Chapter 33

119K 1.7K 98
                                    

Selena's POV

Pang limang araw ko na dito sa cali. Gabi na rin kaya naman nandito kami ni daddy sa bahay. Tuwing umaga kasi ang punta namin dun kay mom. Hindi siya pwedeng i-uwi dahil mahina na yung katawan niya pero kahit ganun, we’re still hoping that she’ll survive. That we can surpass this dilemma.

“Pop! Pop!” Agad naman akong napa-tingin sa batang pumasok sa bahay namin. May kasama siya na nanny ata niya.

“Poooop~ pooop~” Paulit-ulit niyang sabi.

“Hey! Who’s this kid? And who are you?!” Tanong ko dun sa babaeng nag-aalaga siguro sa kanya. Aba! Sa pagkaka-alam ko wala naman kaming kasama na bata dito. Isa pa, wala akong kapatid na baby noh!

“Pooooop~ I want pooooop~” Sabi niya. Ang cute sana niya kaya lang ang ingay. Ugh!

“Oh ano? Tatanga forever? Sino yang bata na yan?” Tanong ko ulit sa kasama nung batang lalake.

“A-ah ano p-po..” Sasagot pa lang sana siya pero biglang dumating si dad.

“Hey baby boy!” sabi niya sabay buhat dun sa bata.

“Poooop!” Sabi niya sabay tawa. Anong pop?!

“Dad! Who’s that?” Inis kong tanong.

“Oh. This is Cloud. Your baby brother.” Wtf. Baby brother?! Kelan pa?! As In, kelan pa ko nagkaron ng kapatid na bata?!

 

“W-what?! Him?!” sabi ko sabay turo sa batang buhat-buhat niya. “Kapatid ko? Ow please dad! You’ve got to be kidding me!”

“Sadly, I’m not kidding you. Kapatid mo ‘to.” Sabi ni dad na tuwang-tuwa pa. Letche! Anong nakakatuwa? Nasan ang nakakatuwa?! May dahilan ba para matuwa ako?!

“Quit it dad.”

 

 

“Fine. Inampon namin siya ng mom mo.” Sabi niya sabay baba sa batang ewan. Nakatingin lang sakin yung bata na akala mong takot na takot sakin. Tss.

“Ampon? Inampon niyo? D-dad..” Hindi ko alam yung sasabihin ko. Nag ampon sila for what?

My Pervert Roommate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon