BVtB: Chapter two

37.6K 603 28
  • Dedicated to Rose anne Vierneza<3
                                    

Dedicated to sa kanya, kahit wala siyang wattpd account..heheh siya kasi ang gumawa ng trailer ko eh...eehhehe thank YOU so much eheheh

Brie Pov.

Kasalukuyan kami nakapila ngayon ni Barbie dito sa cafeteria ng Boyce High.

Marami rami na ang mga unggoy sa paligid kaya hindi ko maiwasan hindi mapangiwi. Harmless ang mga unggoy ngayon dahil kumakain, kaya naman hindi nila ako ginugulo.

At dahil marami na ang mga estudyante na naglulunch, ang haba haba na ng pila para sa pagkain. Huhuhu kaloka yung mga alaga ko sa tiyan, naghuhunger strike na. kailan pa ba kami makaabot sa unahan.

Mabuti na lang at masyado madaldal si Barbie kaya naman hindi ko masyado napapansin ang haba ng pila, which is why hindi ko namalayan na malapit kami sa unahan. Konting konti na lang matatapos na ang nasa unahan naming sa pag order ng bigla..

May lecheng sumingit sa amin!!

"HOY ANO BA PUMILA KAYO NG MAAYOS! KAMI ANG NAUNA!" hindi ko maiwasan hindi mapasigaw sa mga unggoy na sumingit.

Naku, wag nila ako mabwesit ngayon gutom na gutom na ako kaya baka sila ang kainin ko. Delikado pa naman ako kapag nagugutom. Tsk!

At mukhang hindi natakot ang mga unggoy na sumingit dahil hindi sila umaalis sa pila. Abat! Makakatikim to sa akin.

"UMALIS NA NGA KAYO DYAN! KAMI ANG-XIN?!!" nabigla ako ng lumingon ang isa sa sumingit sa unahan ni Barbie

Nang Makita ko ang pagmumukha ng unggoy na eto ay hindi ko maiwasan hindi mahighblood. Bwesit narito na naman siya!!

"Aie! Girl, akalain mo nga naman pinaguusapan lang natin kanina nakita mo agad si Prince Xin." Bulong ni Barbie sa akin

"Naku, girl mukhang hindi mo na kailangan kumain dahil nasa harapan mo na ang ulam." Dagdag pa ni Barbie na parang kinikilig.

Tiningnan ko lang siya na nandidiri sa kanya sinabi at yung loka kinikilig pa rin. Tss! At ano sabi niya? Si Xin, ulam? My goodness!

Kapag siguro kakainin tu baka ma food poison ka lang dahil ang sama ng ugali niya. Ugh!

Bigla nakita ko tumingin si Xin sa akin at hindi ko gusto ang kanyang panititig, ang hambog kasi tingnan, sinamahan pa na nakasmirk ang loko. Akala mo ikinagwapo niya!

"Xin, pwede ba kahit ngayon lang wag mo muna ako bwesitin. Umalis ka na muna sa pila kasi kami ang nauna sayo. Doon ka sa likod gaya ng mga ginagawa na mga normal na tao." Sabi ko

"Hanep, ka din brie no? may lakas na loob ka pabalikin si Xin dun sa likuran." Ani ng kasama niya

"Oo nga hindi mo ba siya kilala? Hah! Akala mo kung sino."sambit naman ng isang unggoy.

Ughh! Ano ba naman yan, ang daming satsat ng mga lalaki na eto! Akala ko ba all boys school eto pero bakit ang daming arte ng mga lalaki na eto! Tsk! Naku pinagsisihan ko talaga na naeexcite pa ako sa pagpasok ko dito noon at hinangaan pa ang mga unggoy na eto !

Naku, kapag hindi pa talaga aalis dyan si Xin sa pila papatulan ko na talaga eto, kahit sinabi ni papa sa akin na maging mabait habang nag aaral. Gutom na gutom na ako kaya hindi ko na alam ang kaya kong gawin.

Tiningnan ko ng masama si Xin dahil binibigyan ko siya ng oras para umalis. Pigil na pigil na ako sa aking sarili na sapakin ang unggoy na eto.

Pero mukhang hindi nagets ng lalaki na eto ang gusto ko pinapahiwatig sa kanya, dahil mas lalo ngumiti eto. Isang ngiti ng mapang asar.

Binebwesit talaga ako ng isang to! May gana pa siya na ngitian ako ng ganyan, eh gutom na ako!!

Sisigaw na sana ako sa kanya ng bigla naunahan niya ako magsalita " Gutom ka na ba?"

Brie VS The Boys {Complete}Where stories live. Discover now