Chapter 3 ~Crush~

66 0 0
                                    

Chapter 3

~Crush~

Moonlight Academy.

Ito ang unang official first day of classes nina Mark at Nina. At sa kanilang History Class, tinalakay ang isang legend tungkol sa "tagapagligtas."

Noon, isang lalaki ang umibig sa isang babae. Hindi alam ng lalaking ito na isa palang witch ang babae. May paniniwala noon na ang witches ay kampon ng kadiliman. Nang malaman ng lalaki ang tungkol sa tunay na katauhan ng babae, iniwanan sya nito at nagalit ang babae.

Hindi ito matanggap ng babe at umiyak ng umiyak ng umiyak. Dahil dito, pinasugod ng head witch ang buong nayon. Pinatay nila ang buong pamilya ng lalaki. Bago tuluyang malagutan ng hininga, isinumpa ng lalaki na sya ay babalik para ubusin ang buong lahi ng mga witches. Ang lalaking ito ay mas kilala natin ngayon sa bansag na "witch terminator."

At para mapigilan ang sumpa, nagpakamatay ang babae at sinabing sya rin ay magbabalik sa hinaharap upang sya mismo ang papatay sa witch terminator. 

Humarap ang guro kay Nina. "Sa pamilya Spellwore ipinanganak ang tagapagligtas. Sa pamilya ni Nina."

Pinagtinginan si Nina ng mga kaklase nya at pinag-usapan, karamihan, humanga sa pamilya nya. Obviously, hindi natuwa si Nina, at sa isip nya, "haynako. Kung alam lang nila na black sheep ako..."

During their recess time, tuwang-tuwang ibinalita ni Mark kay Nina na magkakaroon ng pagtitipon sa susunod na araw. Syempre, tuwang-tuwa ang lola mo dahil sa wakas makakapag party-party na naman sya. At syempre excited sa paghahanda si Nina.

Dumating na ang araw ng pagtitipon. At syempre, kailangang bonggang-bongga ang outfit ni Nina. Agaw-atensyon sya ng pumasok sa bulwagan. Sinalubong sya ng bestfriend nya na namumuti na ang mata kahihintay sa kanya.

"Bakit ba ang tagal mo?" tanong ni Mark.

"Tinahi ko pa kasi tong damit ko eh. Bwahahaha. Ayos ba?" Umikot-ikot si Nina para makita ng bestfriend ang kanyang special creation. At dahil sa kaiikot, napatid si Nina sa sariling gown at muntik ng magsubasob. Buti na lang at nasalo sya ni Mark.

Medyo nagkatitigan ang dalawa, at sakto namang nagsimulang magpatugtog ng sweet na kanta. Inaya ni Mark ang kaibigan para sa kanilang first dance.

Habang nagsasayaw, napansin ni Nina na nagbinata na ang bestfriend nya. Sinabi nya sa isipan nya: "Aba. Akalain mo, binata na rin pala tong ututing Mark na 'to. Impernes, may hitsura si friend." Tinitigan nya si Mark. "Aba, mas matangkad na rin pala sya sa'kin."  

Lumalim pa ang gabi, at nagkahiwalay ang dalawa. Hindi mahanap ni Nina kung nasaang lupalop ng Moonlight Academy naroroon ang kaibigan nya. Habang naghahanap, napunta sya sa may bandang Comfort Room. Habang nagre-retouch, bigla namang pumasok ang isang pamilyar na babae. Eto yung nakaaway nya nung unang araw nya sa Academy.

Mukhang may binabalak ang babaeng ito. Ilang saglit pa'y kinausap na nya si Nina. "Hello Nina. We meet again. Ako nga pala si Nadine." Halatang-halata ang pagka-plastic ng bruha.

"O, ano namang kailangan mo?" sagot ni Nina habang tinitingnan ang kausap mula ulo hanggang paa. Checking every detail of the opponent's outfit.

"Wala naman. Everytime kasi na may mga ganitong pagtitipon, ako ang nananalo ng Ultimate Fashionista Award." Sabay bunot ng magic wand at pag-atake kay Nina. Nabalot ng usok ang buong CR. Abot hanggang tenga naman ang ngiti ni Nadine.

Nang humupa ang usok, nagulat si Nadine nang makitang hindi man lang nabago ang posisyon ni Nina at walang nangyari. "Ano bang ginagawa mo?" Sabay walk-out ni Nina at tinapik sa balikat si Nadine bago tuluyang lumabas ng CR.

Hindi makapaniwala si Nadine na walang nangyari, pero nagkamali sya. Pagtingin nya sa salamin, bumalik sa kanya ang magic nya. Sya ang nagkapunit-punit ang damit at nagdumi ang mukha.

"Hmmp. Pasalamat sya hindi ko sya pinatulan dahil hinahanap ko si Mark." Ito ang nasa isip ni Nina habang naglalakad pabalik ng bulwagan. "Nasan na ba kasi yung taong yon?"

Nakarating na ulit si Nina sa bulwagan, pero hindi nya mahanap si Mark. Maya-maya pa ay ipinakilala na ang Blue Moon, ang official banda ng school. Nagulat na lang si Nina dahil nahanap na nya ang bestfriend nya. Nag-gigitara sa stage kasama ang banda. Myembro na ng Blue Moon si Mark! And take note: meron syang gwapong friendship na papable! Kyaaaa~

Matapos ang performance ng Blue Moon, bumaba na ng stage si Mark para lapitan si Nina. Nung una, syempre highblood ang sisterette mo.

"Ikaw warlock ka! Hindi ka nagsasabi myembro ka pala ng banda! Pinaghanap mo pa ko ng bonggang-bongga, andyan ka lang pala sa may stage!" Habang binabanat ang pisngi ng bestfriend.

"Aaaa-h!" sabay hawak sa namamagang pisngi. "Syempre gusto kitang sorpresahin. Heheheheh. Ang galing ko no? Kita ko tulo laway ka habang nagpe-perform kami."

Naalala ni Nina yung cute na ka-banda ni Mark. "Uuuuyyy..." sabay kapit sa braso ni Mark. Naglalambing na naman. May kailangan na naman. Kinabahan na naman si Mark.

"O, ano yon? Pag ganyan ka alam kong may kailangan ka? Ano na naman yon?" tanong ni Mark na may halo na namang pagdududa.

Kumapit pa ng mas mahigpit sa braso ni Mark, na mas kinabahan pang lalo. "Anung pangalan nung ka-banda mow? Yung nag-gigitara din?" *Tantalizing and sparkling eyes* habang nakatingin kay Mark.

Nakahalata si Mark at alam na. Ngumiti ito na may halong panunukso. "Si Erik? Baket? Crush mo? Uuuuuuuuyyyyy...~"

Parang batang kinilig si Nina. Nakahawak pa sa pisngi at namumula. "Pakilala mo kooo... Hihihihihihii"

"Ayoko nga! Baka mamaya gumawa ka pa ng kalokohan, matanggal pa ko sa Blue Moon." Sabay bitaw sa bestfriend. 

Itinaas ni Nina ang kanang kamay at nangako, "hindi! Promise I'll be good! Hindi ako gagawa ng kalokohan."

And as always, nadala na naman sa lambing at pa-cute ang bestfriend. At nagplano ang dalawa para sa first meeting nina Erik at Nina.

Nina: Witch of TroublesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon