Nina: Witch of Troubles

164 0 0
                                    

Chapter 1 

~Black Sheep~

Erowell.

Nabulabog ang buong kalupaan ng Erowell (lupain ng pamilya Spellwore) sa sigaw ni Ria, ang nakatatandang kapatid ni Nina na pinaniniwalaang tagapagligtas ng buong lahi ng mga witches. May ginawa na namang kalokohan si Nina at naging kinky pink ang buhok ng ate nya.

"Nina, ano na naman ba'ng ginawa mo sa ate mo? Ibalik mo na nga sa dati ang buhok nya." As usual, highblood na naman ang nanay ni Nina sa kanya. Palibhasa paboritong anak si Ria.

"Kilabi om as itad kohub in eta air." Nag-magic si Nina pero palpak na naman. Imbis na bumalik sa dati ang buhok ng ate nya, ay tuluyan itong nalagas. As expected, ipinatawag na naman si Nina ng kanyang lola.

"Nina, ayaw sana naming gawin ito pero sa tingin ko, kailangan na. Ipapadala ka namin sa Moonlight Academy para naman matuto ka ng tamang asal." Noon pa man, black sheep na ang tingin kay Nina. "Maganda ang reputasyon natin sa paaralang iyon kaya sana naman wag kang gagawa ng kahit anong makakasira sa pamilya natin."

Nang matapos ang sermon ng lola nya, lumipad si Nina gamit ang kanyang flying broomstick patungo sa hideout ng kanyang kababatang si Mark. Nagmumukmok na naman si Nina at tulala nang may maramdaman syang nasa likod nya. Ginulat na naman sya ng bestfriend nya.

"O, bakit naka busangot ka na naman dyan?" Tumabi si Mark sa kinauupuan ni Nina.

"Wala. Binibiro ko lang naman si ate Ria eh. Tapos nagalit na sya kagad."

Lumapit pa si Mark sa mukha ni Nina at tiningnan sa mga mata na may halong pagdududa. "Anon gang biro? Alam kong mapagbiro ka. Ano na naming ginawa mo?"

"Eh... kasi..." Lumapit pang lalo si Mark. "N-nakalbo si ate.............."

Napabuntong hininga na lang si Mark. "Haynako. Alam mo naman kung gaano kaarte sa hitsura yang ate mo. Hindi nakapagtatakang magalit yun."

Naging malayo ang tingin ni Nina at biglang nagbago ang boses. "Alam mo, paborito kasi nila si ate kaya ganun nalang ang reaksyon nila sa nangyari. Si ate kasi ang dahilan kung bakit sikat ang pamilya namin. Sa alamat kasi ng pinagmulan ng witches, sa pamilya namin ipapanganak ang tagapagligtas na magliligtas sa buong lahi ng mga witches. Si ate Ria yun. Sya kasi ang unang ipinanganak sa henerasyon natin. At dahil sa sya ang tagapagligtas, sa kanya ibinibigay lahat ng atensyon. At ako... ako ang black sheep ng pamilya."

Napansin ni Mark na seryoso ang kaibigan. Hinawakan nya ang mga kamay nito. Tiningnan sya ni Nina, at sa hindi maipaliwanag na dahilan, parang kinabahan si Mark dahil mukhang may binabalak na naman ang kaibigan. Hinigpitan ni Nina ang hawak sa kamay ng bestfriend sabay tingin dito.

*Teary eyed* "Mark... bestfriend..." Mas kinabahan si Mark. "Diba bestfriend mo naman ako... samahan mo naman ako sa Moonlight Academy..."

Nagulantang si Mark at nanlaki ang mata. Pero syempre nadala sa konting palambing-lambing ang bestfriend. "Pasalamat ka, malakas ka saken ha."

Maya-maya pa ay tumawag na sa cellphone si Ria at pinauuwi na sya para sa isa na namang family conference. Nagpaalam na sya sa bestfriend nya.

Magkakaroon ng pagtitipon sa araw ng Linggo. At dahil sa isang party-lover 'tong si Nina, syempre super excited na naman sya mag party-party. Meron daw silang darating na kamag-anak, si Mon.

"Sino si Mon?" pabulong na tanong ni Nina sa paborito nyang pinsan na si Maan.

Hindi maipinta ang hitsura ng pinsan nya. At walang-kurap nyang sinagot si Nina, "hindi ko kilala."

Nagtaka si Nina dahil hindi naman ganon ang pinsan nya. Baka naman masama ang pakiramdam. Oh well. Hindi na lang nya pinansin. Sa labas, sinabi ng nanay ni Nina na sa Linggo ang alis ni Nina patungong Academy. So in short, hindi sya makakapag party-party. Deym.

Dumating ang araw ng Linggo. Lahat ay abala sa paga-ayos para sa pagtitipon. Dala-dala ni Nina ang mga gamit nya, pero wala man lang pumansin sa kanya at nakuhang magpaalam. "Hmmp. Ayokong umiyak. Wag na wag na wag kang iiyak Nina." Naramdaman nya ang coldness ng pamilya nya. "Ang hirap talaga maging black sheep."

Hinihintay na sya ni Mark sa train station. Nakita ni Nina ang bestfriend at ang ate nito. Nakaramdam sya ng inggit dahil pinagbibilinan si Mark ng ate nya na ingatan ang sarili nya, at naihatid pa ito sa train station. Maya-maya pa'y nakita sya ng ate ni Mark at tumakbo papunta sa kanya, at niyakap. Masayang-masaya ang ate ni Mark na makita ang bestfriend ng kapatid nya.

"Nina, alagaan mo 'tong si Mark ha. Alam mo naman kung gano katamad yang batang yan. Mag-iingat kayo don ha."

Napatango na lang si Nina, at bakas sa mukha ang pagkadismaya. Napansin ito ni Mark. Maya-maya pa ay dumating na ang tren na sasakyan nila papuntang Moonlight Academy. Walang imik si Nina mula ng magkita sila ni Mark. Hindi na kinaya ni Mark ang katahimikan ng bestfriend. "Oy, kanina ka pa walang kibo dyan ah. Ano na namang nangyare?"

Hindi pa rin kumikibo si Nina. Ayaw magsalita. "Wag mo kong hahawakan. Wag mo kong hahawakan...,"sabi ni Nina sa sarili. Tinapik sya sa balikat ni Mark at tinanong, "Ayos ka lang ba?"

Hindi na napigil ni Nina ang sarili at napaiyak. Naisip ni Mark, "hala. May nangyari na naman yata sa kanila." Niyakap na lang nya ang bestfriend nya at pinapatahan.

"Kasi naman ehh... bakit naman kasi ganon. Wala man lang nag-goodbye sakin. If I know, hindi sila nagse-celebrate dahil sa pagdating nung kamag-anak namin. Kaya sila nagse-celebrate kasi aalis na ko. Wala na yung black sheep.*iyak* Buti ka pa. Mahal na mahal ka ni ate Jen (kapatid ni Mark)."

Tinapik ni Mark si Nina sa ulo na parang alagang aso. "Alam mo, feeling mo lang yon. Isa pa, andito naman ako no. Kaya wag nang masyadong maraming iniisip dyan. Matulog ka na lang. Gigisingin na lang kita pag nandun na tayo." Isinandal ni Mark ang ulo ni Nina sa balikat nya para makatulog.

Nina: Witch of TroublesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon