By the way I'm John. Single pa rin hanggang ngayon. Sawa na sa
Pag-ibig.
Ilang beses na akong nasaktan. Di ko alam kung ano ang dahilan
kung bakit sila nang-iiwan. Nagkagirlfriend ako nung una tumagal
kami ng 3 taon ngunit namatay siya dahil sa aksidente. Magkasama
kami sa kotse at nabangga kami sa isang poste. Iniisip ko at
tinatanong ko sa sarili ko kung bakit hindi nalang ako ang namatay at
hindi nalang siya. Sige mag flash back tayo......
....S-Sorrow and separation
Noong grade 4 ako, kasama ko lagi ang aking mga kaibigan at
naglalaro kami sa labas ng soccer. May nakita ako na girl at wala
siyang kasama. Malungkot siyang nagaantay ng service niya. Hindi ko
siya pinansin nung una hanggang sa nakikita ko na siya palaging
walang kasama. Kinaibigan ko siya dahil naaawa ako sa kanya dahil
siya ay nagiisa lang.
Ang sabi ko"Hello anong pangalan mo?" Ang sabi naman niya "Jane,"
ang tanong ko naman, "Pwede ba kitang maging kaibigan?" Ang tugon
naman niya ay "Oo"
Nag promise ako noong gabi sa baba ng orion's belt.
Doon nagstart ang relationship namin. Noong grade six matalik na
matalik ko siyang kaibigan. Halos hindi kami mapaghiwalay noon,
laging nagsheshare ng baon. Nagkagusto ako sa kanya at pinangako
kong siya ang pakakasalan ko pagtanda ko
"Ikaw na ang pakakasalan ko kasi ikaw lang ang naging matalik kong
kaibigan na babae. Nagagandahan din kasi ako sa iyong mga ngiti at
mata. Hindi rin ako makatiis pag malungkot ka. Nasasaktan ako
pagnasasaktan ka. Hindi kita maiwanan"
Nagblush siya nung sinabi ko iyon
Naging childhood friend ko siya at masayang-masaya kami lagi
Uwian sinundo ako ng mommy ko. Tinanong ko sa isip ko kung "Bakit
niya ako sinundo at hindi yung service driver?" Kinausap ako ng
mommy ko
"John, anak pupunta tayong Canada next week at doon na tayo titira."
Ang sabi ko naman, "Ma, hindi pwede iyon! Marami akong iiwanan na
kaibigan."
Nagtalo kami ng nagtalo hanggang sa pumayag na ako. Nagpaalam
na ako kay Jane at nangakong babalik ako.
.......A-Accident
After ten years. Bumalik ako sa bansa.Makikita ko na ulit siya.
Sinalubong ako ni tita Weng(mommy ni Jane) sa airport.
"Tita!" ang aking tugon sabay mano sa kanya. "Si Jane po nasaan?"
ang tanong ko."Ah nasa bahay. Hanggang ngayon di ka pa rin niya
makalimutan. Miss na miss ka na niya. Iniyakan ka nung gabing
umalis ka."
Natahimik ako at medyo naguiguilty kung bakit ko siya iniwanan.