Chapter 18 - I Love Him

9.4K 88 1
                                    

Now a published book under LIB. Php 129.75. Available in all Precious Pages stores nationwide and soon on other bookstores. 

For more updates, visit LIBOfficial in Facebook.  



Cassie's POV

"ANAK! BILISAN MO NGA!" Ano ba naman yan? Ang ingay ni Mama.

Agang-aga ay sumisigaw. Parang masyado syang hyper ngayon?

"Bakit po ba?" sabi ko habang sinusuklay ang aking buhok. Nakasuot na ako ng uniform namin.

"MAY SUNDO KA!" sigaw pa rin nya. Nakasarado kasi ang pinto. Tinatamad akong tumindig at buksan.

Sundo?

Tinapos ko na ang pagsusuklay. Nagmadali na akong kuhanin ang gamit ko at bumaba na.

"Ma, babye na."

Hindi na ako kumain. Pag minsan kasi, nasusuka ako kapag nag-aalmusal ako.

Lumabas na ako ng gate namin.

At nakita ko ang pamilyar na kotse na naghihintay sa akin.

"AISH! ANG TAGAL MO!"

Ayan na naman sya. Sumisigaw na naman.

Pabayaan mo na. Tandaan mo, niligtas ka nya nung Monday.

"Sorry naman." sabi ko habang pumapasok sa kotse.

"Ok ka na ba? Dami mo kasing pasa, mukha ka ng dalmatian."

Ok na sana,eh. Nagloko na naman.

"DALMATIAN KA DYAN! MUKA MONG UNGGOY KA!"

Nagcross arms na ako. Tapos tumingin na lang sa may unahan.

"Ang taray mo talaga. Ganyan ang trato mo sa akin? Ako ang nagligtas sayo dun sa tatlong bruhilda."

"Oh. Anong gusto mo?"

"Ayos na sa akin ang isang kiss."

O________________________________________O

"WHAT?! Kiskisin mo yang nguso mo sa pader!

"Hahahahahahaha. Ang cute mong magalit."

Cute?

Sinabihan nya ako ng cute?

*whisper* "Unggoy na pangit."

Di nya siguro narinig. Wala syang reaksyon, eh.

"Ano? Sino ng lamang?"

Anong lamang?

Anong sino?

Anong meron?

"Huh?"

"Wala."

Ano ba kasi yun?

Nakarating kami sa school ng hindi nag-uusap. Ewan ko kung bakit.

Tapos nung nandun na kami sa may gate ng school, bigla na lang syang umakbay.

"OI! Wag ka ngang umakbay! Ang bigat ng braso mo."

Tinanggal ko ang braso nya.

Pero pilit nya uling nilalagay.

"Yaan mo na kasi, Leigh."

Leigh na naman. Bakit ba yun ang tawag nya sa akin?

Andami na namang nakatingin sa amin. Sanay na ako. Araw-araw na lang kasing ganyan.

Sorry, I've Fallen For You (Published by LIB)Where stories live. Discover now