39: Let Down

2.5K 110 33
                                    

Kitang-kita ni Diego kung paano tumalsik nang malakas ang babaeng yon papalayo. Kung walang grills ang bintana niya, malamang ay lumusot na yon doon at tumilapon sa labas.

"Cat!" Mabilis siyang lumapit. Niyakap niya ito nang mahigpit. "Tama na!"

"Let me go! I'll kill that whore! LET ME GO!" Sigaw nito habang pumipiglas sa kanya. Ang lakas. Hirap na niyang pigilan.

"Veron! Ilabas mo na si Scarlet dito! Bilis!" Utos niya.

Psych ni Cat ang nagpatalsik dito. Kakayahan ng bampira. Mukhang nag-uumpisa nang lumabas iyon. Mas malakas nga lang kasya sa inaasahan niya. 

Mabilis na inilalayan ni Veron ang babae. Agad naman ang mga itong nakalabas ng unit niya.

"Bitawan mo ako! Diego, ano ba?!"

"Cat, tama na! Tigil na! Umalis na sila!" Madiing niyang sigaw. Natigil naman ito sa pagpiglas kaya binitawan na niya. Hindi nga lang niya inaasahan ang malakas na pagsampal ng palad nito sa pisngi niya.

T*ngina masakit. Ang bigat nang kamay. Para nag-crack ang buto niya sa panga.

"Scarlet pala ang pangalan ng babae mo?!" Sigaw nito sa kanya. Pula parin ang mga mata. Nanginginig na sa galit. 

"You bastard! Sinungaling ka! May iba ka pala!"

P*tangina naman kasi, ano bang pinagsasabi ng babaeng yon? May sira talaga!

"Hindi ko siya babae! Tumigil ka na!" Sigaw naman niya pabalik. Hindi niya akalaing pagtatalunan nila ang bagay na ito.

Mapapatay niya talaga si Chua. Malay ba niyang si Scarlet pala ang tinutukoy nito kaninang tutulong sa kanila.

Matagal na nilang informer ang babaeng yon. Palibasa bampira kaya nakakakuha ng mga balita sa mga kalahi. Kapalit noon ang pagsustento nila nang blood packs at ilang pangangailangan nito.

Wala silang relasyon. Malagkit lang lagi yong dumikit sa kanya. Hinding-hindi niya yon papatulan.

"Then sino siya?! Sino sila?!" Itinuro ni Cat ang mga naka-frame na mga pictures ng mga babae sa lamesa niya.

Napalamukos siya sa mukha. T*ngina naman oh! Ba't nakalabas ang mga yan!

"Wala na yan. Dati pa yan. Wala na kami ng mga yan. Malamang si Veron ang naglagay niyan." Sunod-sunod na sambit niya. 

Binata siya noon, hindi maiiwasan. Niligpit na iyon dati pa. Itinago sa pinakasulok ng kabinet. Remembrance lang sana. Malamang pinakailaman ni Veron noong tumigil na siyang tumira sa unit na yon.

Babatukan ko na talaga. Isa pa yong pasaway.  

Lumapit na siya kay Cat para mapakalama pero umatras lang ito papalayo sa kanya. 

"Ano ba kayo ng Veronica na yon? Babae mo rin?" Tanong nito na parang nanghuhusga.

Ah, p*ta. Pati ba naman si Veron?  

"Cat. Magkapatid kami." Paliwanag niya. Nakalimutan nga pala niyang banggitin iyon noong pinakilala niya.

Kumunot lang ang noo nito. 

Malamang nagtataka. Hindi naman kasi sila magkamukha ni Veronica, malayong malayo ang hitsura nito sa kanya. Tsinitang maputi. Mukha naman siyang indyong tutong. 

Kailangan niya iyong ipaliwanag yon nang mas mabuti. Pero sa ngayon kailangan niya munang maayos ito.

"Ganto kasi. Boto yon kay Raffy kaya mukhang pinaghihiwalay niya tayo," marahan niyang sambit. Nagawa na niya niyang makalapit at mayakap si Cat. Hinaplos-haplos niya nang marahan ang likod nito. Mabuti naman at di na ito pumiglas. Mukhang kumakalma na nga.

Selosa pala ito, sobra. Nakakabuang. Pero sa isang banda noon, natutuwa siya. Mukhang makikipagpatayan talaga para sa kanya.

Sana lang tumalab ang pagpapaamo niya dito. Kakaumpisa lang nila, may problema agad. Maliit nga lang na bagay ito kumpara sa mga kahaharapin nila.

"Wag mo na silang pansinin...kakalabas lang natin ng bunker eh." Bulong niya.

Inilapat niya ang mukha sa sulok ng leeg nito. Naamoy niya ang bango. Wala itong suot sa ilalim ng robe at ramdam niya ang init galing sa katawan nito.

P*tsa talaga. Iba talaga ang epekto sa kanya.

"Si Raffy..." Anito. Naramdaman niya ang paghinga nito nang malalim. 

Paanong sumulpot si Raffy sa usapan ngayon? Selos na naman?

Napabuga siya ng hangin. Mga babae talaga.

"Magkaibigan lang kami, Cat. Naman eh.."

Itinulak siya nito papalayo. Tumalikod ito sa kanya at napasuklay sa basa pang buhok. 

"But what will you do now?" Ramdam niya ang ngit-ngit sa tanong na yon. "That Pierre. Magkasama sila ngayon. Anong gagawin mo ngayon, may relasyon na sila."

Kumunot ang noo niya. Kanino niya nalaman yon?

Hindi niya alam ang magiging reaksyon. Kung totoo yon, na kay Rap-Rap yong desisyon kahit ayaw niya doon sa lalaki.

Nagpatuloy lang si Cat. "Naalala mo ba yung sinabi ko sayo? That he killed my parents para matigil ang pagkalat ng Fullmoon?"

" Anong kinalaman ni Rafaella doon?"

"She's his reason," sambit nito. "Gusto niyang malinis ang konsensya sa ginawa niya kay Raffy. For bringing those hunters. Alam ni Pierre na lango ang mga yon sa Fullmoon."  

Mabilis niyang nahablot ang braso ni Cat sa pagkabigla. "Anong sinabi mo?!"

Sana mali. Sana nabibingi lang siya.

Napangiwi ito sa mahigpit na kapit niya. "You're hurting me, Diego."

Bintawan niya ito agad at lumayo. Hindi niya sinasadya. Hindi na niya napigilan ang sarili niya.

Nadinig niya ang paghinga nito nang malalim. Umiwas ito nang tingin sa kanya. Mukhang ayaw na nitong ituloy.

"Cat! Magsalita ka!"

"He's same man who ruined her. Si Pierre din ang may pakana kung bakit na rape si Raffy twelve years ago. He's probably doing--"  

Naihagis niya ang unang maabot ng kamay. Isang mataas na estante yon na punto ng mga photo album niya. Nagkalat ang mga yon sa sahig.

Napasinghap ito sa gulat sa ginawa niya. Kaunti nalang at matatamaan niya ito.

"Tangina lang, Cat. Bakit di mo sinabi agad?!" Napasabunot siya sa sariling sa buhok at tumalikod dito.

Sa inis. Sa galit. 

T*ngina. Matagal na nilang hinahanap ni Kiel ang taong yon. Yung Pierre lang pala.  

Hinayaan niya itong mapalapit kay Raffy. Dapat pala noon pa, tinapos na niya. Kahit sabihin pa na--

Napailing siya. Ang gago talaga. Manang-mana sa ama.

"D-Diego..."

Napalingon siya kay Cat. Hindi niya alam ang gagawin niya.

Napayuko ito. "You really can't get over her, do you?"

Kinuyom niya ang mga palad nang mariin. 

"Mag-usap tayo mamaya."

Dumiretso siya sa pinto at pabagsak na sinara yon.

Requiem: AwakeningWhere stories live. Discover now