kang maging girlfriend ko" dagdag niya.

"ayoko nga, at bakit naman ako papayag ha?"

"dahil yon lang ang paraan para mapadali ang bayad mo ng utang mo. gusto mo yon diba" nod na lang ako.

"so pumayag kana, don't worry 3 months lang naman ang itatagal ng relasyon natin pagkatapos hiwalay na tayo after 3 months at may bunos kapa." sabi niya.

=_=

"after nating maghiwalay wala nang babayarang utang ang kompanya niyo kasi ako na ang magbabayad"

O_O

ano daw? 3 months kapag pumayag ako wala ng utang ang kompanya.. tika magkano ba ulit yong utang?at saka within this year dapat maka bayad na kami kundi mawawala ang kompanyang pinaghirapan ni papa... napaisip ako kung magkano ba yong utang ng kompanya namin....

80 milion. tama 80 milion dahil yong 50 milion itinakas ng business partner ni papa.

"so ano deal?" wala na papayag na ako baka mawala pa yon tapos para na rin tigilan na niya ako.

"sige pumapayag na ako, pero yong sabi mong ikaw magbabayad ng utang namin ha"

"don't worry, marunong ako tumupad sa usapan"sabi niyang nakangiti.

"pero tika, pano mo nalamang may utang ang kompanya namin?" tanong ko. 

"ako pa, madami akong connection kaya malalaman ko din lalo na pagdating sa mga business."sabi niya tapos pinaandar na niya ang kotse.

ows! business minded pala siya. akala ko puro kalokohan lang ang pwedeng kawin.

guys sorry kung hindi naka bold yong may ellipsis kasi naman cellphone ko ang gamit ko sa pagta type nito. anyway

comment

vote

thank you :)

love and pain*ON HOLD------*Where stories live. Discover now