Chapter 5 (Paramdam part 1)

15 0 0
                                    

Uhmmm, guys. Pasensorry po at ngayon lang nag PARAMDAM. Hahah busy po masyado. Hope you enjoy the next chapter. Enjoy reading!!!! ^_^ <3

------------------------------------------------------

Kurt's POV

"Angelique may sasabihin ako. U-uhmm, crush kita."

Napayuko ako habang sinasabi.ko yan sa kanya.

"Ako rin naman may crush sayo e wag ka na mahiya"

Hinawakan niya yung kamay ko at itinaas ang ulo ko mula sa pagkakayuko. Saka nginitian ako.

Naglakad kami habang magkaholding hands.

"Kurt!!!! Gising na!"

Ano? Bakit may sumisigaw ng ganun at paulit ulit pa.

Splasssssh!

Wtf? Basang basa na ko.

"Kurt kanina pa kita ginigising!"

Paano ba naman binuhusan ako ng tubig. at ang masakit pa panaginip lang pala yun. hahaha Leche!

"eto na po maliligo na po"

Habang naliligo ako di matagal sa isip ko yung lintik na panaginip na yun. Alam niyo ba yung feeling na akala mo totoo na pero nananaginip ka lang pala. Hay paasang utak yan oh!

"Kurt bilisan mo nandito na si Millen!"

Ha? Si Millen? Oo nga pala lagi kaming sabay pumasok. Pakiramdam ko aasarin nanaman ako nito ang aga aga.

Nagbihis ng mabilis si kurt sabay labas ng kuwarto at hinanap si Millen.

"Tol, ang tagal parang babae ha!"

"Siraulo! Kakagising ko lang kasi sa REALITY! HAHA

"aha may napanaginipan ka noh?"

"Meron kainis nga kasi panaginip lang pala. Haha"

"Ano yun tol? Si Angge ba?"

"Oo eh malas nga e hanggang sa panaginip ayaw siyang tigilan ng isip ko."

"Lakas ng tama mo tol."

"Hindi ah. Pinipigilan ko na nga kasi ayoko ng matulad sa ginawa sakin ni Lyza."

"Sabagay pare. Pero di namn ganun si Angge."

"Di natin alam."

Sa sobrang daldal namin di nanamin namalayan na nandito na pala kami sa school. Pumasok kami sa classroom.

"Milleeeeen!"

"Oh angge?! Anong problema mo?"

Awtsu si millen unang pinansin.

"masamang tawagin ka? sige si Kurt na nga lang."

"Hi Kurt!"

"H-hello!"

"oh ingat ka baka madapa ka may bag sa harap mo."

"pano ko magiingat, kung sa'yo palang nadapa na puso ko."

"ano? anong sabi mo Kurt?"

shet ano ba yung nasabi ko?

"W-wala, wala akong sinabi. hahaha!"

anu ba yan hindi ako makatingin ng maayos sa kanya. kainis kasing bibig to eh.

"Hindi, meron kang sinabi eh."

biglang dumating ang teacher namin. Buti nalang dumating si ma'am kaya hindi ko na kailangang sagutin si angelique.

"hindi ko makalimutan yung sinabi ko sakanya. Buti nalang hindi niya narinig."

------------------------------------------------------

Angelique's POV

"Ang tagal naman nila mill"

Wala pa kasi sila. Mukhang napaaga yata ako ng pasok. Ewan ko ba bigla nalang ako nasiging ng maaga. Dahil wala pa sila mill magbabasa muna ako ng libro. Habang nag babasa ako bigla nalang bumukas ang pinto kaya napatigil ako sa pagbabasa. Pagtingin ko sa pintuan nakita ko sila mill kaya binati ko sila.

"Milleeeeen!"

"Oh angge?! Anong problema mo?

Grabe talaga tong si mill tinawag lang ang pangalan niya may problema na agad. Ayaw yata nito eh. Pagtingin ko sa likod ni mill nakita ko ai kurt na nakasimangot. Problema nun? Siya na ngalang ang batiin ko.

"Masamang tawagin ka? Sige si kurt na nga lang."

"Hi kurt!"

"H-hello!"

Hala nagulat ko yata. Mukhang hindi niya mapapansin yung bag sa harapan niya. Kawawa nman pag nadapa siya.

"Oh ingat ka baka madapa ka may bag sa harap mo."

"paano ako magiingat, kung sa'yo palang nadapa na puso ko."

Huh anong sabi niya? Hindi ko masyado narinig.

"ano? anong sabi mo kurt?"

"w-wala, wala akong sinabi, hahaha!"

Wala?! Pero bakit siya umiwas ng tingin sa akin? Hmmm~!

"Hindi, meron kang sinabi eh."

Magsasalita na sana siya ng biglang dumating si ma'am kaya nagsibalikan na sila sa kani-kanilang upuan.

Kung hindi niya sasabihin kung ano yun, ako ang pipilit sa kanya na sabihin sakin kung ano yun. Lagot ka sakin mamayang recess, hindi kita titigilan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ng torpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon