Chapter 1

23K 697 39
                                    

"Tulong! Magnanakaw! Tulong!''
Naalimpungatan ako sa ingay. What the! Pati ba naman pagtulog ko? Iistorbohin ng mga gagong magnanakaw na 'yan. Humanda talaga sakin kung sino man 'yon.

Katatapos lang kasi ng isa sa mga misyon ko kaya naisipan kong matulog muna. Tumalon ako sa punong hinigaan ko kanina at saka ko siya hinabol. Tsk! Ang bagal naman tumakbo parang ewan lang.

''Hoy!" Napalingon naman siya sa akin at inilabas ang matalas niyang balisong. Akala mo matatakot mo ako riyan? Nek Nek mo!

''Sino ka bang pakialamera ka?'' sigaw niya. Napahalukipkip lamang ako at nginisian siya.

Hindi ko siya sinagot. Sayang lang laway ko.

"Sumagot ka!" Sumugod siya sa akin pero agad kong naiwasan ang kutsilyo niya at saka mabilis kong hinablot ang braso niya at ipinilipit matalikod.

"Ah!" malakas na sigaw niya kasabay nang pagkabitiw niya sa balisong. 

Gamit ang kanang kamay ko ay kinuha ko ang posas at agad siyang pinosasan.

''Anong?" Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa posas.

''Pulis ako! Gago!''

''Woooh!" Napatingin ako sa paligid namin. Ang dami na pa lang nanonood. Pero isang direksyon lang ang nakakuha ng atensyon ko.

Ang isang grupo ng kalalakihang nakangising nakatingin sa akin saka sila sumakay sa van.

What's that for?

Sino sila? Mukha silang malalakas at mapanganib. Tinitigan kong mabuti ang marka sa jacket nila.

FU HELL.

Aalis na sana ako ng biglang tumunog ang celphone ko. Sino naman kaya 'to?

'I'm on a mission, I'm on a mission
adventures here adventures there'
Hahaha baby so fun blood is over here'
Come join me ohhh oh oh oh

''Hello!"

''Inspector Sandoval, pumunta ka rito sa headquarters. Pinatatawag ka ni Chief."

''Okay, pupunta na ako riyan.'' Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Anong sasabihin ni papa?

''Oh, nandito na pala ang goddess ng headquarters!'' sigawan ng mga kasamahan ko. Napairap na lang ako saka ko tinapon sa kanila 'yong nahuli kong magnanakaw.

''Kayo na bahala riyan!''

''Yes Inspector Sandoval!'' Enjoy na enjoy nilang hinatak 'yong magnanakaw.

Pagdating ko sa office ni Papa. Naabutan ko siyang nakayuko at seryosong nagbabasa.

''Pa.'' Agaw ko sa atensyon niya at saka ako sumaludo. Nag-angat naman siya ng tingin at saka binigay sa akin ang isang folder.

''You have a new mission Zarina and I know you will enjoy it," walang emosyong sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko pagkabasa ko sa nilalaman ng folder.

What the fuck! What is this?

"Chief, what's this crap?"

I will disguise as a guy? Shit! Nababaliw na ba sila? Me, Inspector Zarina Melsey Sandoval?

''My daughter, my daughter. You said you're strong enough to accept any mission. So prove it! Accept this!'' madiing sabi niya. So wala na talaga akong choice?

''The University you will enter is not ordinary. It's a home of mafias and gangsters. Your mission is to find their Prime, the leader of the syndicate who is hiding there.'' So this is a big mission, huh?

''But why I will disguise as a guy?''

''You need to do that, para mas mapadali ang mission mo. You will be a student there so better be ready.'' Wala talagang atrasan 'to.

Goodbye being a lady Zarina. You will be a guy now.

Nakatingin lang ako sa reflection ko sa salamin ang masasabi ko lang. Ako ba talaga 'to? What the! Ang gwapo ko!

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Napatingin ako sa paligid ko nang ihinto ni papa ang kotse. Gubat lang naman ang nakikita ko.

Pinagloloko lang yata ako ni papa. Wala naman dito 'yong Fevnery University. Puro puno lang naman nakikita.

''Zarina, we're here.'' Bumaba na lang ako. Kahit nalilito ako kung nasaan 'yong University.

''Always remember, you're a man okay? Act like one. You are Zack now. Nasa room mo na lahat ng kailangan mo." Saka niya ibinigay ang maleta ko.

''Okay pa. Thanks!'' Hindi naman niya ako sinagot at dire-diretso lang sa kotse niya. Tinanaw ko na lang siya habang papalayo. So this is it! Wala na talagang atrasan.

Teka, nasan na pala 'yong University? Lumingon ako sa paligid ko. Naglakad-lakad na lang muna ako hanggang sa mapadako ang tingin ko sa isang malaking puno. Parang may kakaiba kasi doon.

Pagkahawak ko bigla na lang may lumabas na 'insert fingerprint' tapos may lumabas na ilaw saka ako ini-scan.

Napangiti na lang ako. ANG ASTIG! May lumabas na kasing napakalaking gate.

Pagpasok ko lalo akong namangha. Ang lawak kasi, talaga nga namang dito magtatago ang Prime nila. Napakaliblib ng lugar na 'to.

Napatingin ako sa paligid ko. Sobrang ganda talaga. Nagsuot muna ako ng shades saka ako tuluyang pumasok. Mukhang mag-eenjoy nga talaga ako rito. Hindi ko kasi naranasang pumasok sa isang University. Since childhood I was trained to be a Police.

Sa totoo lang 18 years old pa lang ako. Since bata pa lang ako na trained. I passed all the test and tasks. Para sa akin all of it are easy.

Habang naglalakad ako.

All eyes is on me.

Napatigil pa sila sa kanya-kaniyang ginagawa. What the! Anong problema ng mga 'to?

Napatakip ako sa tenga nang bigla na lang silang magsigawan. Specially girls then in a glipse. Pinagkakaguluhan na nila ako.

''POGI ANONG NAME MO?" What the! What to do?

Kumaripas na lang ako ng takbo. Shit! hinahabol nila ako.

No choice my only escape. Tumalon ako para maakyat ang isang punong maraming dahon. Magtatago muna ako dito siguro naman hindi na nila ako makikita dito.

''ASAN NA SI POGI?'' Narinig kong tili ng isang bakla. Fuck!

''GIRLS, HANAPIN NATIN SIYA!"

''NANDITO LANG YUN GIRLS!"

Napapikit na lang ako. I can't believe these! Gays and girls are hunting me. What the!

''Hey! You asshole! Why are you here?"

Napatigil ako sa pagbuntong-hininga saka ako lumingon.

Then I meet an emotionless oozing blue eyes whose staring me intently.

***

You can read the full version of this on DREAME app. Just download the app and search "Fevnery University" or my username, Msshell.

Shels<3

Fevnery University: Lady Police (AVAILABLE ON DREAME)Where stories live. Discover now