Chapter 3 - LIVING A DREAM

749 16 1
                                    

Suzy’s POV

“AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!”

Lumabas agad ako ng CR. Masyado akong nagulat sa itsura ko. Aisssh hindi ko na ata kaya tong mga nangyayari sakin e.

E ano ba dapat kong gawin? Paano ko ba maalala ang lahat? Anong gagawin ko?!

Hinanap ko yung mga gamit ko pero wala akong makita.

“ANO BA YAN!!! SAN BA NILA NILAGAY YUN?” Halos magwala na ko sa inis.

Baka kasi sakaling may maalala ako pag nakita ko yung mga gamit ko. Baka sakaling mabalik yung 4 years na memory kong nawala o kahit konting ala-ala lang ohhhh please. Kahit konting clue lang.

My thoughts suddenly interrupted by a knock at the door.

*Tok.Tok.Tok

 

“Come in please.”

“Suzy may problema ba?”

 

 

Oo! Ang laki g problema ko. Sobra! Ikaw kaya dyan mawalan ng 4 years na memory. Di mo alam kung sino ka na ngayon , wala kang clue kung anu nangyari sa buhay mo, tapos nawawala pa mga gamit mo. Tignan ko na lang kung di ka magkaganito. Aisssh!

 

“E kasi po…. Nawawala po yung mga gamit ko. Alam nyo po ba kung nasaan?”

“Andun yung mga gamit mo sa cabinet. Teka lang kunin ko.”

Kinuha nung nurse yung bag mula sa cabinet tapos inabot saken. Tinignan ko na dun yun kanina ah.

“Nandun yung mga damit mo pa. Yan lang naman siguro kailangan mo ngayon. Nandyan yung mga gamit mong importante. Kung kailangan mo ng tulong tawagin mo lang ako.”

“Ahhh. Sige po. Thank you.”

Pagtingin ko sa bag na inabot nya, Louis Vuitton. Ang ganda naman ng bag na toh. Pero hindi naman akin toh e. Baka sa ibang pasyente toh at nagkapalit lang kami.

In Case You Forget MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon