Your Biggest Fan [1]

2.2K 37 7
                                    

Dedicated to sa tatlo kong ate : alyloony, oinkoink at mshopelessromantic XD syempre dedicated din to sa lahat ng fans ko! Salamat sa pagsuporta sakin at sa stories kong puro kalokohan! Haha! XD

READERS! Ito lang ang tatandaan nyo at wag na wag nyong kalilimutan! Ako ay humahanga sa inyo! :)

I

AM

===YOUR BIGGEST FAN===

"Mahal kita pero hindi ko magawang sabihin sayo dahil natotorpe ako. Ano nga naman laban ko sa mga manliligaw mo? Hanggang tingin nalang talaga ako mula sa malayo, umaasa na sana ay lingunin at mapansin mo."

******

Ako si John..

Torpe

Tanging salita na makakapagdescribe sa akin.

Rheina. The only girl I've been loving since first year. Fourth year na ako ngayon pero hindi ko pa rin nasasabi sa kanya ang nararamdaman ko. Syete. Oo na. Napakatorpe ko na.

Ano namang laban ko sa mga nanliligaw sa kanya? Sya kasi ang captain ng volleyball team sa school namin. Ako ay isa lang naman sa MGA tagahanga nya na tumitingin mula sa malayo.

Tanggap ko na naman sa sarili ko na walang wala akong laban sa mga manliligaw nya. Hindi naman ako ganun kagwapo. Hindi din ako matalino. Ako yung tipong hindi mo mapapansin.

Bakit ko nga ba sya nagustuhan?

Ang totoo, humahanga lang talaga ako sa kanya dahil napakagaling nya talagang maglaro. Kitang kita mo na determinadong determinado syang manalo. Ewan ko. Paghanga lang talaga ang nararamdaman ko nung una hanggang sa namalayan ko nalang na iba na ang nararamdaman ko para sa kanya. Four years na paghanga? Hindi na paghanga ang tawag don. Pagmamahal na.

Wala naman sigurong crush na aabot ng ganun katagal.

Naglalakad ako ngayon papuntang gym dahil may practice game sila ngayon. Dala dala ko na naman ang camera ko. Hilig ko ang pagkuha sa kanya ng litrato habang naglalaro. Pag ako ay malungkot, tinitingnan ko lang ang mga kuha nya at napapangiti na ako.

Natapos ang game nila at syempre sila ang nanalo. Madami dami din akong nakuhang litrato.

Dahil tapos na ang game. Madaming nakapalibot na mga lalaki sa kanya. Kitang kita sa mukha nya na tuwang tuwa sya dahil sila ang nanalo.

"rheina, may boyfriend ka ba?" narinig kong sabi nung isang lalaki. Nakilala ko sya. Sya ang captain ng varsity ng basketball team ng school. Si Edward.

OO! Meron! Ako! Magiging boyfriend nya na ko pag nasabi ko na ang nararamdaman ko para sa kanya. Tss. Oo na. Hanggang pangarap nalang ako.

"Wala.." sagot ni Rheina.

"Ayos.." nakipagappear sya sa teammates nya. "Pwede bang manligaw?"

"Sorry. May nagugustuhan na ako.." ngumiti sya tapos umalis na kasama ng mga kateam nya.

"OOOWWW.. Pare basted ka!" sabi ng teammate ni Edward.

"Shut the fuck up. Dude!" sabi nya sa teammate nya.

"Rheina.." tawag nito kay Rheina. Lumingon naman ito..

"Liligawan pa rin kita..."

nginitian lang sya ni Rheina at nagtuloy tuloy na sa paglalakad.

One week. Two weeks. Three weeks. Ganun pa rin ang lagi kong ginagawa. Lagi pa rin akong nakatingin sa kanya mula sa malayo. Hindi ko pa rin magawang lumapit sa kanya. Kinukuhanan ko pa rin sya lagi tuwing may game sila.

Nagulat nalang ako ng nabalitaan ko na si Edward at Rheina na. Nung una ay hindi ako naniniwala. Pero nung nakita ko sila na magkasama, ewan ko. Biglang kumirot ang puso ko. Daig pa ang taong naputulan ng paa. Sobra ang sakit na naramdaman ko. Wala na. Suko na talaga ako. Tsaka matagal ko na naman na tanggap na hindi magkakaroon ng 'KAMI' . Napakaimposibleng bagay pero heto ako at umaasa pa rin.

Lumipas ang mga araw, ilang linggo nalang at gagraduate na kami. Inaamin ko, mahal ko pa din sya.

Your Biggest Fan (short story) **FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon